CHAPTER 2: I HAVE A DECISION
Hel
"Kuya, a-anong ginagawa mo dito?" nauutal kong tanong dahil hindi ko inaasahang siya ang ka-text ko kanina.
"Makikipag-usap sa kapatid ko," he said.
Hindi ko nasabing may kapatid ako dahil unang una sa lahat hindi naman kami gano'n ka close. He's Maverick Arison, nagtataka lang ako kung paano niya nalaman ang about sa serial killing, eh hindi naman siya nakapag-aral sa Freyr at college na siya ngayon kaya talagang nakapagtataka kung saan niya nalaman ang tungkol do'n.
"Anong alam mo do'n sa serial killing?" i ask dahil sa dami ng tanong sa utak ko, gusto ko ng magkaroon lahat ng sagot.
"Iniimbestigahan ko rin ang kasong 'yan dahil nanghingi ng tulong sa'kin ang kaibigan kong si Balder tungkol diyan at dahil hindi naman ako sa Freyr nag-aaral ay medyo mahihirapan ako sa pag-iimbestiga kay-"
"Kaya ini-refer mo sa parents natin ang school na 'yon para do'n ako makapag-aral at makasali ako sa detective club na 'yon kung saan nando'n ang kaibigan mong si Balder, para mas mapadali ang pag-iimbestiga niyo," i-interrupt him, dahil alam kong iyon ang sasabihin niya, siya naman talaga ang may kasalanan kung bakit ako nasa Freyr.
"Matalino ka talaga, kaya kailangan kita eh, kailangan mong sumali sa club na iyon dahil mas mapapadali kung ikaw na ang mag-iimbestiga sa kaso. Masiyado na akong maraming ginagawa, kaya hindi ko na rin gaanong nabibigyan ng time ang pag-iimbestiga.
Wag kang mag-alala ibibigay ko sayo lahat ng info para mapag-aralan mo, at kung may mga tanong ka ay pwedeng-pwede mo akong tanungin.
Please Hel, isipin mo, na para toh sa mga taong balak niyang patayin, kaya kailangan niyong ma solve agad ang case para mailigtas sila sa kamatayan."Nagkaroon ng saglit na katahimikan sa pagitan namin ni kuya. Tama si kuya kailangang mailigtas sa kamatayan ang mga taong balak patayin ng serial killer.
Kahit naman hindi ako interesado sa maraming bagay ay may puso naman ako, hindi ko kayang manahimik lalo na kung alam kong may maitutulong ako kaya..."Okay."
"What do you mean, okay?" kunot noo na tanong ng aking kuya.
"Okay, i will join to that detective club," nagkaroon ng masayang expresion ang mukha ni kuya sa sinabi ko.
"Thanks Hel," pagpapasalamat niya at staka ngumiti ng matamis. Ang bilis ng mga pangyayari, first day ko pa lang ngayon sa Freyr. Pero sa tingin ko ay tama naman ang mga desisyon na ginawa ko ngayon.
"Ibigay mo na lang sa'kin ang mga files ng mga victim, at 'yong mga info about sa case para mapag-aralan ko na mamayang gabi,"said i, at staka tumayo.
"Sige sige, kukunin ko sa office ng club, do you want to come?" tanong nito na tumayo narin. Napahinto ako ng tanungin niya iyon, sasama ba ako?
Siguro mas maganda kung sasama ako, gusto ko rin namang makita at makilala ang mga makakasama ko sa detective club na iyon.
"Ah...sige kuya, sasama ako. Gusto ko rin namang makita 'yang office na yan."
Gamit ni kuya ang sasakyan ni daddy kaya hindi na namin kailangang mag-taxi.
Habang patungo kami sa office na sinasabi ni kuya ay tinignan ko ang phone ko at naka-silent pala iyon, andami ng missed calls ni mommy mukhang nalaman niya na, na tinakasan ko ang driver ko, patay kami ni kuya nito pag-uwi.Nang makarating na kami sa lugar ay bumaba na ako sa sasakyan at nagtataka ako kung bakit patungo kami sa isang condo.
"Nandito na tayo Hel," saad ni kuya, habang binubuksan ang isang condo unit.
BINABASA MO ANG
Dark(Ongoing)
Mystery / Thriller"Hel is a 17 years old girl with a bad past that causes her to avoid the people around her because she is afraid that what happened in her past might happen again. But what she doesn't know is that there are people who will change her and they will...