CHAPTER. 10

757 8 0
                                    

" Darling, wag ka na munang umuwi sa friday pleased... " samo ni Salve
" Hindi pwede walang kasama yung magkapatid." sagot ni Ritszard " maaga na lang akong babalik ng Sunday. "
" Ako ang girlfriend mo! Pero lagi na lang akong umaamot ng oras mo! Laging second! Paano na lang kung magpa
kasal tayo at magkaroon ng anak sila pa rin ba ang uunahin mo!? " nagdadabog
Napakamot sa ulo ang binata " eto na naman tayo, ano bang problema? "
" Ikaw! At ang mag - ina mo! Bakit kaya di mo na lang pakasalan ang babaing yun! At wag ka na lang mag paasa ng girlfriend! "
" Bahagi na sila ng buhay ko! wala ka pa nandun na sila bakit di mo matanggap! "
Napaiyak na siya “ pinipilit ko namang tanggapin kaya lang napakahirap lagi akong namamalimos ng atensyon mo dahil laging sila ang priority mo."
“ Kailangan nila ako! "
" Hindi naman mababago yun ang hinihingi ko lang sayo konting atensyon! Mahirap bang unawain yun! Yung kahit minsan maging priority mo ako! "
" Priority naman kita ah, halos dito na nga ako tumira sayo ano pa bang gusto mo? "
" Kasal ng pinsan ko sa Saturday gusto kitang ipakilala sa kanila masama ba yun? "
" Akala ko ba wala kang kamag anak dito!"
" I lied, " anito nagyuko ng ulo
" What!?" parang torong nais manuwag
" Nasa Batanggas ang family ng Mommy ko gusto ko sanang ipakilala ka sa lolo kong nagpalaki sa akin. "
Pinagbigyan nya ang nobya dumalo sila sa garden wedding ng pinsan nito, doon nya nakilala ang ilan sa mga kamag anak nito kabilang ang lolo nito na nagpalaki rito. Maraming bagay siyang natuklasan ng di sinasadya. Akala kasi ng ilang naroroon ay foreigner siya English kasi kung kausapin siya nito, sandali siyang iniwan nito ng hilahin ito ng kanyang lolo sa isang sulok.
Naakit siyang makinig sa usapan ng tatlong babae na natatandaan nyang ipinakilala sa kanya ng nobya.
" Tamo nga naman ang kapalaran palibhasa'y matalino balita ko ay mayaman na raw yang si Salve sa Manila. " komento ng may katabaang babae isa sa pinsan niya
" Oo nga, di ko nga halos nakilala kanina ang ganda nya ngayon." sagot ng maliit na babae
" Iba talaga ang nagagawa ng pera sa tao dati ay tinutukso namin yang negra ngayon ay kaputi na at di na taba chingching." sabay tawa ng isa sa tatlo
" At ang gwapo ng nobyo foreigner. " sabay tingin sa kanya.
Siyang lapit ni Salve hinila siya palapit sa isang umpukan " Darling, this is my uncle Boni and her wife auntie Lolet they came from Singapore. Uncle, Auntie this is my boyfriend Ritszard Brixton " buong pagmamalaki.
" I'm glad to meet you sir, mam" nakipag shakehands siya sa lahat ng naroroon " Where are you came from young man? " tanong ng Auntie nito
" Washington" si Salve ang sumagot. " he is almost one year staying here in our country. "
" Are you a model?" muling tanong nito
" Nop.., I'm an Engineer mam."
" Ohhh!!! "
Di mababayaran ang ngiti sa labi ni Salve habang namamaalam ito sa mga kaanak, tingin nya rito ay parang nanalo sa lotto.
" Yes..! kita mo ang reaksyon ng mga kamag anak ko?" tanong nito ng nasa condo na sila
" Bakit parang gulat na gulat sila? "
" Talbog silang lahat sa akin, isipin na lang kung paano nila ako lait-laitin dati ngayon, dun pa lang sa kotse ko luwa na ang mga mata nila, tapos ang mga maldita kong cousin tulo laway sa boyfriend ko."
" Kaya pala pinilit mo akong maisama, para akong isang winning raffle ticket or trophy ginawa mo pa akong foreigner." nagdaramdam
"Darling, kita mo naman ang inggit sa mga mata ni Auntie Lolet yung kaisa-isa nilang anak sumama sa isang no body tapos darating ako, na malayong-malayo sa dati kong buhay na puro hingi at hiram ang ginagamit dahil galing ako sa isang unwed mother. Iniwan sa lolo at lola ko at nag asawa bumuo ng bagong pamilya na di ako kasali. "Bigla siyang nakadama ng awa sa nobya sa kabila pala ng masayahin at puno ng kumpyansa sa sarili, isa pala itong dating talunan." yinakap nya ito
Sinikap nyang ipadama rito ang pagmamahal nya dahil alam nyang yun ang hanggad nito. Subalit naging busy silang pareho sa kani-kanilang carreer. Siya bilang Engineer ito naman sa pagiging radio d. J. at real estate agent. Sa katunayan ang condo unit na tinitirhan nito ay bahagi lamang ng commission, sa dami ng nabenta nyang unit. Pero pag may pagkakataon sinusulit nila ang bawat sandali. Yun nga lang pag dating sa itinuturing nyang pamilya di niya malaman kung bakit hindi nito main tindihan ang ginagawa niya, yun at yun pa rin ang malimit nilang di pagkasunduan na malimit nyang ikairita. Kung siya nga lang ang masusunod di na nya ito isasama pauwi ng Las Pinas pero pag ginawa nya yon mag aaway lang sila.
Lumipas ang isang taon magkatabi sa kama sina Ritszard at Salve katatapos lang nilang magpadama ng pag ibig sa isa't-isa naninigarilyo ang babae panay ang hitit  buga ng usok. " Darling may problem ba? " tanong niya.
Muli itong nagbuga ng usok tumitig sa kanya " mahal mo ba ako Ritszard?"
" Oo naman, ano bang klaseng tanong yan? " nagtataka
" Ako, sigurado akong mahal kita, pero ikaw di ako siguradong mahal mo ako."
" What!? (gulat) tatagal ba tayo ng dalawang taon kundi kita mahal! "
" Pakiramdam ko kasi di mo ako mahal. "
" Darling di totoo yan, paano mong nasabing hindi kita mahal.!?"
" In love ka yes, pero hindi sa akin, sa ibang babae. "
" What.!? Are you joking!? Bumangon ito at nagbihis (iiling-iling) hindi totoo yan! Sino bang tinutukoy mo? "
" I'm serious! Akala mo ba di kita napapansin ako ang kasama mo, pero pag nasa malapit siya nalilimutan mong (garalgal ang bosses) katabi mo ako. Pag nadatnan mong may bisita siyang lalaki agad kang sisimangot at mawawala na sa mood. Aminin mo, kaya mong mawala ako sayong tabi, pero siya mawala lang sandali natataranta ka na. "
" Nagseselos ka lang ng walang dahilan, pamilya ang turing ko sa kanya kaya ganon na lang ang malasakit ko sa kanya."
Umiling ang dalaga " gaga ako, sa simula pa lamang ay naoobserbahan ko na ang mga tinginan ninyo pero mahal kita, handang ipaglaban. Magaling lang umarte ang babaing yun, pero tulad mo, ikaw rin ang lagi nyang hanap." napasinghot nagpahid ng luha
Salve..! I love you!"
" Iba ang binibigkas ng iyong bibig sa isinisigaw ng iyong puso ang sakit! " hagulgol
Tinitigan niya ang babae waring inaarok ang laman ng isipan nito " kailangan mo lang siguro ng space aalis ako ngayon pag isipan mo ang gusto mong mangyari, alam mo ang number ko."
" Isara mo na lang ang pinto paglabas mo, hindi ko kaya ang mag ina mo, hindi rin ako mananalo kahit ipilit ko." garalgal ang bosses " good bye my darling" hagulgol nagtaklob ng kumot, wala siyang nagawa kundi lumabas gulo ang isip.
