CHAPTER 28: SIBLINGS

18 6 44
                                    

                 CHAPTER 28: SIBLINGS

                 CHAPTER 28: SIBLINGS

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hel


"Mama hindi na naman po ako bata para ihatid niyo pa po."

"Kaya ba tinatakasan mo ko?"Mariing saad na naman ni mama.

"Hindi ko naman po ginustong gawin yon mama. Sadyang wala lang po akong choice."

"Nag-usap tayo kagabi Hel, meron kang isang buwan para patunayan sa akin na hindi ka kagaya ng ibang kabataan diyan na kung ano ano ang ginagawang kalokohan sa buhay. Tignan mo ngayon kung nasaan sila? Kaya masanay kana. Sige na sumakay ka na ng kotse."Seryoso nitong sabi.

Hindi na lang ako nagsalita pa at sumakay nalang. Hindi ko na gusto pang makipagtalo.

Nang makarating na kami sa school ay pinaalala ni mama kung anong oras niya ako susunduin. Talagang halos saktong-sakto lang yung oras ng na susunduin ako ni mama sa oras ng uwian ko.

"O'Hel? Hindi mo naman nasabi sa akin na bumalik ka na ng kinder?" Sabi ni Frigg at nang-aasar ang tono ng boses nito. Papunta na sana ako sa pwesto ko.

"Hindi mo pa ba nababasa yung chat ko? Baka maintindihan mo na ako kapag nabasa mo yon."Pikon kong sabi rito, sabay lakad papunta sa pwesto ko.

"Ah, kaya pala hinatid ka ng mama mo kase...may ginawa kang kalokohan?" Sabi nito sabay tawa ng mahina, chi-neck niya na siguro messenger niya at nakita niya na ang chat ko. Nakaupo na ako ngayon sa upuan ko at sumunod pa itong si Frigg.

"Oo, kaya kapag tinanong ka ni mama kung kayo ba ang kasama ko kahapon. Umu-o na lang kayo."

"Eh baka isipin ng mama mo masamang impluwensiya kami kapag ginawa ko yon?"

"Ako ng bahala."

"Eh sino nga ba kase yang kasama mo?" Tanong nito, na sinundan pa ng isa pang tanong na ikinagulat ko at medyo binulong niya ang pagkakasabi. "Boyfriend mo ba?"

"Basta, malalaman niyo rin kapag nalaman na natin ang lahat." Seryosong sabi ko rito.

"Huh? Anong lahat?" Nagtataka at kunot noong tanong nito. Pero nginitian ko lang ito.

"Ang weird mo, bahala ka na nga diyan. Dami mo pang sinasabi ayaw pang aminin na may boyfriend na." Hindi ko alam pero sa tingin ko nainis siya sa akin.

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang libro ko sa science at binuklat ito dahil magrereview lang ako saglit. Mamaya kase ay test na namin. Pero bago ko pa mabuklat ito ay biglang may tumawag sa akin.

Dark(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon