CHAPTER 19: WHO KILLED HER?
HEL
"Nakausap ko si tito Mark ang sabi niya nakausap niya na daw ang mga kapitbahay nung namatay, ang sabi daw ng mga ito nung bandang 6:30 ay nagising daw sila dahil may naririnig daw silang nag-aaway sa loob ng bahay ng mag-asawa pero dahil nasanay na daw sila na lagi naman daw nag-aaway ang dalawa ay nanatili lang sila sa kani-kanilang mga tahanan. Pero pagkalipas daw ng mga ilang minuto ay nawala na daw ang ingay, ang akala nila ay natapos na ang away. Hanggang sa matagpuan na lang daw nila si Myrna na duguan. Kaya dinala raw nila ito sa ospital at tinawagan nila ang kapatid nitong si Melissa, ang eksaktong pagkakasabi daw nila dito ay nasaksak ang kapatid niya at nasa Caddel General Hospital. Pero ng madala na raw nila sa ospital si Myrna ay dead on arrival na ito." Balder said, Melissa pala ang pangalan nung babaeng nakausap ko sa morgue at sumugod kay Ernesto.
"Sa tingin mo niyo sino ang pumatay?" Tanong ko sa apat.
"Kilala ko na kung sino." Nagulat ako sa sinabing yon ni Frigg.
"Sino?" Tanong ni Cassandra.
"Nakwento sa akin ni Hel ang lahat ng nangyari gaya na lang ng pagkabangga kay Ernesto at yung pakikipag-usap niya kay Melissa sa morgue." Saad ni Frigg, habang nag-aantay kase kami ng update kay Inspector Mark ay kinausao niya ako at yon naikwento ko sa kanya lahat.
"Eh,sino nga ang pumatay?" Tanong ni Cassandra.
"Si Melissa at Ernesto."Saad ni Frigg na ikinagulat namin
"Huh? Paano?" Pagtataka ni Cassandra.
~•~
Frigg
Sabi sa akin ni Hel kanina ng tanungin daw niya si Melissa kanina sa morgue kung anong nangyari kay Myrna ang sabi raw nito ay...,
"Nasaksak siya sa leeg kaya namatay siya. Dinala siya ng mga kapitbahay namin dito, kaya tinawagan ako ng isa sa mga kapitbahay nila at sinabi sa akin nito na nasaksak ang kapatid ko at dinala raw nila rito sa Caddel General Hospital. Kaya nagmadali akong pumunta rito sa ospital para tignan ang kalagayan niya.... Pero nahuli na ako dahil wala na pala siya nung dalhin siya dito."Nakakapagtaka dahil ang sabi ni balder ng tawagan daw ng kapitbahay si Melissa para sabihin daw dito ang nangyari sa kapatid ay wala naman daw nasabi na nasasak ito sa leeg ang sabi lang daw nung kapitbahay ay nasaksak ang kapatid niya at dinala ito sa Caddel General Hospital. And sabi ni Hel wala rin naman daw sinabi yung nurse non tungkol sa kung saan nasaksak si Myr.na ng magtanong si Melissa kung kamusta ang lagay ni Myrna ang sinabi lang daw nung nurse non ay...,
"Ah ma'am, dito nga po siya dinala pero dead on arival na po siya nung dalhin dito."
BINABASA MO ANG
Dark(Ongoing)
Mystery / Thriller"Hel is a 17 years old girl with a bad past that causes her to avoid the people around her because she is afraid that what happened in her past might happen again. But what she doesn't know is that there are people who will change her and they will...