CHAPTER 13: MEET HER MOM

29 15 13
                                    

CHAPTER 13: MEET HER MOM

CHAPTER 13: MEET HER MOM

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

HEL

Kagaya ng sinabi ko kay Inspector ay ako na mismo ang pumunta sa prisinto nitong umaga para sabihin ang mga nasaksihan ko. Nang matapos akong pumunta sa prisinto ay uuwi na dapat ako dahil si mommy ay tawag na ng tawag. Pero ito kaseng si Nyx ay gusto muna akong papuntahin sa kanila, pinagbigyan ko siya dahil may kasalanan daw ako sa kaniya kagabi. Talagang ginamit niyang dahilan yon para lang pasamahin ako sa kanila. Nagpaalam naman ako kay mommy, tinawagan ko siya at sinabing medyo mga lunch na ako makakauwi. Pumayag naman si mommy pero alam kong gustong-gusto na niya na umuwi ako.

Ngayon ay nasa taxi kami patungo sa kanila.

"Hel, nandito na tayo." Aniya niya at agad na lumabas sa taxi.

"Wow." Salitang nabitawan ko ng lumabas ako sa taxi, may Hacienda pala sila. Talaga ngang mayaman sila.

"Tara Hel." Tawag niya sa akin habang papalakad patungo sa pintuan ng kanilang mansion. Agad naman akong sumunod at nang makapasok na ako sa loob ay namangha nanaman ako sa ganda ng loob ng mansion nila. Napakapayapa sa loob ng bahay nila yung kapag pumasok ka feeling mo narerelax ka.

"Uy Hel, anong nangyari sayo at naestatwa ka diyan?" Aniya na may kasamang hampas sa balikat. Natulala kase ako sa ganda ng loob ng mansion nila.

"Ang ganda ng tirahan niyo."

"Salamat, yan din ang laging sinasabi ng mga kaklase ko o kaibigan kapag dinadala ko sila dito."

"Eh ano namang problema don? Maganda naman talaga dito."

"Buti sana kung masaya kasama yung mga tao dito, baka nasabi ko pang maganda."

"Huh? Bakit?" Tanong ko sabay upo sa couch nila.

"Napaka srikto ng nanay ko, lahat na lang ng sabihin niya kailangan gawin ko. Pero wala akong magawa kase hindi ako maka-hinde sa kanya. Alam mo bang doktor ang gusto niyang tapusin ko kahit ayaw ko."

"Strikto rin si mom pero parang yung mga karaniwang nanay lang din naman. Sweet siya maalaga, pero kahit kailan hindi niya ako pinakailaman sa gusto kong kuning larangan kapag nasa college na ako. Sinusuportahan niya pa nga ako eh." Aniya ko at talagang pinagmamalaki ko yun dahil ano namang masama kung ganun ang bilib ko sa mommy ko diba?

"Buti kapa, si mommy kase wala siya nung sweetness or ni kahit sense of humor wala siya. Napaka seryoso niya lang na tao, kaya nga sila tagumpay ni daddy sa larangan ng negosyo."

"Ginagawa lang naman nila lahat ng yun para sayo. Nag-iisang anak ka lang diba?"

"No." Nagulat naman ako sa sinabi niyang yun. Ang sabi ni Cassandra, nag-iisang anak lang daw si Nyx?

Dark(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon