CHAPTER 35: CLUE

14 4 26
                                    

Chapter 35: CLUE

Hel

It's been a month since Sean died, i never thought this would happen. Nagkakaroon na ng hinala sa puso ko na mabuti siyang tao, kung sana lang nakasama ko pa siya ng matagal.

Sa nagdaang buwan ay isa lang ang laging nasa isip ko, at iyon ang mga huling sinabi ni Sean. “O” ang huling letrang sinabi niya, alam kong Owen iyon. Kaya alam ko ng may kinalaman ang One Two Three sa pagkamatay niya.

Gusto niyang sabihin kung sino si Owen, kung dumating lang sana ako ng mas maaga. Edi sana hindi nasayang ang mga nalaman niya, sana nabigyan siya ng justice.

Nandito ako ngayon sa bahay ng lola ko, pinakilala na kase ako ng tunay kong ina sa mama niya, na lola ko. Kaya nandirito kaming buong pamilya.

Kung hindi niyo naitatanong, umalis na ako sa detective club, naisip ko kase na. Nilalagay ko lang sa panganib ang buhay ko, tahimik ang buhay ko noon. Ayaw ko ng ma involve sa kahit kanino o sa kahit anong paglutas ng krimen. Sapat na ang lahat ng nangyari para marealize ko na, tama na. At staka, may kasalanan ako sa mga kasama ko, kaya hindi ko kayang humarap sa kanila. Bukod sa hindi ko pagsabi ng tungkol kay Larry, hindi ko rin sinabi sa kanila ang tungkol sa huling letrang nasabi ni Sean, ayaw ko na rin kaseng mainvolve sila ate sa kasong iyon, delekado lang ang mga buhay nila. Sigurado akong pag nagialam pa sila ng nagialam ay sila na ang mapapahamak

Nagulat silang lahat sa naging desisyon ko, si ate halos araw araw akong hindi tinatantanan ng tanong kung bakit daw ako umalis sa club. Pero kahit ganoon ay wala pa rin akong sinasabi sa kanila.

"You know Hel? Hindi na kita kilala. Para ka nang ibang tao, wala ka ng pakialam sa kahit kanino, maging sa paligid mo," nagulat ako sa biglaang nagsalita. Lumingon ako agad para harapin siya.

"Ate, hindi mo pa talaga ako kilala, matagal na akong ganito." Ngumisi lang ako sa kaniya at staka tinalikuran siya, nasa garden ako. Masarap ang simoy ng hangin rito.

"Sinabi ko sa kuya mo ang mga nangyayari sayo, pinapasabi niya na miss na miss ka na daw ng mommy mo.  Bakit nga ba, hindi ka na umuuwi sa kanila? Isang buwan na rin ang lumipas."

"Pupunta ako sa kanila kapag gusto ko. Wala ka na bang sasabihin ate?" Naglakad ako papasok sa loob, ayaw ko ng sayangin ang enerhiya ko sa pakikipag-usap.

CASSANDRA

"Cassy! Yung ilaw namatay!" naalimpungatan ako sa sigaw ni Balder, nasa isang apartment kase kami dahil may kaso kaming iniimbestigahan. Pero teka, ano nga ulit yung sinabi niya? May namatay?!

"Ano yun Balder?! Nasaan na? Nasaan na yung patay?!" Dali-dali akong bumaba sa hagdan, sino kayang namatay?

"Anong patay? Ang sabi ko yung ilaw namatay, kaya kita sinigawan kase baka nilalamok ka, ewan ko kung anong nangyari eh, biglaan na lang nag-brown out."

"Ano?! Akala ko pa naman may patay na naman. Buti na lang naalimpungatan lang ako, kaya siguro mali ang narinig ko," grabe naman itong  tenga ko, iba't iba naririnig.

"Paano na gagawin natin? Walang ilaw?" tanong nito sa akin, aba ewan ko noh? Hindi naman ako electrician o Meralco para tanungin niya.

Dark(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon