CHAPTER 29: FIRST STEP
HEL
Nasa sasakyan ako ngayon ni Larrystik ihahatid niya kase ako. Napagdesisyonan ko na dalawin si mommy kaya dun ako magpapahatid ngayon. 10:37 am na.
"Sa tingin mo Hel? Malulutas pa ba natin tong kasong toh?" Tanong ni Larrystik habang nagda-drive ng kotse.
"Oo, naniniwala ako. Malalaman rin natin ang katotohanan, nararamdaman kong malapit na." Sabi ko rito, gusto ko naring sumuko dahil apat na yung napapatay nila, nakakapanghina ng loob. Dahil wala kaming magawa para mapigilan yon.
"Sana nga."Mahinang sabi nito.
~•~
"Ano ba kase ang ginawa mo anak? Bakit nagkaganon?"Tanong ni mommy sa akin, nandito na ako ngayon sa bahay.
"Eh mommy diba alam niyo naman, bagong pamilya. Syempre may mga rules sila. Tapos yun, may nasuway akong isang rule."Paliwanag ko kay mommy.
"Grabe may pa ganon pa ba?"Natatawang sabi ni mommy.
"Oo nga po eh, kaya nga po napepreasure ako kapag kausap ko si mama eh." Sabi ko kay mommy.
"Alam mo anak, kaming mga magulang may kaniya-kaniya kaming pagpapalaki sa mga anak. Siguro hindi ka lang sanay kung paano maging nanay sayo yung mama mo kaya ganyan ka. Pero ang mapapayo ko lang sayo anak, intindihin mo na lang ang mama mo. Syempre natatakot yon na may mangyari at malayo ka na naman sa kaniya. Ako nga kahit hanggang ngayon hindi niya sinasagot yung mga text ko kapag tatanungin ko kung kamusta ka. Iniintindi ko na lang kase alam ko naman na hinding hindi ka niya pababayaan." Sabi ni mommy, kahit talaga anong mangyari ay laging napapagaan ni mommy ang pakiramdam ko.
"Pero pag sobra na masyado yung pagiging mahigpit niya sa akin?"
"Anak, lagi mo na lang tatandaan na ang swerte mo kase may mga magulang ka tapos dala-dalawa pa? Diba? Yun na lang ang isipin mo anak. Kahit para kay mommy nalang, alam mo namang bata palang ako namatay na ang mga magulang ko diba? Ni-wala nga akong kahit anong litrato nila." Sagot ni mommy sa tanong ko, tama si mommy yun na lang dapat ang isipin ko.
"Opo mommy, promise po hindi na ako mapepreasure o magrereklamo." Sabi ko kay mommy, ayaw kong nalulungkot ang mommy. Kapag naaalala niya kase yung mga magulang niya laging may luhang pumapatak sa mga mata niya. Gusto ko palagi lang kaming masaya.
"Tama, kaya umuwi ka na sa bahay niyo dahil sigurado ako na hinahanap ka na nung mama mo. Staka wag kana ulit mag cu-cutting ah? Sabi ni mommy habang nakahawak siya sa dalawang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Dark(Ongoing)
Mystery / Thriller"Hel is a 17 years old girl with a bad past that causes her to avoid the people around her because she is afraid that what happened in her past might happen again. But what she doesn't know is that there are people who will change her and they will...