CHAPTER 22

508 4 0
                                    

"Hi.., "alanganing bati ni Ritszard sa nobya hinintay niya talaga ito, tangka niya itong hagkan pero umiiwas ito " galit ka..?" tanong niya
Umirap ito " wala ba akong karapatan? nobya mo ako pero.., (napailing) di ko alam kung saan ako lulugar, di ko alam kung bakit bigla kang nanlamig, may nagawa ba akong mali? " tanong nito
Yinakap niya ang dalaga " sorry.., sorry.., may gumugulo lang sa isip ko, I love you.. , I love you very much pero ngayon okey na. Kung may problema man di na kasali ang puso kong sayo lamang nagmamahal."
" Kung anuman ang problema pag usapan natin." anang babae.
Tumitig ang binata " salamat "
"Ano ba talaga ang gumugulo sa isipan mo?" kulit nito
Waring wala siyang magagawa kundi magtapat anang isip niya huminga siya ng malalim bahala na, iginiya nya ang dalaga paupo sa sofa " may isang babaing gustong bumalik binablackmail ako, may anak daw kami."
" Si Karen? " tanong nito
Umiling siya " wala na akong balita sa kanya. "
Parang pinipiga sa sakit ang puso niya "sino siya."
Nagyuko ito ng ulo " si Harlene yung pinsan ni Scarlet. "
" Paanong..? Akala ko ba kapit-bahay mo lang yun! " naka dama siya ng paghihimagsik nagsinungaling ito sa kanya
"I'm so sorry hindi ko naman akalain na yung pagkikita namin ay sinadya niya.
" Kailan kayo nagkaroon ng relasyon? bakit di ko yata alam yun? " tanong niya
" Matagal na yun pero wag kang mag alaala wala na akong pagmamahal sa kanya. "
" Sigurado ka! "
" Oo naman, magtiwala ka sana."
" May tiwala ako sayo, pero sa babaing yon wala. " aniya tinitigan ito “ anong gusto niya?" 
" Salamat. " napayuko “ gusto niyang makipagbalikan. "
Napabuga ito ng hangin “ tama ang kutob ko sa babaing iyon may binabalak siyang di maganda."
Yinakap siya ng binata “ I love you very much ikaw lang walang iba maniwala ka."
          Nagmimiryenda ang magkakaibigan ng tumunog ang cellphone ni Rizza Maine unknown number pinangu nutan ng noo ang dalaga iilan ang nakakaalam ng number niyang iyon sino 'to? bulong niya sa sarili.
" Tititigan mo na lang ba yan, bakit di mo sagutin. " sabi ni Jenilyn
" Kayo lang malalapit sa akin ang nakakaalam ng number na ito at di ko kilala ang number na ito."
" Sagutin mo na baka emergency. " sabi naman ni Myta
Napilitan siya " hello..."
" Rizza Maine..! "
" Yes.., speaking"
" Si Harlene ito pinsan ni Scarlet"
" Paano mong nakuha ang number ko? Anong kailangan mo? "nakadama siya ng pagkairita
"  Tungkol sa boyfriend natin" sagot nito
Lalong nadagdagan ang pagkairita niya " boyfriend ko lang, hindi mo boyfreind" nagpapakahinahon " anong kailangan mo!? "inis
" Layuan mo siya! ako ang mahal nya."
" Di ako naniniwala. "
" Gawin mo ang sinasabi ko kung ayaw mong maging kaawa-awa sa bandang huli."
" At kung di ko gawin!? " hamon niya
" Titiyakin kong magiging luhaan ka dahil akin lang siya! Naiintindihan mo! "
" Ikaw ang lumayo talipandas!!! " sabay patay ng phone
" Sino yun?" tanong mga kaibigan
" Isang intruder! "hinihingal siya sa galit
" May kaagaw ka best friend?" sabi ni Jenilyn
Tumango siya “ dating nobya ni Ritszard"
“ Dati, it means fast " sabi ni Jenilyn
" Wag kang patatalo, lumaban ka. " si Myta
          Kinagabihan hinintay niya si Ritszard " mahal gabi na bakit gising ka pa?" sabay yakap at halik nagpaubaya
siya " gusto kitang makausap" bumitaw ito at naupo sa naroong sofa sumunod naman ang binata
" Anong problema? " tanong nito
" Sino ba talaga si Harlene sa buhay mo? akala ko ba wala na kayo?" madiin
" Totoo nilinaw ko yun sa kanya. "
" Yung totoo!" sabay palo ng hawak na almohadon sa lalaki
" Anong.!? " naguguluhan
" Tinawagan nya ako kanina nobya mo raw siya." mangiyak- ngiyak " Layuan daw kita! Bakit ganun! akala ko ba nagkaintindihan na kayo! "
Napabuntong- hininga siya napayuko napaisip pagkuwa'y " girlfriend ko siya twelve years ago. (simula nito) nung nasa kabilang bayan pa kami I was only fourteen years old samantalang siya ay nineteen crush ko siya at naging kami. " anas nito
Napanganga naman ang dalaga di makapaniwala " akala ko ang first love mo ay si Karen?"
Umiling ito " siya ang aking first love pero tutol si Mama bata pa raw ako pero ilinaban ko dahil mahal ko, kaya lang wala ring nangyari dahil ako lang ang lumalaban si Harlene parang pinaglalaruan lang ako, pero nung mga panahon yun bulag ako bingi lahat ng sabihin nya, lahat ng hilingin niya ibinibigay ko, siguro nung mga panahon yun at hiniling nya ang buhay ko baka ibibigay ko. " nakayuko pa rin
Young love " Anong nangyari bakit kayo nagkahiwalay?"
Tumingin sa kanya ang binata bakas sa mukha nito ang labis na lungkot dahil sa alaala bumuga muna ito ng hangin " nabuntis siya, gusto nilang pakasalan ko pero natatakot ako, napakabata ko pa noon tapos ayaw ni Mama, di niya ako sinosoportahan kaya binugbog ako ng mga kamag-anak nila tapos nabalitaan kong nagpaabort siya, alam mo bang kahit gusto ni Mama ang daddy mo, walang balak si Mama na mag asawa pero dahil sa nangyari kinailangan niyang pakasal kay Tito para mailayo ako sa lugar na iyon. "
Nagulat si Rizza Maine sa rebelasyon ni Ritszard kaya ba ito mailap at waring laging galit noong bago pa lang itong nakatira dito. " siya ba ang sinasabi mong nais bumalik? At nambablackmail sayo?" kumpirma niya
Tumango ito siyang pagtunog ng cellphone niya ilang message at ilang video galing kay Harlene " ayan ang haliparot mong ex nanghaharass." idinuldol niya rito ang aparato dahil sa ipinakikitang mga larawan doon na masa yang magkasama ang dalawa naghahalikan pa. Namutla ang binata dahil sa di maipintang mukha ng nobya " ano yan!?" muli niyang pinagpapalo ng almohadon ang lalaki " sabi mo..! wala na kayo..! anong ibig sabihin niyan!?" gigil na gigil umiiyak na. " taksil ka..! manloloko..! "
" Magpapaliwanag ako" anito
" Ano pa! ano pang kasinungalingan ang sa sabihin mo!? "
"Aminado naman ako, nung una ko siyang nakita paki ramdam ko gusto ko na uli siya pero after two weeks naming laging pagkikita unti-unting nagbago ang lahat lalo na at umuuwi ako rito at nararamdaman kong iniiwasan mo ako, may takot na nabuhay sa puso ko ayokong mawala ka, excited ako pag magkikita na kami pero sa sandaling pumasok ka sa isip ko kahit kasama ko siya, wala na, wala na ang kilig at pananabik yang picture na nagkikiss kami siya ang kusang nanghalik, hiniling ko sa kanyang maging magkaibigan na lang kami pero ayaw nya, kaya pati siguro ikaw ay ginugulo niya. Ngayon nga binablackmail nya ako may anak daw kami, kaya lang di ko mapaniwalaan dahil alam kong nakunan siya na ospital. "mahabang paliwanag nito
Tinitigan nya ang larawan tama ito halatang ang babae lang ang may gusto nakahawak ito sa kwelyo ng lalaki. Tu mayo na siya " matutulog na ako." aniya
" Please..! Forgive me! "garalgal na ang boses.
