CHAPTER 24

720 7 0
                                    

Isang linggo ng nakararating si Ritszard ng Pilipinas pero di pa siya nagpapakita sa bahay nila inaayos pa niya ang problema kay Harlene. Gusto niyang pag uwi niya ay wala ng problema. Nagpaimbestiga siya.
"Honey, salamat naman at nagpakita ka na, saan ka ba galing at mahigit isang buwan kang nawala. " sabi ni Harlene nakipagkita kasi ang lalaki sa kanya " Sa Japan" sagot niya. Lapit ang babae tangkang yakapin ito pero agad itong umilag. " umorder ka na. " anito humawak na lang ito sa kamay niyang nakapatong sa mesa " I missed you so much!" pero inalis niya ang kamay sa pagkaka patong sa mesa " gusto nga ni Evangelene na sumama kaya lang may klase siya. " tumango lang ang lalaki
" Siguro naman ay may hint ka na kung bakit ako nakipag kita sayo" simula ng lalaki
Ngumiti ito " syempre tungkol ito sa ating tatlo ni Evangelene. " halata dito ang kaba bagaman pinipilit pag labanan
Tumango ito " tama!" tinitigan ang kaharap
" Kung ano mang tsismis ang naririnig mo sana wag mong paniwalaan." anito pa
Tinitigan ni Ritszard ang babae na napatitig din sa kanya " Magsabi ka nga sa akin ng totoo, talaga bang anak ko si Evangelene?" tanong nito
" Oo naman hundred percent. "
Tumango-tango ang lalaki siya namang pag dating ng waiter kaya tinigil nila ang pag uusap at kinambatan niya itong magsimulang kumain.
" Kinakabahan ako sa pananahimik mo." sabi ng babae
" Bakit mo ito ginagawa? anong motibo mo?" muli niyang tanong
"Anong.!?
May iniabot itong sobre sa kanya " ano 'to? " kinabahan "DNA result " namutla ang babae "ngayon sino ang ama ng anak mo?" tila kulog ang boses nito " Bakit kailangang ipaako mo sa akin ang hindi sa akin?" madiin bawat kataga
Pilit pa ring nagmamatigas ang babae " hindi totoo ang DNA. test na yan gawa-gawa mo lamang yan! Para maka iwas sa responsibilidad! "nag galit-galitan di binubuklat ang sobre
Umiling siya " kung talagang anak ko siya di mo kailangang magdalawang salita kahit ako ang magpalaki sa kanya gagawin ko dahil responsibilidad ko yun,pero hindi eh! bakit di mo basahin ang laman ng sobre."
Walang nagawa si Harlene kundi tingnan at basahin ang laman nito namutla ito nginig ang katawan " di totoo 'to"
" Bakit di mo tanungin ang anak mo, sabay kaming kinunan ng test."
Biglang umiyak ang babae " mahal kasi kita mahal na mahal kaya nagsinungaling ako sorry!" yun lang ang paraang naisip ko para bumalik ka sa akin." hagulgol
" Talagang yun lang ang dahilan? "
Napayuko ang babae " sayo nakakatiyak kaming mag-ina na mabait ka, may paninindigan at maayos na buhay siguradong hindi mo kami pababayaang mag-ina." sabi
" Nasaan ang kanyang ama?" tiim bagang
" Isang walang kwentang tao si Miguel, batugan, lasenggo at basaggulero."
" Miguel! Miguel Balbino Vivar yung nambugbog sa akin kasama ng kapatid mo natatandaan ko na, boyfriend mo ring kasabay ko." napailing " nasaan na siya? di ba siya ang gusto ng pamilya mo? dahil nakaaangat sa buhay. "
" Inisip kong dahil mahal mo ako matatanggap mo ang anak ko. "
" Tama si Mama infatuated lang ako sayo, isang teen-ager na akala ay hinihigpitan at inaapi dahil di maipilit ang gusto, after two months may iba na uli akong gusto . Tapos after several years muli tayong nagkita natuwa ako, akala ko nagkacrush uli ako sayo pero di pala, gusto kong makipaglapit sayo bilang isang kaibigan ganun lang. Na patunayan kong ang girlfriend ko, ang babaing pinakama mahal ko. "
" Hindi ako naniniwala! sinasabi mo lang yan dahil natuk lasan mong nagsisinungaling ako pero ang totoo mahal mo pa rin ako, nasa hustong gulang ka na ngayon, wala ng magagawa ang Mama mo." hirit nito mangiyak-ngiyak
"Walang kinalaman dito ang Mama ko ilang taon na siyang namamayapa." napasinghap ang babae di makapa niwala, " first love mo ako, di yun ganoong kadaling kalimutan. " luhaan
Umiling siya tumayo na, " sorry Harlene pero this is good bye hinihintay na ako ng mag-ina ko."
