CHAPTER 1: Beginning

104 34 21
                                    

CHAPTER 1: THE BEGINNING

CHAPTER 1: THE BEGINNING

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hel

DARK, yan ang word ng buhay ko, noong panahong hindi ko pa nakikilala ang mga taong magpapakita sa'kin at magpaparanas sa'kin ng mga bagay na...hindi ko inaasahan.

The Beginning

First day ko ngayon dito sa Freyr High School. Bagong mga tao, bagong environment. Dito ako pinapasok ni mommy at daddy dahil senior high na daw ako at para raw matuto na ulit akong makisalamuha sa iba dahil sa dating school kung saan ako nanggaling ay ni wala akong napakilalang kaibigan sa kanila. Kahit naman ilipat pa nila ako sa kahit anong school wala naman akong balak makipagkaibigan, kaya nga school eh, dapat nag-aaral lang.

Nasa classroom na'ko ngayon kung saan ako papasok at mabuti naman ay mabilis ko lang itong nahanap, nagtanong kase ako sa guard kanina pagpasok ko pa lang ng gate. Dahil wala akong balak magtanong sa mga estudyante dito baka pagtripan lang ako ng mga ito and also ayaw ko ring maki-pag-communicate.
Umupo ako sa upuan sa likuran kung saan wala akong katabi.

Habang naglilibang ako sa binabasa kong libro ay dumating na ang aming Prof.

"Good morning class," masiglang bati ni Prof.

"I'm Ceres Laurio, alam ko yung iba kilala na ako dahil dito naman kayo nag highschool. I'm your adviser and also a Science teacher.
So class bago ako magsimula sa pagtuturo gusto ko munang makilala niyo ang isa't isa."

Kala ko mag-uumpisa na ang klase may class inroduction pa pala.

Nagulat ako dahil ang bilis, mga dalawang tao nalang at ako na ang magpapakilala. Sa bagay hindi naman ako nakinig dahil hindi naman ako interesado sa class introductions.

"I'm Frigg Barlowe, nice to meet you classmates."

''I'm Cassandra Barlowe, magpinsan kami ni Frigg Barlowe sa father side namin kaya we have same last name. Dati akong class pressident sa class namin sa dati kong school, marami rin akong achievements na nakamit. At super love ko rin ang mga libro ni Agatha Christie at fav ko ang anime na Detective Co-"

"I'm Hel Arison." I interrupt her dahil nakakainip siya mukha kaseng balak niyang i-kwento ang talambuhay niya sa buong klase, she rolled her eyes at me but i just ignore her.

"Ok class nice to meet you all, simulan na natin ang klase. Our lesson for today is about Anatomy and Physiology," sabi ng aming prof at nakahinga na ako ng malalim ng sabihin niya iyon. Dahil ang akala ko'y ipapaliwanag niya pa sa amin ang mga school rules and reminders. Na hindi naman na kinakailangan, I'm sure 17 years old pataas na naman itong mga kaklase ko noh? Alam na rin naman siguro nila ang ibig sabihin ng tama at mali.

Habang nagle-lesson si ma'am ay nababagot ako dahil halos lahat ng sinabi ni Ms. Laurio ay nabasa ko na sa libro. Gaya na lang ng 10 main terms of direction, uri ng Cells, tissue etc.

Dark(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon