CHAPTER 18: A NIGHT WITH A BARTENDER PART 3
Hel
Pagkabayad ko ng bills ay nagpaalam ako kay Larrystik na may pupuntahan lang saglit at pumayag naman siya pero naiinis parin hindi ko na lang siya pinansin at agad kong sinundan yung babae na nagtanong sa nurse. Pumunta ito sa morgue.
"Ah, ma'am ano pong nangyari sa kapatid niyo bakit po siya namatay?" Naglakas loob na akong tanungin yung babae dahil hindi talaga ako mapakali.
"Sino ka ba?" Tanong nung babae habang tumutulo parin ang luha nito kakaiyak.
"Detective po ako." Pagsisinungaling ko.
"Nagbibiro ka ba?"Inasahan ko ng sasabihin niya yon.
"May mga nilalagay po kase ako sa mukha ko mga skin care kaya akala niyo lang bata pa ako. 26 na po ako."Pagapalusot ko.
"Bakit mo gustong malaman ang nangyari aa kapatid ko?"Tanong niya.
"Ah, ako po kase yung isa sa nag-iimbestiga sa kasong toh. Yung iba ko pong kasama nasa bahay ng biktima at iniimbestigahan ang crime scene. Kaya kung pwede po sana ay malaman ko ang nangyari?"Hindi ko rin alam kung saan ko kinukuha ang mga sinasabi ko. Pero iniisip ko na lang na siya ai mommy, kaya kailangan kong gawin ang lahat para makalusot.
"Nasaksak siya sa leeg kaya namatay siya. Dinala siya ng mga kapitbahay namin dito, kaya tinawagan ako ng isa sa mga kapitbahay nila at sinabi sa akin nito na nasaksak ang kapatid ko at dinala raw nila rito sa Caddel General Hospital. Kaya nagmadali akong pumunta rito sa ospital para tignan ang kalagayan niya.... Pero nahuli na ako dahil wala na siya." Umiiyak na saad ng babae. Hindi ko napansin na sa Caddel General Hospital pala namin nadala ni Larrystik yung nabangga niya.
"May hinala po ba kayo kung sino ang sumaksak sa kaniya?"
"Oo, sigurado ako ay yung asawa niya yon. Asawa lang naman niya ang kasama niya sa bahay, at minsan nasasabi rin sa akin ng kapatid ko na madalas silang mag-away nitong asawa niya." Sagot ng babae, buti na lang sinasagot niya ang tanong.
"Pwede po bang matanong ang pangalan ng asawa niya?"
"Ernesto Abalos." Nagulat ako sa sinabing pangalan nung babae. Sabi na nga ba eh, tama ang kutob ko talagang may nakapagtataka dun sa lalaking nasagasaan namin. Mukhang siya ang pumatay sa asawa niya.
"Alam niyo po bang nandito rin sa ospital yung asawa niya?"
"Huh? Anong sinasabi mo?"
BINABASA MO ANG
Dark(Ongoing)
Mystery / Thriller"Hel is a 17 years old girl with a bad past that causes her to avoid the people around her because she is afraid that what happened in her past might happen again. But what she doesn't know is that there are people who will change her and they will...