CHAPTER 15: One Two Three Murder

20 11 22
                                    

CHAPTER 15: ONE TWO THREE MURDER

CHAPTER 15: ONE TWO THREE MURDER

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hel

"Good morning Hel!" Nagising ako sa sigaw ni kuya sa tapat ng tenga ko, minsan talaga kapag wala siyang magawa ako ang pagtitripan niya. Kung makapantrip pa, kala mo close talaga kaming magkapatid.

"Morning." Sagot ko sa kaniya, sinira niya ang good kong morning. Ngayong lunes ay hinihiling ko lang na wag muna kaming maka-encounter ng kaso dahil hindi pa ako nakaka-move on doon sa mga nangyari nitong sabado ng gabi lang.

"Bumangon ka na diyan, kanina kapa ginigising ni manang." Aniya niya

"Oo na." Sagot ko sa kaniya at mabuti naman ay agad na siyang umalis.

Naligo ako at nagbihis. Pagkatapos ay bumaba na ako para magbreak-fast.

"Kamusta tulog mo Hel?" Tanong ni kuya na kakababa lang den.

"Bakit? Kailan ka pa naging interesado,kung maganda ang tulog ko o hindi?"

"Let's just say na masaya ang gising ko ngayon. Masama ba yon?" Aniya habang nakangiti, hindi bagay sa kaniya kapag nakangiti siya. Madalas ko kase siyang makitang seryoso.

Pagkatapos kumain ay agad na akong nagpahatid sa school.

Pagpasok ko sa school ay nagulat ako ng biglang hampasin ni Frigg ang balikat ko, nakasanayan na niya ang manghampas ng balikat sa tuwing kakausapin niya kami nina Cassandra. Ang bigat bigat pa ng kamay.

"Kamusta weekend mo?" Tanong niya sa masayang tono, bakit ba ang gaganda ng gising ng mga tao ngayon?

"Walang kabuluhan." Sagot ko, isasagot ko sana na muntik na akong mamatay pero buti nalang hindi ko nasabi.

"Huh? Ang lungkot naman ng weekend mo mabuti na lang ako masaya ang weekend ko ngayon, alam mo ba kung bakit?" Tanong niya, malay ko ba kung anong nangyari sa kaniya nitong weekend. Buhay niya yan eh tapos itatanong niya sa akin?

"Ano?"Saad ko sa naiinip na tono.


"May nanliligaw na sa akin." Masaya niyang sagot at kinikilig kilig pa.

"Yon lang naman pala."

"Bakit ba ang sungit mo ngayon?" Tanong niya.

"Baka dumating na yung prof natin, dalian mong maglakad." Aniya ko sa kaniya para maiwasan ang tanong niya. Nang makarating na kami sa classroom ay agad na akong pumunta sa upuan ko. Wala pa si Nyx ng makarating ako, bakit kaya?

Dark(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon