CHAPTER 17

521 6 0
                                    

Bitbit ang bag pumasok siya ng sariling silid mamimiss nya sigurado ang silid na ito kapag naayos na nya ang mga requirement para makabili ng malilipatan. gala ang tingin niya sa kabuuan nito naupo siya sa kama nang makita niya sa tabi ng unan nya ang isang stop toys na pokemon nawala bigla ang pagod niya natuwa siya inakap ang may kalakihang stop toy. ay tagal na niyang nais magkaroon nito di lang siya makakita, ito kaya ang paborito nyang cartoon character nung bata pa siya.
Pagbaling nya nakita naman niya isang Long stem red rose na katabi pala ng pokemon saan kaya galing ito? May nakaipit na maliit na card binuklat nya iyon " I'm sorry"
Isang tao lang sa bahay na ito ang nakakaalam ng mga paborito niya si Rizza Maine. Ano 'to? peace offering? tulad ng dati. " tanong niya sa sarili dinala nya sa ilong ang bulaklak sinamyo, iba talaga ang babaing yun may sariling style para mang amo kaya madali itong nakagaanan ng loob ng kayang ina at di niya nagawang pag isipan itong gawan ng kalokohan nakuha nito ng lubos ang kayang respeto. Noon kahit di sila gaanong malapit sa isa't-isa dahil hindi siya mahilig sa bata at di rin niya matanggap na kapatid ito noon pa man may iba itong pang akit sa kanya na di niya kayang pangalanan basta ang alam niya kailangan niya itong protektahan. kahit napakabata pa nito at may nagawang hindi maganda laging may suhol sa pinagkakasalahan nito ilan ba sa mga bagay na naka display dito ang galing sa kanya para maalis ang tampo  sa kanya, bata pa lang siya ay ganon na siya. Napatingin siya sa kwadrong nakasabit sa ding-ding larawan iyon ng isang binatilyong nakaupo sa may paumbok na damuhan malungkot at isang paslit na batang babae na kumakalabit sa braso ng binatilyo halata sa mukha ng batang babae ang pang hihingi ng sori. Isa yun sa bigay nito, dahil nabutas nito ang bola niya ng malakas na ihagis tumama sa tinik ng isang puno ilang araw nya itong di kinibo.
At ito ang isa sa paborito niya, titigan lang niya ito gumagaan na ang loob niya.
Di pa rin binibitiwan ang stop toy bumaba siya sa kusina ihahanap niya ng vase ang rose para di agad malanta.
" kuya dad anong hinahanap mo? " tanong ni Richie boy
" flower vase" sagot niya tuloy sa paghahanap
" Doon sa cabinet sa dirty kitchen meron" sabi ni Nana Sela " aanhin mo ba? "usisa nito
" kuya ano yan?" turo sa yakap niya " ang ganda akin na lang, . " sabi ng bata may mga pagkakataong di na ito tumatawag ng daddy sa kanya.
Lalo niyang hinigpitan ang yakap dito " no.., no..,no... Di pwede akin 'to regalo sa akin." sabi niya
Tumarang ang bata " ahhh..."
Nginisihan nya ito " pabili ka sa mommy mo." sabay layo
Sumimangot ang bata " damot."
Linapitan ito ng yaya inalo " hayaan mo na "
Napatarang ang bata " ang laki-laki na niya eh."
       Lahat ng ibinibigay ni Rizza Maine sa kanya ay pinaka iingatan niya malaki man ito o maliit ipinakatatago-tago. Tinatawanan nga siya ni Salve ng makita ang laman ng  drawer niya ng minsan naiwan nya itong bukas puro daw patapon mga drawing ng bata, tinuhog-tuhog na styro ginawang kwintas kinulayan para maging kaakit-akit, mga magazine at mga tuyong bulaklak na nakaipit sa pahina ng komiks  ilan lamang iyon sa mga suhol nito. At ayaw pa niyang itapon may sentimental value yan wag mong pakialaman. Kahit maoffend ang nobya wala siyang pakialam.
Biglang bumukas ang pinto nagulat siya ng pumasok ang magyaya nakita ng mga ito ang bulaklak "Saan galing yan ? Tanong ng mga ito" may nanliligaw na kay daddy" sabi ng may edad na babae ngiting-ngiti
" Talaga po? "
" At kinikilig siya in-love" ang matanda uli
Kunwari ay galit " Nana intrigera ka! " pero nakangiti "kayong dalawa ang dapat kong tanungin kanino galing 'to at paanong naipasok dito sa room ko ng di ninyo nalalaman?"
Nagkatinginan ang mga ito " ewan ko kay lola" sabi ng bata.
" Nandito sa loob? Paano? Wala namang dumarating na package, ako nga Ritszard ay wag mong pinaglololoko! Paanong mapapapunta yan dito kundi mo dala! Ha! "
“ Opo nga " ayon ng bata
Hinarap ng tuloy ang maglola “ pag pasok ko dito kanina nandito na ito sa ibabaw ng kama ko. "
“ Tanong natin kay 'te mom" sabi ng bata
“ Oo nga! Baka si Rizza Maine alam. "
“ Bakit naman nya ako bibigyan nito?"
Humirit ang bata “ di naman sinabi ni lola na kay ate galing yan, ikaw ha! assuming ka..! "
Napangiti si Nana Sela “ nakuha mo."
Tumalikod na ang bata “ uhmm.., manonood na lang ako ng tv bahala kayo dyan." at tuluyang bumaba
Susunod na sana ang yaya ng tawagin ito ni Ritszard    “Nana"
“ Bakit? "
“ Alam mo Nana mamimiss ko itong room na ito pag wala na ako rito."
“ Bakit naman kasi aalis ka pa isasama mo pa si Richie boy. " anito “ iiwan mo na ng tuluyang si Rizza Maine?"
“ Talagang ganon ang buhay may mga bagay na di mo man gusto pero nangyayari kailangan na lang tanggapin ng maluwag sa dibdib. "
“ Ang lalim nun ah, Ritszard pwede ba akong mag request pwede bang akin na lang yang kwadro na yan " itinuro
Umiling ito “ hindi pwede  Nana regalo yan sa akin dadalhin ko yan at isasabit sa salas ng bahay ko prize possession ko yan. "
“ Luma na naman yan bumili ka na lang ng bago di na malalaman ng nagbigay sayo na ipinamigay mo yan. " samo nito
Linapitan nito ang painting hinimas “ napakahalaga nito sa akin, iba na lang ang hingin nyo. "
Nagkibit-balikat ang babae “ ang ganda kasi nyan, napaka halaga siguro sayo ng taong nagbigay niyan, mommy mo? " tanong nito
Umiling ang binata “ kay Rizza Maine galing yan. " anito
Di makapaniwala ang matanda “ pitong taon na ako dito at nakasabit na yan diyan paanong..? "
“ Ileven years old pa lang noon si Rizza Maine ng ipapaint nya yan sa Baguio, pinilit nya si Tito, nung una akala ni Tito bibili lang ng yari na, yun pala magpapagawa idinis cribe lang nya yan sa pintor, ang mahal ng bili  dyan."
“ Ang ganda ng pagkakagawa buhay na buhay tapos hawig mo pa itong binatilyo at ngayon ko lang napag titigan parang si Rizza Maine itong batang babae."
“ Gusto nga nina Mommy na idisplay yan sa  sala kaya lang idiretso nya yan dito sa room ko. "
“ Bakit mo pa yan dadalhin di lagi mo lang siyang maalaala. "
“ Kahit naman saan ako makarating mananatili siya rito." itinuro ang dibdib
“ Mahal mo siya? "
Umiling ito “ di ko po alam. "
“ Aalis ka, iiwan mo siya, pero ang puso at isip mo ay ayaw bumitaw sa alaala niya, ano ka enggot, ipauubaya mo siya sa kunsino lang diyan, tapos pag nabalitaan mong nasasaktan siya umiiyak masasaktan ka rin dahil wala kang magawa lalo na kung nakatali kana na rin, magda damay ka pa ng iba. "
Di nakakibo ang lalaki napaupo sa kama napatitig sa may edad na babae “ Nana di ko talaga alam kung anong nararamdaman ko sa kanya."
Naupo sa silyang naroroon ang babae hindi mo alam? O ayaw mo lang tanggapin ang katotohanan ikaw rin baka pagsisihan mo sa huli ang lahat. Mahirap paliwanagan ang taong nagbubulag-bulagan at nagbibingi-bingihan.
“ Nana Sela naman."
“Wala na kong sinabi, papanaog na ako at marami pa akong gagawin." tumayo na at lumabas
Nang makalabas ito ng tuluyan napaisip siya noon niya napagtutuunan ng pansin bakit nga ba? ano ang dahilan at iniingatan niya ang lahat ng bagay na bigay nito  na parang mamahaling hiyas at bakit nasasaktan siya ng Labis sa pagbalewala nito sa kanya at pag iintertain ng mga suitors, natatakot din siyang mawala ito ng tuluyan sa kanyang buhay at bakit ganito ang nada rama niya ngayong muli siya nitong inaamo ang saya-saya niya. at anong dahilan? anong ibig sabihin ng red rose di kaya.., napangiti siya kailangan kong malaman, kailangan kong makatiyak tama si Nana.

Bahay BAHAYAN (COMPLETE) Where stories live. Discover now