CHAPTER I5

576 5 0
                                    

Natigil ang paggimik ng magkakaibigan ng mag balik bayan ang boyfriend ni Jenilyn samantalang may bago na ring boyfriend si Myta, panay pa rin naman ang pag- iin tertain nya ng mga manliligaw pero bigo siyang maka hanap ng mamahalin dahil sabi ng mga kaibigan kay Ritszard lang siya liligaya pero ayaw nyang paniwalaan dahil sa takot na mapahiya at masaktan.
Agaw tulog na siya ng biglang tumunog ang cellphone niya kinabahan siya dahil ayaw tumigil napilitan siyang sagutin " hello..! "
" Bakit ba ayaw mong sagutin!?"
" Ritszard!? "
" Ako nga! Ano bang nangyayari sayo? Galit ka ba sa akin?" dama nya ang tampo sa tinig nito
Umiling siya " hi-hindi ( nagkakandabulol) bakit naman ako magagalit, wala ka namang ginagawang masama. "
" Yun na nga eh, wala akong alam na kasalanan pero iniiwasan mo ako. "
Di siya agad nakasagot sa ulos nito " busy lang" aniya ng makabawi
Umungol ito " busy sa pagiintrtain ng mga suitors? "
Kahit di niya ito nakikita alam nyang masama loob nito dahil sa bitaw ng mga salita nito medyo nainis siya " wala namang masama dalaga naman ako." updated ito sa nangyayari sa kanya
Lalong tumaas ang timbre ng boses nito " wala nga! kaya
lang baka naman wala ka ng oras sa bata dahil lagi ka sa labas ginagabi ng uwi tapos may kabuntot pang asungot!"
Bigla siyang Naghigh blood nangalaiti " responsible akong tao alam ko ang ginagawa ko! Kilala mo ako di ako pabaya kaya pwede ba mag dahan-dahan ka sa pagsasalita! Kung nagsasakripisyo ka, Ganon din ako!"
Muli itong Umungol " kaya pala laging yung maglola ang nasa bahay, wag mong ikatwiran sa akin na nagkakataon lamang! Bumaba ang mga grades ni Richie boy nitong mga huling gradings si Nana Sela na nga ang nakapirma sa card ng bata!"
Hindi siya nakakibo tama nga yata ito sa malabis nyang kalungkutan nalimutan nya sumandali ang panganga ilangan ng kapatid. Naging maka sarili siya ang masaklap pa pinatayan siya nito ng cellphone patay na, galit. Kahit puyat sinikap niyang bumangon ng maaga para makasalo ang kapatid, kita sa mukha nito ang gulat at kaligayahan ng bumaba siya para saluhan ito " 'te mom good morning" . "
" Good morning papasok ka na ba?"
" Opo. "
SA papasok si Nana Sela " bunso andyan na service mo ipaalaala mo na eleven thirty ang awas mo alam mo naman si Oca may pagkamalilimutin."
" Sige po. " hinila na pack bag na nasa ibabaw ng mesa
" bye 'te mom "
" Wala bang good bye kiss?" tanong ng dalaga
Lumapit naman ito at humalik " good bye' te mom. " anito
Na ginanti nya rin ng halik " bunso ingat ha.., aga yata ng uwi mo?"
" Kasi po exam" sagot nito
Kinusot niya ulo ulo nito " galingan mo. "
Halatang nalungkot ang bata at dire- diretsong lumabas ng pinto " Di kami nakapagreview ng maige kasi'y hindi ko naman alam ang sagot" sabi ng matanda
Nakagat niya ang labi lalo siyang nakonsensya dati kasi ay natututukan nya ito lalo na at parating ang exam nito, ano nga ba itong nagawa ko. " Baka wala siyang maisagot? "
" Di naman siguro, kahit paano ni review siya ni Ritszard"
May dahilan talaga si Ritszard na magalit sa kanya paano kaya siya makakabawi rito mabigat ang loob na umalis siya ng bahay.
           Alas tres na ng madaling araw siya naka uwi tinanghali tuloy siya ng gising, aantok-antok pa siyang lumabas ng kanyang silid para magbanyo muntik na tuloy niyang mabangga si Salve " Ayyy.. . "
" Opppsss..! Hi Rizza Maine good day" nakangiti nitong bati.
Bigla yatang nawala ang antok niya wala siyang nasabi kundi " hi! "tumingin siya sa relong nakasabit sa dingding alas onse na " kanina ka pa?"
Di nawawala ang ngiti nito " kagabi pa"
Napatango siya " excuse me " at nagderetso siya sa banyo
Naghila siya ng silya at naupo " gising ka na pala neng juice?" alok ni Nana Sela
" Ako na lang po tuloy nyo na ginagawa nyo. "
" Maluluto na ang tanghalian wag ka ng magpapaka busog." anito pa
" Sige po. " kita nya ng bumaba ng hagdanan si Ritszard alam nya nakita siya nito pero di siya pinansin o tamang sabihin na ni hindi siya tinapunan man lang ng tingin.
Namaalam pa ito sa may edad na babae " Nana alis muna kami. " dire-diretso ng lumabas kasunod si Salve na kumaway ng pamamaalam sa kanya na ginanti rin niya ng kaway.
Binalingan niya ang may edad na babae " Nana kailan siya dumating?"
" kahapon ng alas singko, sinundo siya ni ma'am Salve ang dami ngang pagkain kagabi hinintay ka namin."
" Dumalo po ako ng shower party para kay Jenilyn"
Nagulat ito " kagabi ba yun!? Naku! Nawala sa isip ko pasensiya na 'neng nang magtanong si Ritszard di ko alam ang isasagot. " hiyang-hiya
Di na lang siya kumibo siguradong nagalit ito sa kanya patay na. Pagkapananghali nagtungo siya sa bakery namaalam kasi si ate Leni, alas otso na siya naka uwi ng bahay. " Nana anong ulam"
" Sinigang na baboy at inihaw na bangus, ipag aahin kita nakakain na kasi kami. "anito
Nalungkot siya " Di nyo man lang ako hinintay." Anas niya nagdaramdam
" Pasensiya na ineng, nag apura kasi yun (inginuso) gutom na raw. " nahihiya
Napabuntong hininga siya galit talaga. " tumalikod na siya " wag na po kayong mag abala wala na akong gana. " dumeretso ng paakyat, masamang-masama ang loob
Sinalubong siya ng kapatid " 'te mom report card ko." aro nito
" Neng.!?" tawag ng matanda
" Hayaan nyo na siya, pag nagutom yon bababa rin yun." sabi ng binata
Naiiling na tumalikod ang may edad na babae malala na ang nangyayari sa kanyang mga alaga wag naman sanang humantong sa paghihiwalay ang lahat.
Oo nga pala kuhanan na ng card " wow! Ang tataas ng grade mo bro" yinakap ito.
" Naku! Di mo pa pala naiisoli yan, nung makalawa pa yan ah magagalit na sayo si teacher Eva nyan" sabi ng yaya
Napakamot sa ulo ang bata " hindi ko pa kasi naipakikita kay mom eh. "
Nakadama siya ng guilt sa bata ng dahil sa kanya maaring makagalitan ito ng baliktarin nya ito pirmado na ni Ritszard. " hayaan mo sasamahan kita sa pagsosoli nito" aniya
Napalundag sa tuwa ang bata " Yesss... "
            Linggo naiwan mag isa sa bahay ang dalaga namaalam sa kanya ang kapatid ipapasyal daw ito ng binata, pinipilit pa nga siya ng bata na sumama. Nagpunas-punas siya ng ilang gamit ng may mag doorbell sino kaya ito tanong nya sa sarili binitawan ang ginagawa at tinungo ang gate may nakatayong dalawang babae at isang lalaki roon
"Good afternoon ma'am " bati ng mga ito
" Yes! May I help you guys?"
" Ma'am is your husband there? "tanong ng blondy
Kunot noo siyang nagtanong " pardon" baka nagkaka riringgan lang siya
" Si Mister Ritszard Braxton po" singit ng lalaki " dito po ba siya nakatira? "
Napatango siya " why?" mga mukhang ahente mga ito bulong nya sa sarili
" Mga real state  agent po kami at may nakapagsabing enteresado siyang bumili ng property kaya nagbakasali kaming puntahan siya. " ang lalaki uli
" I'm sorry pero wala siya rito." aniya
" Ma'am ano po kayang oras babalik? " tanong ng isang may katabaang babae
Umiling siya " hindi ko alam"
" Nasaan po ba si mister? " kulit ng mga ito
" May pinuntahan di ko alam kung anong oras ang balik."
May ilinabas na folder ang isa ma'am pakibigay na lang ito sa kanya at pakitawagan na lang ako sa number na ito" habang isinusulat sa folder.
Dinig niya ang ibinulong nung mataba magkasama sa bahay di alam kung saan nagpunta ano yun. Hinayaan na lamang niya wala siya sa mood makipag away Inabot na lamang niya ang folder at tumalikod na.
Nang dumating si Nana Sela Inabot nya " pakibigay na lang ho kay Ritszard. "
" Ano kaya 'to?" binuklat " ay.., mga model House pala may malayo at malapit" anito pa
Nakitingin si Rizza Maine " magpapakasal na ba sila ni Salve at naghahanap na siya ng bahay. "
Tumingin sa kanya ang may edad na babae " hindi, gusto na lang bumili ni Ritszard para sa kanilang mag kuya."
Napatitig siya sa kaharap " Bakit? " nulas sa bibig niya
Nagkibit balikat si Nana " ewan ko sa inyong dalawa kung anong nangyayari sa inyo at kung ano ang pinagkaka galitan nyo para humantong sa ganito. " iniwan na siya
"Nagalit po siya dahil napapabayaan ko raw si Richie boy at lagi raw akong may kabuntot na manliligaw nainis ako nasagot ko siya tapos ng dumating siya wala ako, samantalang namaalam naman ako sa inyo di ba? "
Hindi nakakibo ang may edad na babae mapahiya " pasen siya na nalimutan ko kasi."
" E, kayo sasama ba kayo sa kanya? "
Umiling ito " lalo na kung sa Sta Rosa sila titira napaka layo noon saka sinong kasama mo rito."
Yung sugod ni Rizza Maine sa matanda yinakap ito " salamat po."
        " Kailan dumating si papa Ritszard? " tanong sa kanya ni Tina nadatnan nya ito sa coffee shop
" Last week pa" sagot niya " mabuti naman napasyal ka. "
" Oo, sabi ko kay Dani (asawa nito) siya munang mag alaga sa baby namin papasyalan ko naman kayong tatlo matagal-tagal na rin naman tayong  di nagkikita, ayun pumayag naman para daw makapagpahinga ako kahit konti."
" Last week pa!? At di mo man lang nasasabi sa amin! hindi naman kami hihingi ng pasalubong." sabi ni Jenilyn
Kinalabit pa siya ni Tina " Mars anong pasalubong sayo? "
" Wala..!"
Napailing ang nakikinig na si Myta " pambihira! Kahit chocolate wala . " anito
“ Wala siyang dala?" tanong uli ni Tina
“ Meron, maraming chocolate kaya lang di ko pinakiki alaman. Galit sa akin eh." sagot niya
“ Bakit galit?" tanong ni Tina walang alam
Kibit balik lang isinagot niya lumabas ng opesina at nagtuloy sa kusina nagsimulang mag trabaho.
Samantala binalingan naman ni Tina sina Myta at Jenilyn di man magsalita ay naghihintay ng kasagutan si Jenilyn ang sumagot “ nagkakatampuhan sila ni  papa Ritszard. "
Kumunot ang noo ng una “ tampuhan lang yon? ay bakit parang broken hearted ang isang iyon?" kulit nito

Bahay BAHAYAN (COMPLETE) Where stories live. Discover now