CHAPTER 5

1.2K 6 0
                                    

              Naghahapunan sila nang may ungkatin si Nana Sela " Mga Ate mga Kuya malapit na po birthday ko at di pa ako binyagan."
" Ay.., oo nga, nalimutan natin." ani Rizza Maine
"Kung ganon sabay na natin sa birthday ang binyag." sagot ni Ritszard "tamang-tama mapaghahandaan pa natin kahit paano, two months pa di ba?"
" Sinong pwedeng sponsor?" tanong ng dalagita
"Yung mga taong malapit sa inyo." sagot ni Nana
" Si Ate Leni" ang dalagiding uli
" Hindi maari. inaanak na siya ng Mommy at Daddy mo, saka may inaanak ka na rin sa anak niya." paliwanag ni Nana Sela " mag isip ka na lang ng iba, ikaw din Ritszard."
         " 'Pre, ganda ng step-sister mo pwedeng ligawan?" tanong ng Walter
" Siya tanungin mo. " sagot ng binata
" Wala ba siyang boyfriend, wala bang magagalit? "tanong ni Paulo
" Di ko alam"nasa sala sila ng bahay nina Ritszard gumagawa ng thesis magkakagrupo na naman silang apat, dinala ni Rizza Maine ang bata sa bakery para di makaistorbo.
Biglang sumingit sa usapan si Joseph " maganda nga siya, 'pre, wag kang magagalit kung ako sayo di ko na siya hahayaang mapunta sa iba mukha siyang mabait. "
" Luko-luko ka talaga Joseph alam mo namang didiskartehan ko na nanguudyok ka pa." sabi ni Walter
"Bata pa yun sixteen pa lang."
" Bakit nyo ba siya ibinubuyo ay alam nyo namang nariyan lang si Christine naghihintay na mapansin." ani Paulo
"E, bakit di ikaw ang manligaw" sabi ni Walter
"Tama" si Joseph
"Oo nga, sa mga panahong ito wala sa isip ko ang pakikipagrelasyon, malaki ang responsibility ko sa aking baby brother ni wala nga akong bahay o anumang malaking bagay na maituturo kong akin, nag aaral pa ako sagabal lang yan, tutal Paulo sa tingin ko sayo may gusto ka sa kanya bakit di mo pa pasukan. "aniya
" Kung maari nga lamang. " anito
" Yun naman pala walang problema  kay Ritszard di ligawan mo na, malay mo bumigay. " sabi ni Joseph
Natigil lang sila sa pagkukulitan ng pumasok si Ate Leni May dalang tinapay at soft drinks" meryenda nyo. "anito
" Thank you po. "sabi magkakaklase
" Salamat Ate Leni ikaw pa ang nautusan. "
" Ayaw sumama sa akin si Richie boy. "
" Pag nakita nya Ate nya talagang di bibitaw yun. "
          Natuloy ang binyagan sa bakuran na rin nila ginanap ang reception ng binyag at birthday, tumayong ni nang sina Myta, Jenilyn at Tina sina Joseph, Walter at Paulo naman ang ninong. Marami rin silang naging panauhin dahil inimbita nila ang ilan nilang tauhan, pati na rin ilang boarders.
Kasama ni Paulo si Christine " ang laki pala nitong place nyo." sabi nito kay Ritszard
" Sa parents ni Rizza Maine ang lugar na ito, mabuti na kasama ka."
Matamis na ngumiti ito "sabit ako, siya pala ang dahilan kaya mailap ka." nakatingin kay Richie boy
" Oo malaking obligasyon ayokong makasakit."
"Step-sister mo pala siya di ba mahirap ang sitwasyon nyo."
Tumango siya " mahirap kung sa mahirap, lalo na di naman namin ginusto, pero narito na ito kailangang pangatawanan."
"Dapat nga hangaan kayong dalawa sa sacrifice na ginagawa nyo." sabi ni Walter
" Mabuti yung tulad nyong nakakaunawa pero maraming hindi, nililibak kami nag babahay-bahayan daw kami."
"Di matatagalan pala bago ka magkagirl friend." si Christine uli
" Picture, picture" sigaw ni Jenilyn may hawak na camera
" Pare lapit dito. Kinawayan si Ritszard
Kung titingnang mabuti mapagkakamalan silang tunay na pamilya buhat ni Rizza Maine ang baby katabi ang halos naakadikit na  si Ritszard
Nagbiro pa nga si Tina ng matapos ang pagpipicture   " Rizza Maine pwede ka na palang mag asawa, mahusay ka ng mag alaga ng bata sagutin mo na si Prof Jude."