Siyang pagtunog ng cellphone nya si Paulo nag iimbita birthday ng asawa kaya doon siya nagtuloy, iilan na ang panauhin nangakaalis na ang karamihan, naupo siya sa isang sulok uminom ng alak.
Linapitan siya ng mag asawa " sina Joseph at walter darating ba? " tanong niya
" Si pareng Joseph nakabalik na sa U. S. Si pareng Walter naman kasama ng girl friend ipakikilala raw sa mga relatives sa probinsya si Salve nasaan?"
" Tagal na nilang live-in hindi pa pala siya kilala ng mga relatives ni Lucille " aniya
" Oo nga, si Salve. "
" Nasa condo. " nagsalin ng alak sa baso
Naupo na ito sa harap niya habang nakatayo ang asawa sa tabi nito " bakit di mo isinama?"
" Mare, happy birthday uminom na ako di pa nabati" tumawa ng mapakla " ayun nagmamarakulyo, bigla- bigla nakikipag break. "
" Ha..! Bakit?" tanong ni Paulo
" Ewan ko dun! Sabi ba naman di ko raw siya mahal. "
" Itinuloy rin pala nya." sabi ni Christine
Napalingon dito ang magkaibigan parehong naghihintay ng paliwanag tuluyan ng naupo ang babae sa tabi ng asawa " narito siya kahapon bumati at nagdala ng gifts napansin kong malungkot siya kaya inusisa ko (simula nito) sabi nya di mo raw siya mahal. "
" Paano nyang nasabi yun?" tanong ni Paul's
" Wala ba siyang nabanggit sayo pare? "
Lumagok ito ng alak " nagseselos siya kina Rizza Maine at Richie boy."
Muling nagsalita si Christine " kaya raw nyang tanggapin si Richie boy, ang hindi nya kaya at kinatatakutan ay ang damdamin mo kay Rizza Maine. "
" Wala kaming ginagawa ni Rizza Maine na dapat nyang ipagselos. "
" 'Pre wala ba talagang dapat ipagselos?" tanong ni Paulo
" Anong ibig mong sabihin?"
"Tayong mga lalaki madaling makahalata kapag dam damin ang pinag uusapan, palagay ko ganon din ang mga babae."
Muling nagsalita ang ginang " wala pa nga raw kayong ginagawa pero nararadaman nyang may kakaiba sa inyo na di nya mapangalanan, kung tingnan nyo raw ang isa't-isa parang walang ibang tao sa paligid, nalilimutan mo raw na kasama mo siya at katabi."
" Wow..! Paano mo ngayon mapangangatwiranan yan pareng Ritszard?"
" hindi ko alam ang mga pinagsasasabi niya ngayon, bibigyan ko siya ng pagkakataon two weeks kung di magbabago isip nya bahala siya. " muling nagsalin ng alak " hindi ako magmamakaawa sa kanya. "
Nang makaalis ang binata nag tanong si Christine sa asawa " sa palagay mo hon, may batayan kaya ang hinala ni Salve? "
Nagkibit balikat ang lalaki " hummpp.., maaari noon pa man tinutukso na namin siya sa step - sister nya. "
" Bakit nyo siya tinutukso? May nakikita ba kayong spark between them? Bukang bibig ba siya ni Ritszard? "
" Hindi. Wala lang gusto lang namin siyang tuksuhin, ewan. "
Pinagkukurot ang asawa " kainis ka!"
Isang gabing umuwi ng Las Pinas si Ritszard nadatnan nyang nakikipagtawanan si Rizza Maine sa bisita nito may pagkakataon pang hinahagip ng lalaki ang kamay ng dalaga " ikaw talaga puro kalokohan. "
" Totoo yun, (nagtatawa) nangayari iyon sa love life ng lola ko, nagtanan sila ng lolo ko sa pison sila sumakay."
" Ang bagal-bagal kaya non! " tuwang-tuwa
" kaya nga overtake yung mga humahabol."
Nakadama siya ng Inis " hurmm.., hurmm.., "tikhim niya
Napabaling ang dalawa sa may pinto nakatayo at naka tingin siya sa mga ito
" Ritszard!" parang babaing nahuli ng asawang nanga ngaliwa biglang lumayo sa katabi.
