CHAPTER 4: THE KILLER PART 1 (Another Victim)
Hel
Hanggang ngayon ay palaisipan parin sa isip ko ang lahat ng mga nalaman ko tungkol sa kaso.
Paanong walang nakakita?
Ni isa man lang na nakarinig wala?
Sa bagay may sikat pa ng araw ng pinatay ang mga biktima, baka walang nakapansin ng pagsigaw ng mga naging biktima dahil maingay.Papasok na ako sa classroom ng biglang may nagkakagulo sa daraanan ko.
"Kawawa naman yan napakabait pa naman niyang tao."
"Walang awa ang pumatay diyan."
"Parang ganyan din ang kinamatay ng iba pang mga naunang namamatay na studyante ng Freyr diba?"
"Oo nga kaya nga nakakatakot na eh."
Sa sobrang ingay at gulo ng mga nakapaligid ay hindi ako makapasok.
"Hey Hel, buti nandito kana ito na ang unang beses na makikita mo ang tunay na crime scene sa kasong ito." Frigg said habang hinihila ako papasok ng classroom namin.
Pagkapasok ko sa classroom namin ay bumungad sakin ang isang duguang istudyante na wala ng buhay.
"Hahayaan ka naming obserbahan mo ang bangkay at ang paligid, i hope makakuha ka ng info na makakapagpadali sa kaso." Frigg said
Kahit hindi maganda sa mata ang nakikita ko ay nilakasan ko ang loob ko at nagsuot na ako ng gloves, pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone ko at kinunan ng litrato ang bawat paligid maging ang katawan ng biktima.
Matapos kong makunan ang mga importanteng bagay ay sinimulan ko na itong obserbahan.
Tinignan ko ang palad nito at nakita ko rin ang las-las na sulat na W kagaya rin ng nakasulat sa mga naunang biktima at sa katawan nito ay nakita ko rin ang 16 saksak.
Kagaya rin naman ng mga naunang namatay ang mga natamo niya wala paring nagbabago.
Pero ang pinaka napansin ko sa pag-oobserba ay ang rigor mortis niya dahil nakaturo ang kanyang hintuturo sa isang..,BAG
"Frigg!" sigaw ko.
"Bakit?"
"May nakita ka nabang clue?" Frigg said."Sino ang mga unang nakakita sa Krimen?" Tanong ko.
"Sa totoo lang ako, maaga kase akong pumasok kase may nakalimutan ako dito sa classroom natin. Nakita kong nakasara ang pinto pero hindi ito naka lock so ibig sabihin may tao na sa loob kaya agad ko itong binuksan at yan ang bumungad sa akin. Siya si Laraine Ebañez." Frigg explain.
BINABASA MO ANG
Dark(Ongoing)
Mystery / Thriller"Hel is a 17 years old girl with a bad past that causes her to avoid the people around her because she is afraid that what happened in her past might happen again. But what she doesn't know is that there are people who will change her and they will...