" Si Vince na lang mayaman gwapo pa." ani Myta "O kaya si Allen luluwa lalo ang mata non pag nakita ka ngayon sinong  magsasabing sixteen ka pa lang e sa ayos mo'y dalagang-dalaga ka na  at lalo pang gumanda."
" Magsitigil nga kayo (saway ng dalagita)  bakit di kayo ang sumagot I'm busy."
" Lukaret.., bakit kami ang sasagot e ikaw itong nililigawan. "sabi ni Myta
" Di na ako magkandaugaga ngayon dadagdagan ko pa. "
Nagtawanan ang mga kaibigang nito" wawa naman bata!
" 'Pre, wala ka na palang pag asa. " bulong ni Joseph kay Walter
" Malaki pa pag asa mo patulong ka rito sa katabi ko. " anas ni Paulo
" Wag na wag nyo nga akong isali dyan baka mapalayas ako ng wala sa oras. " nakangiti
Lumapit si Rizza Maine sa mesa ng barkada ni Ritszard ipinakilala naman siya ng binata kay Christine nagshake hands ang dalawa nagkwentuhan nang dumuhapang sa  lalaki ang malikot na bata" da-di, dah-di inabot naman ito ng binata, biglang kumislap ang kamera.
" Ohhh.., ang cute naman ni Richie boy." bati ni Christine
Ngumiti ang bata hinawakan pa ang pisngi ng dalaga hinagkan. Aba! mana kay kuya Daddy tsikboy" biro ni Walter natawa.
" Nakakakilala ng maganda baby namin." natutuwang sabi ni Rizza Maine
"Aba! magmamanugang ka na yata agad pareng Ritszard" si Joseph
"Ala inaanak, kay ninong yan!" nakitawa " pili ka na lang ng iba, paghinintay ka niyang lumaki ay lola na yan." lalong lumakas ang tawanan panay naman ang kurot ni Christine kay Paulo. Nabisto tuloy sila.
        " Ang cute naman ng family nyo" biro ni Myta hawak ang mga picture na kuha sa binyag ni Richie boy.
" Ay oo nga! lalo dito sa picture sa loob ng simbahan para silang real family." kinikilig si Tina
" Mas maganda dito sa reception yung buhat ng ating best freind si Richie boy tapos umakap sa leeg ni pogi mukha silang one happy family.." may kindat pa si Jenilyn
Hindi makakibo si Rizza Maine dahil kung ang mga picture ang pagbabatayan walang magsasabing di sila pamilya lalo na dun sa mga di nakakaalam.
" Totohanin nyo na kasi bagay naman kayo. " buska ni Tina
Naggalit-galitan siya" magsitigil nga kayo! Baka makarating kay Ritszard nakakahiya baka isipin pang pinagpapantasyahan ko siya. "
" Uyyy.., nagbablush affected. " tukso ng mga ito
      Hindi lang pala siya ang tampulan ng tukso ng mga  kaibigan" pare, tuluyan mo na, wag ka ng maghanap ng% iba sanay ka na sa kanya. "tukso ni Paulo
" Pare napakaganda nya sayang kung mapupunta sa iba. " susog ni Joseph
" At sexy, wag mong sabihing hindi mo napapansin,kundi lang nya ako binasted sa  akin siya. " ayon ni Walter
" Baka nga ikaw lang ang hinihintay baka kayo ang mag soul mate." ayaw papigil ni Paulo
" Magsitigil nga kayo! "asik niya pero sa totoo lang gusto niyang laging titigan ang maliit at maamong mukha nito na sa tingin nya habang pinagmamasdan ay lalong gumaganda. Malimit nga lang niyang maalaala ang bilin ng kanyang Mommy na ituring daw nya itong kapatid para di raw siya mahirapang makisama. Na una pa lang ay tinututulan na niya hindi lang niya isinasatinig.
           Matuling lumipas ang panahon naka graduate na at nakapasa sa board exam si Ritszard isa na siyang Engineer E. C. E. at pinalad na matanggap sa isang tele communication company na naka base sa Laguna napilitan tuloy siyang magboard para makatipid. Pero sinisikap nyang makauwi  isang beses isang linggo para makapiling ang magkapatid.
            Dire-diretso siyang papasok ng bahay nang magulat siya, may dalawang lalaking kasama si Rizza Maine bigla ang akyat ng dugo sa ulo niya mabuti na lang at nandun si Richie boy. "Daddy.., Daddy..." salubong ang three years old na bata napakarga "pasalubong" anito
" Ginabi ka yata," bati ng dalaga "sina Ferry at Paul" pakilala nito "si Ritszard" anito pa.