Biglang tumayo rin ito yumakap sa kanya " Ritszard dar ling wag mong gawin sa akin ito mahal kita! "
" Si Rizza Maine na ang mahal ko, siya ang pakakasalan ko." binaklas ang mga brasong nakayakap " bumalik ka na kay Miguel hinihintay ka na niya. "
"Ayoko! kahit ano gagawin ko bumalik ka lang sa akin."
Umiling siya " hindi maaari may mahal na akong iba, bumalik ka na sa kanya. "
" Paanong.?" nagtataka
" Sa umpisa pa lang may hinala na ako kaya bago ako muling nakipagkita sayo, nakipagkita muna ako sa kanya mahal ka niya, kayong mag-ina wag mong buhayin ang anak mo sa kasinungalingan. " tumalikod na ng tuluyan
" Kuya dad..!" sigaw ni Richie boy ng mapag buksan ng pinto ang kapatid agad napakarga " one month lang akong nawala bakit parang ang laki ng ilinaki mo ang bigat mo pa. "Aniya
" Paanong di lalaki yan e ang takaw." sabi ni Nana Sela nakangiti
Bumungisngis naman ang bata " Kasi lagi puno ref dami laman. "ibinaba ang bata hinila papasok ang mga maleta " Nasan ang ate mo?"
" Working " sagot nito.
Binalingan naman nito ang; " Nana kumusta naman kayo dito?" naupo sa sofa
" Ayos naman kami dito yun nga lang laging malungkot si Rizza Maine. "
Ngumiti ang binata " magbibihis lang po ako susuduin ko na siya. "
" Magpahinga ka kaya muna pagod ka yata sa byahe." anang matanda
" Hindi naman po."
Umungot ang bata " Dito ka muna kuya missed na kita eh, may pasalubong ka? "
Yinakap ito hinagkan " syempre naman ikaw yata ang baby namin. "sinundot-sundot pa sa tagiliran ang bata kinikiliti panay ang hagikgik " tawagan mo Ate Mom mo yayain mo kain tayo sa labas, Nana wag ka ng magluto sama ka na lang sa amin."
" Yesss... "sabi ng bata
"Paano mga Mars(mare) panay ang ungot ni Richie pagbi bigyan ko muna." sabi ni Rizza Maine
" Sige alam mo namang di namin kayang pahindian ang batang iyon. " sabi ni Jenilyn
" Oo nga." ayon ni Myta sila kasi ang unang tinawagan ng bata ipinamaalam ang kapatid.
Binibiro pa nga ito ni Myta na kailangan kasama sila pero ayaw ng bata dahil magsasara daw ang coffee shop pag umalis silang tatlo ng sabay-sabay.
Pagpasok nya ng bahay salubong ang bata " Te mom naka ligo na ako magbibihis na lang. " anito
" Sige, pag handa ka na katukin mo na lang ako, saan mo ba gustong kumain sa Mc do o sa Jollibee?"
" Sa, bahala si--"
" Tayo na nga" kinaray na ng may edad na babae ang alaga " Pahinga ka muna ng konti Neng. " anito pa may ibinu bulong sa bata
"Sige ho"
Pahinamad siyang umakyat makahiga muna ng konti, bulong niya sa sarili balak din niyang mag shower bago umalis. Nakapikit siya ng biglang gumalaw ang kama napasigaw siya sa gulat "inay ko po!!!" lumilindol!!! " napadilat siya " Ritszard!?" hawak ang dibdib
Ang inihit sa tawang binata namulatan niya yinakap siya nito "I missed you! "
Pinagpapalo niya ito ng unan " papatayin mo ba ako sa nerbiyos! lang hiya ka!" mangiyak-ngiyak
" Sorry, sorry..." sabay halik sa noo
Bumangon na siya " gago ka!"
