CHAPTER 20

574 7 0
                                    

Naka video chat sina Walter, Paulo at Joseph " P're nasan si pareng Ritszard? "tanong ng huli
"Oo nga, bakit di siya kasali saan ba nagsususuot ang taong iyon at nitong mga nakaraang mga araw ay di nagpaparamdam." sabi ni Paulo
" Baka sobrang nasaktan sa naging paghihiwalay nila ni Salve" sabi ni Walter
" Bakit wala na ba sila? " tanong naman ni Joseph
" Wala na, pero ang alam ko di naman sila nagkabalikan kaya impossibleng broken hearted yun." sabi ni Paulo "ayon nga kay mahal gusto pa raw makipag balikan ni Salve pero ang friend natin ang umayaw. "
" Sabagay dapat lang naman talagang bitawan na ni Ritszard si Salve kawawa naman kasi yung tao dahil umaasa sa wala. " sabi ni Walter
" Bakit anong alam mo na di namin alam?" tanong nina Joseph at Paulo
" Feeling ko lang naman na di seryoso ang friend natin kay Salve parang may iba siyang hinahanap. " anito
" Sabagay may point ka diyan, minsan duda din ako sa feeling niya, kahit kaharap tayo at sinasabi niyang mahal niya ito parang kulang, di ko makita yung spark parang okey lang na nandiyan siya at okey ding wala." ayon ni Paulo“ Mas  maalaga pa nga siya kapag si Rizza Maine ang kasama niya." dagdag pa nito
" Sa tingin nyo may iba? "si Joseph
" Parang..." dweto
"Change topic tayo ten days na lang nandiyan na ako saan nyo gustong gumimik? " tanong ni Joseph
" Pag usapan na lang natin yan pag dating mo dito. " sabi ni Walter
" Siguraduhin niyong kasama si Ritszard" sabi ni Joseph.
              Sama-sama ang magkakaibigan sa isang sikat na restaurant kasama ang kani-kanilang partner sa buhay request ni Joseph " mabuti naman dumating kayo" anito "Tulad ng gusto mo para kaming mga bagong kasal walang kasamang anak" biro ni Walter
" Syempre naman pa minsan-minsan kailangan din nating idate ang ating mga asawa para matuwa naman sila" sabi ng una
" Tumpakkk..." sagot ng mga babae " gusto namin yan. "
" Thank you Joseph for your brilliant idea. " sabi ng mga ito nag thumbs-up pa
" It's my pleasure girls." yumukod pa ng bahagya na ikinatawa ng mga kaharap.
" Syanga pala nagtext si Pareng Ritszard medyo male late daw siya" imporma ni Paulo
" Sino kaya isasama ni pareng Ritszard? " sabi ni Christine " Bakit sino ba gf niya ngayon ?" tanong ni Lucille
" Wala kaming alam. "
" Aba bago yan ah! Wala kayong alam? "sabi ni Joseph " sabagay kaya isinama namin itong si Harlene ay para siguradong may partner na ang isang iyon pinsan ni Misis." anito pa
" Hi! Harlene." kani- kaniyang pakilala
" Hi! guys" sagot nito
" Mula kasi nung dumating siya six months ago three times pa lang siyang nagpapakita." sabi ni Walter "Talaga.!? bah..." di makapaniwala " ang alam ko lagi kayong may get together inggit na inggit nga ako dahil malayo ako. "
" Di naman namin siya matanong pero sa tatlong beses namin siyang nakakasama lagi siyang malungkot nang tanungin naman namin kung may problema wala raw naman pagod lang." sabi ni Paulo
" O di kaya stress daw sa work" sabi naman ni Walter
“ Nagtatanong pa nga siya ng mabibiling condo o Town house sa akin. "sabi ni Walter “ ang gusto malapit daw sa work niya at nagkataon na di pa nagbubukas yung contact nitong si Misis na developer kaya wala kaming naibigay nagmamadali."
“ Bakit kaya? hihiwalay na siya ng bahay? "si Joseph
" Basta kami ni Christine aabangan na lang namin kung sino isasama ni Pareng Ritszard na ka date ngayon. "sabi ni Lucille
" Oo nga," ayon ng katabi
" Siya na lang ang single sa barkada? " tanong ni Scarlet bagong asawa ni Joseph
" Yesss..." sabay-sabay na sagot
" Order na tayo parating na si pogi" sabi ni Walter
"Aba oo nga tanghali na at gutom na rin ako. " ayon ni Paulo.
