CHAPTER 5: THE KILLER PART 2

33 25 16
                                    

CHAPTER 5: THE KILLER PART 2
(WHY ME?)

CHAPTER 5: THE KILLER PART 2 (WHY ME?)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hel

Nang makarating na ako sa bahay ay nagulat ang mga katulong namin lalo na ang driver ko dahil sa aga ng uwi ko.

"Napaaga ata ang uwi mo, at may dala kapang bulaklak" Nagulat ako kay mommy.

"Ah mom may nangyari po kaseng incident sa classroom namin kaya di-nismiss muna ang klase, tapos ito pong bulaklak ay bigay po sakin ng kaklase ko tinulungan ko po kase siyang mamili ng bulaklak kaya binili niya narin po ako." Hindi ako masyadong expert sa pagsisinungaling pero nakikita ko sa mukha ni mommy na convince naman siya sa sinabi ko.

"Incident? Bakit anong nangyari?"

"May pinatay po na kaklase namin."

" Oh nakakatakot naman iyon at talagang sa classroom niyo pa nangyari, ayos ka lang ba anak?"

"O-opo mom medyo nagulat lang po ata ako sa mga nangyarin ngayon umaga."

"Ganun ba o'sige magpahinga ka na muna sa kwarto mo at magpapatulong ako kay manang na magluto ng paborito mo para medyo gumaan gaan yang pakiramdam mo."

"Thanks mom, sige po akyat na po ako."

Medyo strikto ang mommy ko pero napaka sweet niya at thoughful kaya wala na akong mahihiling pa, lalo na ang daddy ko napaka funny niya kapag nagdidinner kami or bonding siya lang ang nagpapatawa sa aming tatlo.

Pag-akyat ko ng kwarto ay nilapag ko sa kama ko ang bulaklak na ibinigay daw ni Balder. Nagbihis ako ng damit at staka kinuha ang bulaklak may card pala na nakalagay dito at ang nakasulat ay......,

"Hi Hera Liz"

Kinilabutan ako sa nakasulat dito at staka ko kinuha ang phone ko para tawagan si Balder.

Balder: " Nabasa muna yung card na nakalagay sa bulaklak?"

Me: "Yes, anong ibig-sabihin non?"

Balder: "Yan yung letrang H He Li diba? Alam kong alam mo yun."

Me: "Paano no nalaman ang buong pangalan ko?"

Balder: "Sa kuya mo remember magkaibigan kami diba? Kanina nagtataka ako sayo kung bakit nagulat ka matapos kong sabihin ang nirerepresent ng numbers na 1.2.3 .Kaya nagtaka ako sayo kung bakit ganong ang reaksyon mo, and then nung nagkahiwa-hiwalay na tayo ay tinawagan ko agad ang kuya mo at itinanong ko sa kanya ang buong pangalan mo at sinabi niya naman agad sakin dahil sinabi kong tungkol sa imbestigasyon."

Me: "Magkita tayo Balder may mga kailangan akong sabihin sayo, kung ok lang?"

Balder: "Yes sure, sa coffee shop tayo magkita mga 1pm para makapag-lunch ka muna."

Dark(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon