CHAPTER 10: NEW MEMBER?
Hel
Nasa bahay ako ngayon ni Cassandra, chi-nat niya kase ako kagabi kung gusto ko ba daw na um-attend ng birthday ng bunso niyang kapatid. Nung una ayaw ko dahil hindi naman ako mahilig sa mga gatherings, pero nalaman ko na aattend si kuya kaya naisip ko na sumama na lang.
Nagtatanong parin ako sa isipan ko kung ano ang pinag-usapan nilang apat kahapon ng mag-uwian. Ok lang naman na magtago sila ng mga bagay sa akin pero hindi lang talaga ako matahimik kakaisip.
Sana sabihin din nila sa akin yun.
"Hel, nandito ka na pala." Salubong sa akin ni Cassandra.
"O'nasan ang babe ko?" Tanong niya at talagang ina-assume niya na sila ni kuya.
"Pi-nark lang ang kotse sandali lang yun, baka nga papasok na yun eh."
"Ah kala ko kase hindi siya pupunta siya pa naman ang inaantay ng birthday boy, magkasundo kase sila eh." Hindi ko alam kung yung kapatid niyang bunso ang nag-aantay o siya. Pero nakakagulat isipin na yung kuya ko ka-close yung bunsong kapatid ni Cassandra. Marunong rin palang magpakuya ang kuya ko.
Natatandaan ko tuloy nung nasa coffee shop kami ni kuya, nung ti-next niya ako gamit ang ibang number. Dun ko lang ata siya huling napansin na nagsasabi sakin ng "Please Hel" at "Thank you". Hindi ko alam kung bakit napaka cold niya sa akin. Siguro dahil ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ni lolo. Close kase sila ni lolo non, nagkataon lang na ako ang kasama ni lolo non at siya naman ay kasama nila mommy at daddy. Pero madalas na si kuya talaga ang laging pumupunta sa bahay ni lolo.
"Buti napapakisamahan ng kapatid ko ang kapatid mo?" Tanong ko.
"Ano kaba? Napaka cute kaya nilang tignan pag magkasama, kaya nga nakakaproud. Ikaw ba? Yung kuya mo ba close din sayo?"
"Hindi." Maikli kong sagot ayaw ko mang aminin pero, nakakatuwa din yung close kayo ng kapatid mo. Kaya nga talagang iniiba ko ang topic sa tuwing tungkol na sa amin ni kuya ang pinag-uusapan.
"O'Hel, mabuti na lang pumunta ka." Nagulat ako sa narinig kong boses na parang pamilyar at nang makita ko na ang mukha niya, siya lang naman si..., Nyx.
"Kasama ka rin pala dito?"
"Ah oo kase i-ninvite ako ni Cassandra." Sumama ang tingin ko kay Cassandra dahil sa mga narinig ko. Mukhang tinotoo niya nga ang sinabi niya kahapon na kung kakaibiganin niya si Nyx ay sa mga masasarap na resto na siya makakain. Mayaman din naman sina Cassandra hindi nga lang kasing yaman ni Nyx pero napakakuripot talaga niya pagdating sa mga hang-out.
"Magkaibigan na pala kayo ni Nyx, Cassandra?" Tanong ko habang pinipilit na ngumiti sa harap ni Nyx.
"In-add friend kase niya ako sa fb kaya in-accept ko siya and then nagkausap kami,mabait naman siya Hel nakakatuwa nga siyang kausap eh. Kaya nasabi ko sa kaniya na birthday ng kapatid ko ngayon at kung gusto niyang sumama ay pwedeng pwede." Paliwanag ni Cassandra.
BINABASA MO ANG
Dark(Ongoing)
Mystery / Thriller"Hel is a 17 years old girl with a bad past that causes her to avoid the people around her because she is afraid that what happened in her past might happen again. But what she doesn't know is that there are people who will change her and they will...