Si Nana at si Richie nasaan? " kunot noong nilampasan ang dalawang nasa sala
Nagkakandabulol na sumagot ang dalaga " nasa banyo. "
" Sino yun? Yun ba ang kapatid ni Richie?"
" Oo."
Nang malabasan ng bata ang kuya nito agad napakarga hinagkan naman ito ng binata " ang bango naman. "
" Ang baho mo kuya daddy! Ewww! "hawak ang ilong
" Nayaya ako ng mga ka office mate ko, nakainom ng konti ." sagot nito ibinaba ang bata
" Bakit ang tagal mong di umuwi? " sumbat ng bata
" Maraming work si daddy."
Lumabi ang bata " dami work! "gagad nito di naniniwala
" Aakyat na ako tutulog na. " paalam niya parang di niya kayang tagalan ang makitang may kaharutan si Rizza Maine. Nahiga sa kama, ano ba itong nangayari sa akin?
bakit mas masakit pa yata ang makita ko siyang masaya sa piling ng iba kaysa sa break-up namin ni Salve? tanong niya sa sarili. Naipilig niya ang ulo.
Di birong pagpipigil ang ginawa niya para di bakliin ang kamay ng lalaking iyon na panakaw na humahaplos sa dalaga. Bumangon siya, nakainom siya pero di lasing kumuha ng damit pantulog bago muling bumaba para mag shower at mag tooth brush para maalis ang agiw sa utak nya, wala ng tao sa sala.
Nang lumabas siya ng banyo nasa salas na uli ang dalaga "bakit ilang linggo kang nawala? " tanong nito
Nagkibit-balikat siya " wala lang. Bakit pinaalis mo na agad ang boyfriend mo?"
Tumayo ito " lasing ka! "
" No. Nakainom lang ng konti."
" Hindi ko pa siya boyfriend. "
“ Talaga!? Bakit!?
Humugot ito ng malalim na buntong-hininga “ I like his company but... "
“  Kundi mo siya mahal wag mong sagutin di ka liligaya. " nilampasan ang babae at muling umakyat sa kanyang silid
Naiwan si Rizza Maine waring pinag aaralan ang sinabi ni Ritszard  muli siyang naupo
" Richie boy, Richie boy" habol ng matanda ang batang tunatakbo pumasok sa silid ni Ritszard
Tayo siya " Nana nakainom yun. Baka madaganan si Richie. "
" Ay ang tigas ng ulo, ikaw na nga ang kumuha."
Magkaakap na ang dalawa ng mabuksan niya ang pinto isinusi ito ng bata para hindi makahabol ang yaya. Napailing siya paano niya itong kukunin ay nasa bukana si Ritszard lumipat siya sa paanan umakyat sa kama at sinubukang alisin ang kamay na nakaakap sa bata. Bubu hatin na nya ito ng magising ang lalaki.
" Tatabi ka rin? " nakangisi muling inakap ang katabi
" Kukunin ko lang si Richie baka madaganan mo." Binitiwan naman nito ang bata pero hinila siya pahiga sa tabi nito " tulog na tayo" sabay akap.
" Ulol! lasing ka nga! " itinulak ito binuhat ang kapatid at lumabas. Di na niya nagisnan ang binata kinabukasan maaga raw umalis sabi ni Nana.
“ Nana bakit ho kaya umuwi yun? " tanong niya
“ May mga kinuhang mahahalagang papel may pag gagamitan yata."
“  Saan kaya nya gagamitin yun? "
“ Baka may balak na siyang pakasalan si Salve" Biglang napasimangot si Rizza Maine may nadamang kakaiba na di niya mapangalanan iniba ang usapan. “Nagmaneho ng nakainom? "
“ Pinagsabihan ko nga, ewan ko kung nakinig." sabi ng yaya.
“ Sana naman ho para din naman sa kaligtasan niya ang iniisip natin, bakit kaya pinabayaan ni Salveng umuwi ng nakainom ang lalaking iyon?"
“ Bakit nga ba wala si Salve?" tanong ng matanda
“ Ewan..."

Bahay BAHAYAN (COMPLETE) Where stories live. Discover now