CHAPTER 6

1K 3 0
                                    

          "Makalipas ang tatlong taon may brand new car na si Ritszard ni loan nya sa company, nagkataong holiday kinabukasan kaya excited siyang umuwi para ipakita sa itinuturing nyang pamilya ang sasakyan, sisipol-sipol siyang pumasok ng bakuran iniwan nya sa labas ang pick-up na pula ang kulay. pipihitin na niya ang door knob ng makarinig siya ng tili ni Nana Sela "Ayyy..! Ayyy..! Ayyy..!"
Hangos siyang papasok kita nyang pinipilit alalayan ng may edad na babae ang papatumbang dalaga
"Ritszard dali..! Baka hindi ko na kayanin." gibik nito "nakayapos pa sa paa nito ang bata
" Anong nangyari!?" agad niyang binuhat ang walang malay na dalaga
" Ewan ko! nahihilo raw siya tapos tumayo aakyat daw sa kwarto pero ayan nawalan ng malay. " binuhat ang bata
" dalhin mo siya dyan sa malapit na klinik, ano bang nang yari sa batang iyan! "natataranta kagkag ang palda " teka tatawag ako ng tricycle o padyak sa kanto. "
" Wag na ho, may sasakyan ako buksan nyo na lang ang gate. " utos ng lalaki kabado rin
          Sa clinic na nagkamalay ang dalaga, nakatunghay sa kanya ang binata hawak pa ang kamay niya " are you alright!? "tanong nito
" A-anong nangyari? Nasaan tayo? "
" Nahimatay ka, mabuti na lang at di mo nadaganan sina Nana at Richie boy
Lumapit ang Doctor "napuyat ka ba iha? sobrang pagod" tanong nito
" Opo, ilang gabi na po naming nilalamay ang thesis namin." sagot niya
" May inaasikaso pa po siyang negosyo, may bata pa." singit ng binata
" Over fatigue iha, pahinga at vitamins para madali kang makabawi ng lakas." nagreseta " nahihilo ka pa ba?"
" konti na lang po. Pwede na po ba kaming umuwi? "
" Pahinga ka ng sandali pa, malaki naman  yang boyfriend mo kayang-kaya kang alalayan." anito
Napagkamalan na naman sila, halos kalahati ng katawan niya ay nakadagan sa katawan ng binata, nakaalalay ang braso at kamay nito para di siya dumausdos, gusto nya sanang umiling pero natatakot naman siyang mahilo at mag suka. Nakaramdam siya ng pagkainis sa katabi dahil di nito pinasubalian ang akala ng Doctor. Natampal tuloy niya ang hita nito sa inis
" Aray..!"
" Ang sweet nyo naman" ngiting- ngiti si Dr Florendo
          Maya-maya kinaya na niyang mag isa kaya tumayo na ang binata at nagbayad ng bills sa secretary nitong halatang nagkacrush sa lalaki. " kapatid mo?" tanong nito nang umiling ito napasimangot ang babae.
       Malayo pa ay tanaw na nila sina Nana Sela at Richie boy nakaabang "paki bukas po ng gate Nana" sabi ni Ritszard.
" Kaninong sasakyan 'to?" tanong ng dalaga
"Niloan ko, dali-dali akong umuwi para maipagmalaki sa inyo yun pala di mo maapriciate dahil may sakit ka."
" Sorry." Anas niya, masama pa rin ang pakiramdam. Wala siyang nagawa ng muli siyang kargahin nito papa sok ng bahay diretso sa kanyang silid.
Kasunod ang mag yaya" 'te Mommy galing ka na? " agad sumampa sa kama.
" Yes, baby"
" Anong sabi ng duktor? "tanong ni Nana Sela
" Masusundan na raw ho si Richie boy. "biro ng binata
Hinampas ni Rizza Maine si Ritszard"kanina ka pa!" asik niya " over fatigue ho" 
Masyado ka sigurong napagod Neng. Sabi ng may edad na babae " nakikita kita halos Idlip lang  ang pahinga mo sa loob ng limang araw."
" Siguro nga po."
Napailing ang binata "kahit maraming ginagawa di dapat
pinabayaan ang sarili."
" Opo tatay" aniya
           " O ano? Mabuti na ba ang pakiramdam mo at bumaba ka na?" tanong ni  Nana Sela
" Opo, bakit naririto pa kayo?"
" Hindi na muna sana ako uuwi, nagaalala ako sa kalagayan mo Ineng."
" Mabuti na po ang pakiramdam ko, malaking tulong yung gamot at magdamag na pahinga. Nana, ilang beses kayong pumasok sa silid ko?"
" Isa lang bakit? “
" Apat na beses may pumasok sa room ko, tinitingnan kung may lagnat pa ako, pinupunasan ang pawis ko sa mukha."
" Hindi ako yun Neng kasi ay maya't- maya ay  gumagalaw si Richie boy, natatakot akong Iwan siya at baka mahulog sa kama. "
Si Ritszard sabi nya sa sarili" nasaan po ang mag Kuya? "
" Lumabas punta raw ng bakery. "
" Nana pwede na po kayong umuwi, salamat po sa pag aalala napakapalad namin at nandiyan kayo lagi. "
" Walang anuman, ang babait nyo kasi, siya tatapusin ko na lang 'tong niluluto ko, o ayan na palang mag Kuya. "
" Ate Mommy magaling ka na? Eto may dala kaming bread, kain ka na. " iniabot ang bitbit na supot
" Ang bait naman ni Bro" aniya hinagkan niya ito.
" Siya  lang! pano naman ako?" biro ng step brother
" Ikaw ha, kahapon ka pa! Bakit di mo itinama yung akala ng doctor na magnobyo tayo?" sumbat niya
" Nakakapagod ng magpaliwanag nakakasawa na." anito
" Magkanong utang ko sayo?" tanong niya
" Wala, kumain ka na lang at ng makainom ng gamot."
Nangingiti ang may edad na babae sa  palitan ng salita ng dalawa sa isip nya'y naglalaro ang posibilidad na hindi magtatagal at mahuhulog  ang damdamin nila sa isa't-isa.
" Akala ko buntis ka." biro ng binata
" Loko ka talaga! Paano akong mabubuntis e wala naman akong boyfriend  sinong makakabuntis sa akin" asar na tanong nito " at kung sakaling buntis ako siguro pinatu log mo ako
" Tange..! Kung may ginawa ako sayo mararamdaman mo yun. " tinungo ang nakasaksak na C.P binuhay sunod-
sunod ang tunog nito twenty missed call, muling tumunog
" hello babe... " kita sa reaksyon ng mukha nito na naga galit ang kausap lumayo ito ng konti, sinagot ang sino mang tumatawag halatang nagpapaliwanag, tumataas na ang boses kaya alam nilang nagkakagalit dahil nauu linigan nila ang sinasabi nito. Maya-Maya pinatay ang cellphone  ibinaba sa divider padaskol na naupo sa sofa.
Lapit ang dalaga "anong nangyari?"
“ Nalimutan ko monthsery nga pala namin ni Ness kahapon nagalit nakipag break.
" Ha..! Sori ng dahil sa akin nag away kayo ng nobya mo
(tinapik sa braso) tawagan mo uli ako ang magpapa liwanag. " himok niya
" Nakapapagpaliwanag na ako, nakahingi na rin ng  sorry ayaw  pa rin, pag siya ang nakalimot pwede! Pag ako hindi! Nakakasawa na, bahala siya! Break kung break! "
" Palamig ka muna masyado lang special ang araw na nakaligtaan mo kaya sobra ang galit nya, kahit siguro ako ang nasa kalagayan nya ay ganon din ang mararamdaman ko. " paliwanag niya
" 'Toy, kundi ka dumating malaking disgrasya. " sabi ni Nana " di ko lubusang maisip kung anong pwedeng nang yari sa amin kundi ka dumating. " nagiguilty
Napabuntong-hininga si Rizza Maine" totoo yun kundi ka dumating kahapon siguradong madadaganan ko si Nana baka nag kabali-bali ang buto nyan, madadamay pa ang batang yan na akala mo may magagawa, hindi nya alam madadaganan namin siya. " muling tinapik ang braso ng katabi" thank you! thank you so much! "
" Your welcome! "inakbayan pa nya ang babae
" Promise me ha na tatawagan mo si Ness makikipagka sundo ka. "
" Hayaan mo na yon, kung ayaw nya di wag, mas maha laga kayo, hindi lang siya ang babae marami. "
" Ang sweet mo naman touch ako" humilig pa sa balikat.
  Dahil sa nangyari lalong  naging close ang dalawa dahil may car na panay ang bonding nila kasama pa si Nana Sela.
             

Bahay BAHAYAN (COMPLETE) Where stories live. Discover now