CHAPTER 20: ONE TWO THREE STRATEGY
One day ago.....
Hel
Nang makauwi na ako sa bahay ay gaya ng inaasahan, sinalubong ako ni mommy at nakikita ko sa mga mata niya ang labis na pag-aalala.
"Bakit ngayon ka lang Hel? Alam mo bang halos hindi ako makatulog kakaantay sayo? Ni hindi ka man lang tumawag o nagtext? Anong silbi niya cellphone mo kung hindi naman namin alam kung nasaan o ano ng lagay mo?" Mom said at nagagalit siya ngayon sa akin pero nakikita ko parin sa mga mata niya ang pag-aalala niya sa akin.
"Mommy sorry po, nalowbat po kase yung phone ko tapos wala pa po akong dalang powerbank kaya hindi po ko nagkaroon ng pagkakataon na tumawag."
"San ka ba nanggaling? Nagpaalam ka lang naman kagabi na makikipagkita sa kaibigan ah?"
"Nakipagkita po ako sa kaibigan ko sa coffee shop and nung natapos napo kami sa pag-uusap tumawag po yung isang kaibigan ko sa akin at laseng na laseng kaya sinundo ko po siya sa bar kung nasan siya. And yung bartender po sa bar ay nag-presinta na siya na ang maghahatid sa amin dahil ang hirap po pauwiin nung kaibigan ko dahil sa kalasingan kaya pumayag na po ako na magpahatid sa kaniya. Naihatid naman po namin yung kaibigan ko sa bahay nila then nung ako na po yung ihahatid ay nagkanda leche leche na po ang lahat dahil dumaan po kami sa ibang daan dahil may naaksidente daw dun sa daraanan namin. Tapos yun po nag new turn kami tapos dun na po nawalan ng gasolina yung sasakyan ng kotse na sinasakyan namin kaya po naisipan muna naming magpalipas ng gabi sa sasakyan. And nung kinabukasan po ay nakahanap na kami ng gasolina at pauwi na po sana kami kaso lang po ay aksidenteng may nabangga yung bartender na nagdadrive nung kotse na sinasakyan ko. Kaya dinala pa po namin sa ospital." Mabahang paliwanag ko.
"Diyos ko naman Hel, pano kung masamang tao pala yang bartender na yan? Edi may nangyari ng masama sayo ngayon? Sa susunod tawagan mo na lang ako or ang daddy mo. Para kami na lang ang susundo sayo pauwi. Hindi yung tatanggap ka ng alok na ihatid ka at yung kaibigan mo ng isang taong hindi niyo naman kilala."
"Sorry po mommy, hindi na po mauulit." Paghingi ko ng tawad, si Larrystik talaga ang may kasalanan ng lahat ng toh eh.
"Ano pa bang magagawa ko? Nangyari na yan.......Basta sa susunod anak wag mo ng uulitin toh ah? Sobrang nag-aalala ako sayo, kami ni daddy mo at ni kuya mo." Mom said sabay yakap sa akin ng mahigpit.
"Yes mom i promise, sorry po kung pinag-alala ko kayo." Said i.
Pagkatapos akong magpaliwanag ay pinakain muna ako ni mom at pagkatapos kumain ay pumunta na ako sa kwarto ko para maligo at magpahinga.
Hindi ako nakapasok ngayong araw kaya sira ang perfect attendance ko. Habang sina Cassandra, Nyx , Frigg and Balder naman pinapatawag ang mga magulang nila dahil sa ginawa nilang pag-alis sa oras ng klase.
BINABASA MO ANG
Dark(Ongoing)
Misterio / Suspenso"Hel is a 17 years old girl with a bad past that causes her to avoid the people around her because she is afraid that what happened in her past might happen again. But what she doesn't know is that there are people who will change her and they will...