" Pssst.., sorry na nga bangon na"
" Kailan ka dumating"
" Actually two weeks na, kaya lang gusto ko nasa ayos na ang lahat bago ako humarap sayo, wala ng sagabal. "anito
" Naiayos mo naman?"
Tumango ito " oo, wala ng sagabal"
" Kayo ha! lagi nyo akong pinagkakaisahan" kunwa ay nagtatampong sabi ni Rizza Maine
" Sabi kasi ni Kuya surprise e di suprise" sabi ng bata
Lumabi ang dalaga " ganyan kayo. " ngumuso pa
" Sensya na Neng ito kasing nobyo mo maraming paeklat."
" Nana.., "sabi ni Ritszard
" Kakain lang sa Tagaytay pa yata tayo dadalhin"
" Sa Makati lang" sagot ng binata " masyadong malayo sa Tagaytay. "
" Wow! Hotel pa" sabi ni Nana ng makababa ng sasakyan
" Syempre espesyal kaya ang araw na 'to"sagot nito
" Wag mong sabihin may reservation ka pa. "tuya ng dalaga inirapan ang lalaki
Hindi nagkabula ang hula ng dalaga nakareserve nga ang Lugar kung saan sila kakain
" Ano' to?" gala ang tingin sa paligid
Pati maglola ay hangang-hanga " ang ganda" sabi ng bata
" Ano bang mga pagkain yan di ko yata kilala. " mahinang sabi ni Nana Sela "ah eto kilala ko litsong kawale itong isa spaghetting puti."
" Eh.., ito la, ano 'to
" Wag kayong maingay dalawa" sabi ni Rizza Maine
" Masarap yang lahat Nana" sabi ng binata
" Nag aksaya ka ng napakalaking pera para sa isang hapunan. "di makapaniwalang sabi ng dalaga
Ngiti lang ang isinagot ng binata "kain na tayo"
              " Guys, buksan nyo GC natin" sabi ni Paulo
" Bakit? " tanong ni Jenilyn
" Basta.., may panonoorin tayo live"
Lapit si Myta sa kaibigan " ano ba yang si Walter panay ang text ano ba yung gusto nilang ipakita, ayaw namang sabihin. " naiinis
" Eto nga si Tina nagrereklamo rin panay rin ang kulit ni Joseph kahit daw sabihin niyang busy siya ayaw siyang tigilan." sabi ni Jenilyn
" Sige na nga, pagbigyan na. "si Myta " buksan nga natin itong laptop " OMG!!! Jen, Jenilyn.." tawag nito nanlalaki ang mata
Nakisilip " ano yan!!? "napatakip sa bibig ang kamay
" totoo ba yan!" kinikilig
" Toy.., ang sarap pala dito may nanghaharana pa habang tayo ay kumakain. " napabungisngis may nagbaviolin kasi " pwede kaya akong mag request " may kalabit pa kay Ritszard
" Lola antanda na nikikilig pa." sabi ni Richie boy
May sipa pa sa ilalim ng mesa ang dalaga " ano 'to?"taas isang kilay bulong niya rito gusto kasi niyang kiligin at umasam pero ayaw niyang pahalata. puro kasi paborito niyang tugtugin ang pyesa na tinutugtog ng nagbaviolin. Ang nakakaasar lang ay kibit balikat lang ang sagot nito.
Nang dumating ang dessert ay lalong nangunot ang noo at umasim ang magandang mukha ng dalaga sa papaano'y binigyan sila ng tig-iisang hiwa ng vanilla cake pero pinakamaliit ang hiwang napatapat sa kanya favorite plavor pa naman niya iyon, kung hiwang matatawag iyon mukhang pinagtabasan lang halos umusok ang bum bunan niya sa Inis.
Panay naman ang tawanan ng mga nanonood lalo na ang mga kaibigan ni Rizza Maine dahil alam na alam nilang malapit ng malagot ang pagtitimpi ng babae halos sumakit ang tiyan ni Myta at Jenilyn.
" Kawawa naman ang BFF natin inaapi. " sabi ni Tina
" Ang tagal naman nakakainis" sabi ni Myta
" Love kain na "sabi ni Ritszard gusto na niyang matawa pero pinipigilan niya dahil namumula na ito sa galit.
Nakairap na. kumutsara siya ng kapiraso isinubo, saka isa pa di humihiwalay ang tingin sa nobyo kada susubo parang sinasabing lagot ka sa akin pag uwi natin, malaki- laki pa ng isubo nitong lahat ang cake.
Nag aalala naman si Ritszard di maipinta ang reaksyon ng mukha nito, na baka biglang lulunin ng dalaga ang cake na kinakain kinabahan siya. di naman niya masaway at baka lalong gawin, nakahinga lang siya ng nguyain nito ng dahan-dahan waring ninanamnam ang lasa tapos natigilan " may matigas (Aniya) parang may plastic"
Hawak na ng mga manonood ang kani-kanilang tiyan sa pagtawa dahil sa napapanood
Isinahod ni Ritszard ang kamay na may tissue paper
" luwa mo. " anito
Di sana niya iluluwa sa kamay nito pero dahil naiinis siya ginawa niya kahit alam niyang labag iyon sa kagan dahang asal.
Nakatingin na ang maglola nagtataka naaalibadbaran lalo na ang bata " Ewww..," di ito nakatiis nakangiti " Te Mom bad ka! "
May lumapit namang waiter may dalang mangkok na may tubig doon ihinulog ng lalaki ang plastik na napunasan na.
Napapahiya din naman siya sa ginawa kaya matapos punasan ang bibig itinukod niya ang mga siko sa mesa at pinagsalikop ang dalawang kamay ipinatong ang baba at umiiwas siya ng tingin sa mga kasama kaya di niya alam kung ano ang ilinuwa niya.
" Ayyy..!" sabi ng maglola
Idinikit ng binata ang hintuturo sa labi upang sawayin ang maglola napapalakpak ang mga ito doon bumaling ang dalaga nagtatanong ang tingin nito, inginuso ng may edad na babae nakaluhod na si Ritszard sa tabi niya habang tinutugtog naman ang kanilang team song.
" WILL YOU MARRY ME... " sabi ng binata hawak ang singsing.
Natutop niya ang dibdib sa sobrang gulat di agad siya nakapagreact pero tumulo ang luha niya ng di niya nama malayan. Nasa mukha ni Ritszard ang pagsamo maya- maya ay tumango siya " Yes." sabay akap sa nobyo nag pa lakpakan ang mga naroroon " kainis ka!"
Kaagad namang isinuot ng binata ang singing sa daliri ng nobya " Happy..? " tumayo na ito
"Yesss..."
Sa saliw ng malamyos na tugtugin magkayakap na nag sayaw ang magnobyo.
Hindi lang sila ang masaya pati ang mga nanonood ng live ang mga kaibigan nila " matutuwa sila" sabi ni Rizza Maine
" Mahal alam na nila"
At biglang nagplash ang mga mukha ng kanilang mga kaibigan sa projector na nakakabit sa isang sulok. Natulala siya " nakalive tayo? "
Ngumiti ng matamis ang kasayaw " nais kong saksi silang lahat sa espesyal na araw na ito."
Nagpapalakpakan, nagsisigawan ang mga ito " yes! sa wakas matutuloy na " sabi ni Walter katabi si Lucille
" Ang daya nyo ! Inggit ako!" sabi ni Myta kinikilig
" Akala namin si Richie boy ang date mo yun pala may magaganap na proposal, ganyan ka ha." sabi ni Tina
Umiling siya "wala akong alam! kakainis ang lalaking 'to! " sabi niya kinurot ang tagiliran ng binata " kung nakita nyo kanina alam niyong wala akong idea." lalo namang yinakap ng binata ang nobya
" Basta abay ang mga tsikiting namin" sabi ni Christine at Paulo
" Hoy, pati si Abby ko "sabi ni Lucille
Hinagkan ni Ritszard si Rizza Maine yinakap ng mahigpit
" Wala ka ng kawala." anito pa
Humarap ng tuluyan sa monitor ang mag nobyo "imbitado kayong lahat."
" Yessss..."

Bahay BAHAYAN (COMPLETE) Where stories live. Discover now