"Good evening sir!" bati ng mga ito na tinanguan lang niya. Sa lalabas si Tina may dalang isang basong tubig " hi pare ko good evening." masayang bati nito
" Good evening mare" nilampasan sila at dala ang bata paakyat.
"Hmmppp.., mukhang wala sa mood." sabi ni Tina
Nagkibit-balikat lang si Rizza Maine "ewan."
" Sino yun?" tanong ni Paul mamliligaw ng dalaga
" Daddy ni Richie boy di mo ba narinig." sagot ni Tina ba nas siya sa lalaki di siya boto rito para sa kaibigan.
Kunot na kunot ang noo ng dalawang lalaki " paanong!?"
" Hay naku! mahabang salaysayin wag na muna nating pakialaman tapusin na natin 'to at ng makauwi na. "ani Tina nailing naman ang kaibigan
Nang  bumaba ang binata nag iisa na ito, nagliligpit naman ng gamit ang apat" pare ko aalis na kami, "paalam nito pati mga kasama namaalam na rin.
" Sige ingat kayo" diretso sa kusina nagbungkal
" Galit ka?" tanong ng dalaga ng makabalik galing sa gate
"Hindi naman medyo nagulat lang, akala ko tumatanggap ka ng bisita ng kayo lang ng bata rito." tuloy sa paghahain kumain ka na? "sunimulang initin ang mga ulam
" Tinapos namin ang theasis namin, nagmiryenda lang ako kanina alam ko kasing darating  ka at walang nakakasabay sa pagkain si Richie boy ang isinabay ko sa kanila. "
" Wag kang tatanggap ng bisita lalo na at lalaki kapag kayo lang ni Richie dito."
"Yes sir." naupo na
Panay ang kwentuhan nila habang kumakain, lalong natuwa ang dalaga ng ilabas ng lalaki ang pasalubong na ice cream na ang flavor ay ang paborito nya "Wow..!"
Tuwang-tuwa siyang panoorin ang dalaga habang nilalantakan ang ice cream.
"baka ako matunaw"
"Malapit na ang birthday mo di ba?" pagiiba ng usapan
" Yup! nineteen na ako"
"Anong gusto mong regalo?"
" Wow ha! seguro na increasesan ka pero sasamantalahin ko na laptop"
" Mahal nun ah!"
" Nagtanong ka eh, mabagal na yung desk top ko."
"Okey pag iisipan ko"
"Ang daya!!! naman"
Habang tumatagal lalo silang nagiging malapit sa isa't-isa at di man nila aminin sumisibol ang paghanga nila sa bawat isa. Aminado ang lalaki na oras na makasilip siya ng pagkakataon halos hilahin niya ang oras para makauwi sa kanyang mag-ina ayon sa biro ng kanyang mga kaibigan.hindi tuloy siya tagalan ng karelasyon lalo at malalamang may bata siyang inaalagaan at inaakala ng mga ito na anak niya na di naman niya itinatama sa di malamang dahilan.
" May girl friend ka na kuya?" biglang tanong nito
"Kuya ka dyan! halikan kaya kita tingnan ko lang kung kuyanin mo pa ako." nakangiti sabay kindat "gusto mo?"
Pinamulahan ng mukha ang dalaga hindi nakapag react
" Uyyy... Nagbablush" tukso pa nito
Inambaan siya nito ng suntok " loko ka ha..." inirapan sina sam ang mga pinagkainan nila " umakyat ka na  dun! Baka magising ang bata" taboy nito nang makaakyat ang binata napahawak siya sa dibdib. Ano kayang feeling ng mahagkan niya? Biglang kumabog ang dibdib nya loka nagjojoke lang yun! bulong nya sa sarili
Samantala, nahiga naman ang binata sa tabi ng kapatid napatitig siya sa kisame di niya alam kung anong nasok sa utak niya at nasabi nya iyon kay Rizza Maine dahil ba talagang tutol ang puso niyang naging kapatid ito. Kanina ng datnan nya itong may mga bisitang lalaki gusto nyang manapak at ipagtabuyan ang mga ito, paano pa kaya kung dadatnan nya itong nakikipaghalikan? Baka maghuramentado siya, pero anong paki nya? tanong nya sa sarili naipilig nya ang ulo nahihibang ka na yata Ritszard.

Bahay BAHAYAN (COMPLETE) Where stories live. Discover now