CHAPTER 8: SIN AFTER SIN

38 21 25
                                    

CHAPTER 8: SIN AFTER SIN

CHAPTER 8: SIN AFTER SIN

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hel

3 months later:

"Hel, kala ko ba sasama ang kuya mo?" Cassandra asked.

"Ayaw niya daw eh, hindi ko naman pwedeng kaladkarin yun para sumama sa atin diba?" sagot ko.

"Kaya pa naman ako nagsuot ng magandang damit at nagpaganda ng todo dahil ang akala ko kasama siya, hayyss nakakainis naman." inis niyang saad.

"Ah kaya pala mukha kang clown ngayon, ilang layer ng foundation ang nilagay mo?" Pang-aasar ni Frigg.

"Excuse me? Hindi ako gumagamit ng foundation noh? Hindi kailangan ng mukha ko ng mga ganong bagay konting pulbo at blush on lang ang ilagay mo diyan ay napakaganda ko ng tignan. Sa bagay ganon naman talaga kapag maganda ka na diba?" saad ni Cassandra which is totoo naman dahil maganda naman talaga siya. Pero hindi ko masasabing confident siya sa mga sinabi niyang yon dahil mas masasabi kong mayabang siya sa paraan ng pagdescribe niya sa mukha niya.

"Ok." Nababagot na sagot ni Frigg, nakakatuwa rin tong dalawang toh kapag kasama mo eh matatawa't matatawa ka talaga.

"O'diba maski ikaw napa oo narin na napakaganda ko talaga? Kaya hindi malabong maging asawa ko si Mavy balang araw." Nabulunan ako sa iniinom kong tubig ng marinig ko ang sinabi niyang yon.

"Ang kapal talaga ng mukha mo, mahiya ka nga nandito si Hel oh." "Malamang nasusuka na yan sa mga pinagsasabi mo. "Eh ni hindi ka nga nililigawan ni Mavy eh tapos sasabihin mong, "Hindi malabong maging asawa ka ni Mavy balang araw."
"At staka ok ang sinabi ko hindi oo." Tama si Frigg dapat hindi muna mangarap ng mga bagay si Cassandra lalo na kung pangangarapin niya ang kuya ko dahil napakalabong mangyari non.

"Hoy hindi makapal ang mukha ko noh? Confident lang ako." Proud sa sariling sagot ni Cassandra.

"Teh iba ang Confident sa makapal ang mukha." Natawa nalang ako sa sinabi ni Frigg.

"Ah mga ate ano pong gagawin niyo rito? Iinom lang ng tubig? O magkwe-kwentuhan?" Nagulat ako sa staff ng pinasukan naming kainan, nakakahiya tuloy dahil hindi ko rin namalayan na hindi pa pala kami nakaka-order.

"Pasensiya na po, oorder napo kami. Pasensiya na po ulit." Paghingi ko ng tawad dahil sa dami ba naman ng nga costumer na gustong kumain dito yung iba nga naubusan na ng pwesto tapos kami nakaupo pero walang order, nakakahiya.

"Ok po wag nalang po sanang mauulit, unfair po kase sa iba na tini-take out na lang yung order dahil wala ng pwesto."

Dark(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon