CHAPTER 31
Hel
"Ikaw? Tanie? Kaibigan ka ni Cassandra hindi ba? P-paano kayo nagkakilala ni Larrystik?" Mga tanong na lumabas sa aking bibig ng makita ko siya. Naguguluhan na ako, paano ba ako nakarating sa sitwasyon na toh?
"Magkapatid kami Hel." Maikling sabi ni Larrystik na ikinataas ng mga balahibo ko. Hindi dahil sa takot, iyon ay dahil sa kaba na, nadarama ko ngayon.
"A-ano?! Magkapatid kayo? Sino ba talaga kayong dalawa ha?! Ano bang kailangan niyo sa akin?!" Mahina pero mariin ang pagkakasabi ko sa mga
salitang yon."Hel, huminahon ka. Pakinggan mo muna ako."
"I will give you 5 munites to explain your side. Kapag walang kwenta yang sasabihin mo...i'm sorry Larry o Anghelo... Pero,ayaw ko ng makita yang pagmumukha mo at yang Tanie na yan. Na sinasabi mong kapatid mo." Mariin kong sabi rito, at medyo mahinahon na ako sa mga oras na toh.
"Sinusundan na kita nung 15 ka pa lang, i'm 22 that time. Yung kapatid ko naman ay kasing edad mo rin, sinusundan kita dahil may mga bagay o tanong sa isipan ko na gusto kong malaman. May mga tanong na gusto ko ng matukdukan. Hel...wag mo sana akong kamuhian kapag nasabi ko na ang mga sasabihin ko ngayon. Please? Ipangako mo na...magkaibigan parin tayo? Hindi ko kayang mawala ka Hel. Give me a chance. Please? Ipangako mo...Hel." Sambit niya at ramdam ko ang lungkot at pagsisisi sa mga mata at sa tono ng pananalita niya. Nakikita ko na tutulo na ang luha sa mga mata niya habang sinasabi niya yon.
"Depende yon sa sasabihin mo, kung deserve na intindihin o hindi." Mariin pero mahina kong sabi sa kaniya.
"Anak ako ni...ni..."
"Ano?! Anak ka nino?! Pwede ba? Sabihin mo na nga." Naiinis kong sabi sa kaniya.
"Sundan mo ako Hel. Halika." Biglang sabi ni Tanie at kinuha ang kaliwang kamay ko at hinihila ako palabas ng simbahan. Sununod na lang ako dahil gusto kong makita ang gusto niyang ipakita.
Nagtataka ako dahil sa labas ng gilid nitong simbahan niya ako dinala kung saan may sementeryo.
"Anong gagawin natin sa sementeryo?"Tanong ko dito ng nakapasok na kami sa sementeryo. Patuloy kaming naglakad ng padiretso, staka lumiko pakaliwa. Kinikilabutan pa namna ako dahil hindi ko makagawang mag tabi-tabi dahil sa higpit at bilis ng hila nitong si Tanie sa akin. Hanggang sa huminto na siya sa paghila sa akin, ibig-sabihin ay nandito na kami sa gusto niyang ipakita. Kaya agad kong tinignan ang puntod at, tumayo ang balahibo ko lalo sa nakita kong nakalibing don. Imposible toh....
"Ayan, naaalala mo naman siguro ang pangalan at mukha nila diba? At namatay sila ng dahil sa mommy mo, pinatay niya ang mga magulang namin. Yun ang dahilan kung bakit ka namin sinusubaybayan ni kuya. Pero ng malaman namin na lumipat ka na ng eskwelahan, ay naisip ni kuyang dahilan yung kay One Two Three na sinabi ng pinsan namin para maging magkaibigan na kayo at baka sakaling makapaghanap siya ng ebidensiya laban sa mommy mo, hanggang sa hindi niya na namamalayang nahuhulog na siya sayo. Ang habol lang naman namin ay ang hustisya para sa kanila, pero dahil sayo, napalapit si kuya sa kapahamakan. Yung One Two Three nayan, pinaghahanap nila si kuya at papatayin. Hindi nila alam na may kapatid si kuya kaya hanggang ngayon ligtas ako." Sabi nito habang umiiyak at bakas sa mga mata at tono ng pananalita niya ang hinanakit at galit niya sa mommy ko. Pero hindi...hindi kayang pumatay ni mommy. At wala rin namang dahilan para patayin ni mommy ang taong toh, si lolo na tatay ni daddy ang namatay non. Kaya kung may papatay man, imposibleng si mommy...pero imposible ring si daddy.
"Baka nagkakamali lang kayo ng kapatid mo Tanie?! Anong ebidensiya niyong magpapatunay na si mommy ang pumatay sa yaya ko dati at sa kinakasama niya na sinasabi niyong nanay at tatay niyo?!" Galit at nanggagaliiti kong sabi sa kaniya. Hindi ko mapigilang sumigaw at magalit dahil, inaakusahan niya ang mommy ko sa bagay na alam kong hindi kayang gawin ng mommy ko at ng kahit sino man sa pamilya ko.
"Hel, hindi mo alam kung gaano kami naghirap at kung ano ang mga pinagdaanan namin ng patayin ng mommy mo ang nanay at tatay namin. Nakita ng dalawang mata namin Hel...kitang kita namin kung paano binaril ng mommy mo at ng mga tauhan niya ang nanay at tatay namin. Pinalaya ng mommy mo ang nanay at tatay namin sa kulungan ng hindi alam ng daddy mo. Pero hindi alam ng nanay at tatay ko na buhay pala nila ang kapalit ng kalayaan na yon." Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng mga luha niya na naging hikbi na ng tumagal. Pero hindi totoo yon, hindi magagawa ng mommy ko yon. Mas lalo akong nagagalit ngayon sa kanilang dalawa dahil nararamdaman ko na naman ang panggagamit na ginawa ng mga magulang nila sa akin nung bata ako. Tinraydor at nagpanggap ang nanay niya sa akin at ngayon sila namang dalawang magkapatid ang tumraydor sa akin? Ano toh? Pinaglalaruan ba nila ako?
"Kung ano man ang nangyari sa nanay at tatay mo, kasalanan nila yon! Dahil kung hindi dahil sa pagka-mukhang pera nila! Edi sana buhay pa ang lolo ko ngayon! Na namatay dahil sa pagkagahaman ng nanay at tatay mo!" Sinupalpal ko sa pagmumukha niya ang bawat salitang sinabi ko. Hanggang sa bigla ko nalang maramdaman ang palad niya na dumapi sa kaliwang pisngi ko, ramdam ko ang init at sakit na dala non.
"Wala kang karapatang sabihan ng ganiyan ang nanay at tatay namin Hel, wala kang karapatan. Alam mo Hel ang akala ko maiintindihan mo kami kapag sinabi namin sayo, pero nagkamali kami ni kuya. Kagaya karin ng mommy mo na nagpalaki sayo...pareho kayong maitim ang budhi at masakit magsalita. Ayaw niyong tanggapin ang katotohanan!" Gigil nitong sabi haang pinupunasan ang mga luhang pumapatak sa kaniyang mga mukha. Nagtatapang-tapangan siya sa harapan ko pero alam ko na nasaktan siya sa lahat ng mga sinabi ko.
"Tama na! Walang mangyayari kung magsisisihan tayo sa mga nangyari sa nakaraan. Kaya nga nilalabas ang katotohanan dahil gusto ko na magka-ayos at mag-usap-usap tayong tatlo. Gusto kong pare-parehas nating alamin ang katotohanan na gusto nating makamit." Nagulat ako sa pagdating ni Larry, ang kapal ng mukha nilang makipagka-ayos. Matapos sabihin ng kapatid niya sa akin na ang mommy ko ang pumatay sa nanay at tatay nila...sasabihin niya sa akin ngayon na guato niya ng tulungan?
"Hindi ako tanga Larry, narinig ko na lahat. Narinig ko na...at sapat na yong dahilan para wag kanang magpakita sa akin. Sapat na yon para kalimutan ko ang lahat ng mga pagsasama natin nitong mga nakaraang buwan. Kaibigan ang turing ko sayo...pero ginagamit mo lang pala ako."Sabi ko sa kaniya, at akmang aalis na pero bigla niya akong hinawakan sa kaliwang braso ko para pigilan sa pag-alis.
"Hel, kaya ko nga sinabi sayo dahil ayaw na kitang lokohin. Ayaw na kitang gawing tanga o gago na, naniniwala sa akin. Hel mahal kita, nung una, oo, aaminin ko na...nagpapanggap lang ako. Pero Hel...nung makilala ko yung tunay na ikaw, nahulog na ako sayo. At hanggang sa minahal na kita. Alam kong mali dahil mas bata ka sa akin, alam kong mali dahil marami akong kasalanan sayo at maging ang mommy mo sa amin. Pero Hel, mahal kita...yun lang ang alam ko. Kaya please, magtulungan tayong alamin ang katotohanan. Tulungan mo kami ng kapatid ko, at bigyan mo ko ng pagkakataon na patunayan sayong mahal kita. Hel sa tingin ko kase, hindi ko kayang mabuhay ng wala ka." Mahaba niyang paliwanag, habang tumutulo ang luha. Hawak niya parin ang braso ko ngayon at ayaw akong bitawan kahit inaalis ko na ang pagkakapit niya ron. Talagang niloloko niya ako, mahal niya ako? Pero ginamit nila ako ng kapatid niya, yun ang hindi ko matanggap. Lalo na ang pagtuturo nila sa mommy ko na pumatay.
"Kung hindi mo kayang mabuhay ng wala ako, mabuhay ka para sa kapatid mo. Sorry Larry, pero hindi ko kayang makita pa kayo, hindi ko kayang makasama ang mga taong gumamit at sumira sa tiwala ko. At lalong hindi ko kayang may sumisira ng reputasyon ng mommy ko sa akin. Sumasabog ako kapag ganon ang nangyayari Larry." Huli kong sinabi sa kaniya bago umalis ng tuluyan. Napaluhod si Larry ng mabilis na akong naglakad paalis.
Mukhang babalik na naman ang dating Hel...
BINABASA MO ANG
Dark(Ongoing)
Mystery / Thriller"Hel is a 17 years old girl with a bad past that causes her to avoid the people around her because she is afraid that what happened in her past might happen again. But what she doesn't know is that there are people who will change her and they will...