          DI pa natatagalan nakita nilang paparating na ang lalaki Nanlaki ang mga mata ng mga kaibigan ng dumating si Ritszard nagkatinginan ang mga ito di nila inaasahang ito ang kasama nito.
" Hi guys..," bati ng binata nakaalalay sa kasama nito " O, bakit para kayong naka kita ng multo? (ngiting-ngiti) iginiya paupo ang kasama " anong problema? " muling tanong nito.
Samantalang binati naman ni Rizza Maine ang mga ito lalo na ang mga babae "kanina pa kayo?
Nakangiting tumango si Christine buti naka sama ka." anito
" Hi.., " bati ni Lucille " si Scarlet misis ni Joseph" sabi pa nito
Agad ilinahad ng dalaga ang kanyang kamay " hi.., nice meeting you"
Na agad namang inabot ng babae " same here" anito Tumingin kay Ritszard tumayo naman ang binata at nakipagkilala. nasa banyo noon ang pinsan ni Scarlet
Hinila ng mga lalaki si Ritszard " Excuse us" sabi ni Paulo
" Mahal sandali lang" ipinanaghila ng upuan ang dalaga
" Buti nahila ka ni Pareng Ritszard" sabi ni Christine
" Oo nga, madalang kang sumama sabi ni Pareng Ritszard busy ka raw. " sabi ni Lucille
" Ano ka ba Mare, talagang di yan sasama lagi kayang nakasunod si Salve mamaya pagselosan pa yan."
" pagselosan.!! talagang pinagseselosan. "sabi ni Lucille
" Sila pa kasi noon magiging out of place lang ako, saka talagang busy ako noon nagsisimula pa lang kasi business namin ng mga panahon yun kailangang tutukan." nasabi Nakangiti binalingan nila si Scarlet at siyang ininterview.
" Hey.., anong problema nyo?" tanong ni Ritszard
" P're, ang sabi ko girl friend ang isama mo, hindi step sister. "sabi ni Joseph
Ngumiti ang binata " nagsama naman ako ah!"
" Ikaw kahit kailan nasa loob ang kulo mo! gusto mo pa kaming pagtripan" sabi naman ni Paulo . " ginagamit mo pa si Rizza Maine
" Hindi ko kayo pinagtitripan bakit ko gagawin yon?"
"Siguro pinakiusapan mo lang si Rizza Maine ano? " si Walter
" Pati ba naman yung tao ginagamit mo. " si Joseph
“ Hindi ko siya ginagamit talagang girlfriend ko na siya. "
“ Ohhh!!!" sabay-sabay
" Bahala kayo kung anong gusto niyong isipin, diyan na nga kayo gutom na ako" tinalikuran na ang mga ito " Hoy.., Di pa tayo tapos" angal ng tatlo " bahala kayo dyan!"
"Nasaan sila?" tanong ni Scarlet liningon lang ni Ritszard ang paparating na mga kaibigan.
" Bakit? Anong problema? " bulong ng dalaga sa nobyo
" Ayaw nilang maniwala akala nagkukunwari lang tayo." Napangiti si Rizza Maine " ganun! " pag baling nila naka tingin sa kanila ang lahat.
"May problema ba? " tanong ni Rizza Maine
Parang mga batang nahuling nanunubok ang mga ito kanya-kanyang baling sa mga kasama halatang napapa hiya Napakamot sa batok ang mga lalaki
" W-wala." sabay-sabay
" Di pa ba tayo kakain?" tanong ni Ritszard parang iisang tao nagsimula ang kainan panay ang abot ng binata ng pagkain sa dalaga asikasong-asikaso ito.
Bawat kilos ng dalawa ay waring binabantayan ng mga kaharap
"Joseph ang sarap naman ng mga inorder mo" sabi ni Rizza Maine.
" Syempre naman! Lalo na yang katabi mo grabeng kantiyaw ang gagawin nyan pag di masarap ang ipinakain ko dyan. "
"Ako lang ba!" sagot nito
Siyang dating ni Harlene " ay pinsan ko nga pala si Harlene" pakilala ni Scarlet " Hi Harlene "bati ni Rizza Maine " Hi..," pero sa nakayukong si Ritszard nakatingin kinalabit ng dalaga ang nobyo " Hi Ritszard" nakangiting sabi ni Harlene
" Harlene.!? Is that you? "waring nagulat
"Yesss..." ngiting- ngiti " long time no see "anito " eto, one year na ako dito sa Philippines."