" Saka na lang tayo mag usap pleased.., give me some space." tinalikuran na ito at diretsong umakyat. Naiwan nanlulumo ang binata.
Kahit hatinggabi na di dalawin ng antok si Rizza Maine ang nasasaktang mukha ni Ritszard ang laman ng isipan niya, mahal nya ito mahal na mahal pero kailangan niyang umagwat muna rito ayaw niyang makasakit ng kapwa nya babae pero paano kung totoo na naabort ang baby nila, at di na nya ito mahal dapat ba siyang magbi gay? Pumasok din sa isipan niya ang nakaraan, kaya pala laging tahimik at parang laging may mabigat na problema ang lalaki noong bagong salta ito rito, bilang bata makulit siya lagi nya itong sinisilip. Minsan nga nahuli siyang nakikikinig sa usapan ng mag ina.
Kinagagalitan ito " alam mo Ritszard nasasaktan ako sa ginagawa mo! lagi kang tumatakas ano bang napapala mo, tumalikod ka lang sandali may kapalit ka na! mahiya ka naman sa Tito Rigor mo. " noon napatingin sa pinto si Ritszard nahuli siya. inirapan siya nito.
Ilang buwan itong ganon bago unti-unting nagbago at nag simulang humalubilo sa kanila noon nya ito sinimulang la pitan at kung minsan ay kulitin. Gusto nga ng mga magu lang nilang magturingan silang magkapatid pero ayaw niya, "di naman kami magkamukha ah.., kaya ayoko. " walang nagawa ang daddy niya
Samantala sa silid ni Ritszard galit na galit siya kay Harlene dahil sa pinaggagagawa nito, tinawagan niya ito " Hello..! Ritszard honey, akala ko di mo na ako tatawagan thanks god." masayang-masaya
" Bakit mo ginawa yun? anong karapatan mo! na guluhin ang relasyon namin ni Rizza Maine?" galit
"Anong!? Wala akong ginagawa" pagsisinungaling nito
" talagang kahit kaylan sinungaling ka! Pangita na itina tanggi mo pa. "
Umiyak ang babae "Bakit ganyan ka lagi ka na lang nagbi bintang hanggang ngayon ba isip bata ka pa rin?"
" Hindi ako isip bata! tigilan mo si Rizza Maine wag kang gumawa ng mga inedit na mga picture tapos ipadadala mo sa kanya. "
" Sumbungera siya! gusto ko lang siyang makilala anong masama dun! "
" Nakita ko ang mga larawan kaya hindi ka makapagsisi nungaling. Tigilan mo na kami!"
" Hating-gabi na anong ginagawa mo riyan?" parang nagulat
" Dito ako natira. "
" Magka live-in kayo? "tanong nito
Matagal bago nakasagot " oo kaya tumigil ka na! "
" No way! akin ka lang! "pinatay ang telepono
Tinext na lang niya ito " hindi na kita mahal!"
" Di mo man ako mahal kailangan ka ng ating anak at di ako papayag na maagrabyado si Evangelene. "
" Talaga bang anak ko siya?"
" Ako ang ina ako nakakaalam kung sino ang tatay ng anak ko."
" Kung totoong anak ko siya wag kang mag alala susuportahan ko siya sa abot ng aking makakaya."
" Buong pamilya ang gusto ko para sa aking anak. "
" Mahihirapan kang makamtan yun. "
" Wag kang magsalita ng tapos. "
" Sorry..!"
" fuck you!!! "sagot lang nito

Bahay BAHAYAN (COMPLETE) Where stories live. Discover now