CHAPTER 3

1.7K 4 0
                                    

                 "Pre, debu ni Christine sa Friday invited tayo ng barkada." sabi ni Paulo, ito ang naging daan kung bakit nya nakilala ang dalaga. Sa ibang school ito nag aaral "Yesss.., sama kami dyan sabi nina Walter at Joseph."
Napakamot sa ulo ang binata "paano ba yan, hindi ako pwedeng umalis ng Friday night."
"bakit naman?" trio pa
Sa lalapit si Noel classmate nila sa isang subject at nais bumarkada "bakit di ka pwede?" narinig pala nito ang pagtanggi niya.
"Ako ang nakatokang mag alaga kay Richie boy pag friday night."
" sinong Richie boy?" tanong ng tatlo
" Kapatid nya!" si Noel ang sumagot " bakit toka-toka ba kayo?" tanong nito malapit ang bahay nito sa kanila.
" Oo, wala kasi si Nana Sela pag friday and saturday night kaya halili kami sa pag aalaga at friday ako nakatoka kasi maagang kailangan si  Rizza Maine sa bakery dahil day off ni Ate Leni. "
" Di pwedeng pakiusapan?" tanong ni Joseph
Umiling si Ritszard " di pwede"
" Ilang taon na ba yung kapatid mo?" tanong ni Walter
" five months."
" Kahit sandali lang, pakita ka lang, inom2 ng konti naipangako lang kita may Christine" samo ni Paulo
" Lalong di ako pwedeng uminom, baka di ako magising pag umiyak ang bata, o baka madaganan ko siya dahil sa sarap ng tulog."
" katabi mo ang baby sa pagtulog!?" gulat na tanong ng mga kaharap.
" Oo, pag friday night"
" At pag saturday?" tanong ni Noel
"Si Rizza Maine ang katabi nya." sagot niya
" Akala ko tabi-tabi kayong tatlo." nakangisi puno ng malisyang sabi ni Noel
"malisyoso ka talaga!" nakasimangot, mabuti na lang at nag buzzer iniwan na nila si Noel
" ' pre sayang talaga, type na type ka pa naman ni Christine." ani Paulo ayaw paawat
" Pakisabi na lang happy birthday" aniya
Sa totoo lang crush nya ang dalaga, pero anong magagawa nya sa panahong ito wala siyang karapatang magkaroon ng nobya, dahil tiyak niyang hindi nito maiintindihan ang sitwasyon kapwa lang sila masasaktan.
   " Anong problema 'toy?" tanong ni Nana Sela ng mapag buksan ito ng pinto nakasimangot kasi.
" Naiinis lang ho ako kay Noel yung nakatira dyan sa may gilid ng subdivision malisyoso!"
Napailing ang may edad na babae siguradong tinukso na naman ito.
Tuloy sa nasa salang  crib ang binata walang laman narinig niyang humahalakhak ito nasa sofa binubulaga ng kapatid lumapit siya sa mga ito binati" Richie boy "nakangiti na ito.
" O, ayan si kuya dyan ka muna, may tatapusin akong project. "sabay abot sa hawak na bata.
Agad naman itong niyakap at hinagkan ng kapatid.
" Tanggal ang pagod ni Ate at Kuya "ani Nana Sela kay ba bait na bata bulong nya sa sarili habang pinagmamasdan ang ginagawang pagpupog ng halik sa bata" sana wag kayong magbago kay Richie boy. " Anang babae
Ngiti lang ang isinagot ng binata dinala paakyat ang kapatid dahil alam niyang magluluto pa si Nana Sela.
Diretso sa silid ng dalagita" sayo muna 'to magbibihis lang  ako. " Ibinaba  sa kama ang bata" bilisan mo,
kailangang matapos ko ito, deadline na bukas. "habol na salita sa papalabas na lalaki
Di naman natagalan nagbalik agad ito pero sa halip na lumabas nahiga na rin ito sa kama at doon nilaro ang kapatid, napilitan tuloy bumaba ng kama ang babae at doon ipinagpatuloy ang ginagawa. Di na yon ikinagugulat ng babae katwiran kasi nito mas malaki ang kama di agad mahuhulog ang bata kahit maglikot. Doon sila kinatok ng
Yaya ng oras ng hapunan di na rin ito nagugulat " kakain na mga anak." anito
" Ma... Ma... Ma..." sabi ng sanggol
Na ikinagulat ni Ritszard "nagsasalita ka na? (nakangiti) Ate Mama.., kakain na raw." sigaw nito habang kasunod ni Nana Sela pababa ng hagdan karga  ang baby.
Napailing ang matanda " ay ikaw, kuya daddy?" biro nito pabulong kasunod na kasi nila ang dalagita
"Nagsasalita ka na? (tuwang-tuwa) ate hindi Mama." anito
" Neng, yan ang unang salitang nabibigkas ng baby hayaan mo na." sabi ni  Nana Sela
         

Bahay BAHAYAN (COMPLETE) Where stories live. Discover now