" Umalis ka pala ng bansa"
" Oo, marami kasing nangyari. "
" Magkakilala kayo? "tanong ng mga kaibigan
" Dati namin siyang kapit-bahay noong nasa Binakayan pa kami." si Ritszard ang sumagot " Kaya pala." sabi ni Scarlet makahulugan ang tingin sa pinsan
Nang tumayo si Joseph para magbanyo lumipat na si Harlene sa tabi ni Ritszard " balita ko binata ka pa raw" anito
Tumango naman ang lalaki " yes "
" Pareho pala tayong single" ngiting- ngiti nagsalubong naman ang kilay ni Rizza Maine panay kasi ang tanong nito sa nobyo may pahawak-hawak pa sa kamay at braso nito.
" Hindi ka man lang nagpaalam nung lumipat kayo ng lugar" may tampo sa himig nito
" Biglaan saka" di na narinig ng dalaga ang sinabi ng nobyo dahil pa bulong ito.
Napansin naman ni Paulo na nagkakaroon ng tension kaya binalingan nito ang dalaga at kinausap. " Rizza Maine.., (kamot sa batok) totohanan ba yan, di kaya kinuntsaba ka lang niyang katabi mo" sabi ni Paulo nakita kasi nitong nakahawak si Ritszard sa bewang nito. Napangiti si Rizza Maine kahit naiinis dahil sa inaasal ng babae sa tabi ng nobyo .
Tumango "Oommm.., kami na." biglang nagkatuwaan ang mga kaibigan nito " talaga..!" pati sina Lucille at Christine ay nakisaya " mabuti naman"ang sabi ni Joseph.
" Ay salamat " sabi naman nina Paulo at Walter " masaya kami para sa inyong dalawa" sabi ng huli.
" Ganyan kayo, kanina ayaw niyong maniwala. "
" Pasensiya na Pare pero masaya kami para sa inyong dalawa." sabi ni Walter
" Talaga kayo na? kailan pa? " tanong ni Lucille
" Ang tagal nyo na ngayon lang kayo umamin." si Joseph
" Kailan ang kasal? " tanong ni Paulo " hoy.., abay kami" anito.
" Ah, mag sabi lang yan uuwi at uuwi ako yun ay kung si Rizza Maine ang pakakasalan nya. " sabi naman ni Joseph.
" girlfriend mo siya? " tanong ni Harlene
" Oo" sagot nito
"Matagal na kayo? "muli nitong tanong
" matagal-tagal na rin" sagot ng binata
" May pag asa pa pala ako, di pa kayo kasal" biro nito pero para kay Rizza Maine at sa mga kaharap wari itong nagbabanta
" Marami naman diyan humanap ka na lang ng iba yung walang sabit " sabi ng dalaga inirapan ang babae ipina halatang di niya nagustuhan ang biro nito.
Bumulong si Joseph sa asawa " grabe naman yang pinsan mo! napakagarapal. "
" May something yata sila dati" bulong din nito.
" Kaya ba nagpilit sumama yan?" tumango ang partner
" P're bakit ang tagal mo raw di nagpakita?" tanong ni Joseph
, Napabaling si Ritszard " may mga inasikaso " nilingon ang katabi pero katabi na ito nina Christine at Lucille si Paulo na ang katabi nya
" Pambihira pati naman ako kinakapa mo. " sabi nito "Bakit ka ba nandiyan? nasan si-?" "ayun! " inginuso nagkatawanan ang mga kaharap.
" Confirmed! "sabi ng mga ito
         " Galit ka ba?" tanong ng binata pauwi na sila noon
"Hindi. "ibinaling niya sa labas ng bintana ang tingin
" Nagseselos ka ba?"
" May nakaraan ba kayo? napakagarapal naman yata niya, ano mo ba siya dati? "sunod-sunod niyang tanong.
" Sinabi ko na sayo dati namin siyang kapit-bahay."
" Sigurado ka."
" Oo sabi" medyo naiinis
" Okey, sinabi mo e. "
Bakit ganito ang nadarama nya, parang may mali iba ang pakiramdam niya sa babaing iyon at parang may itina tago sa kanya ang lalaking ito.

Bahay BAHAYAN (COMPLETE) Where stories live. Discover now