CHAPTER 33: WITH HIM
HEL
NASA L-café ako ngayon, inaantay ko si Larry. Hindi ko alam kung bakit ba ako nkipagkita sa kaniya, pero sa tingin ko kasi ay ito ang tamang gawin. Parang sinasabi ng nararamdaman ko na kailangan kong makipagkita sa kaniya.
Yung nakasulat sa code ay,
L-café. And then may nag-text sa akin na 4pm kaya pumunta ako dito ng 4pm. Nagtataka ako kay Larry kung bakit kailangang code pa.10 munites na akong nag-aantay rito pero wala pa rin akong nakikitang mukha niya. Naisipan ko na ngang umalis pero baka na-late lang siya.
"Buti pumunta ka," nagtaka ako sa boses na narinig ko mula sa likuran, parang boses babae?
"Akala ko malalaman mong hindi si kuya ang makikipagkita sa'yo, pero nagkamali ako. Hindi ka pala gan'on katalino Hel."
"T-Tanie? A-anong gingawa mo rito?" kaya ako nauutal dahil kinakabahan ako, kung siya ang makikipagkita sa akin. Bakit kailangan pa na sabihin niyang si kuya niya ang makikipagkita? Anong gusto niya?
"O? Bakit nauutal ka? Para ka namang nakakita ng multo diyan. Inakala mo talaga na si kuya ang darating? Tumawa siya na parang baliw. "Hindi mo pa nga kilala ang kuya ko, walang alam si kuya sa mga codes, hindi siya marunong ng mga detective works. Kaya nga ako ang nagma-man-man dahil ako ang may alam sa mga ganiyang bagay." Inayos niya ang buhok niyang halos matakpan na ang mga mata niya.
"What do you want?"seryoso kong tanong, maraming tao rito sa L-café kaya kung sakaling may gawin siya, may mga witness.
"Wag kang kabahan Hel, maraming tao o? Sa tingin mo ba papatayin kita sa harap nila? Ayaw kong makulong noh? Umupo siya sa upuan na dapat sana si Larry ang uupo dahil akala ko siya ang darating. Nang makaupo na siya ng maayos ay inilapit niya ng diretso ang mukha niya sa akin, at ang talim ng mga titig niya. "Dahil kung papatayin kita, hindi kita rito kikitain," kinilabutan ako sa mga sinabi niya, agad niyang inilayo ang mukha niya sa akin pero yung mga titig niya ay matatalim parin.
"Gusto ko lang na makausap ka, gusto kong makipag-ka-sundo sayo."
"Anong klaseng kasunduan naman?"kunot noong tanong ko.
"Iyong tungkol sa pagpatay ng mommy mo sa nanay ko," hindi ko nagustuhan ang mga salitang lumabas sa bibig niya kaya tumayo ako sa upuan dahil wala ng patutunguhan ang usapan nito.
"Sorry Tanie, pero wala akong time makipag-usap sa mga gaya mong nambibintang sa taong walang sala."
"Walang sala?" Napatawa siya ng mahina pero ramdam ko ang sakit sa tawa na iyon. "Bulag ka Hel, alam mo ba yo'n? Bulag ka dahil patuloy mong ipinagtatanggol iyong mga taong sinasaksak ka na ng patalikod. Hindi mo alam Hel, wala kang alam."
"Oo, hindi ko talaga alam. Oo, bulag ako. Kase ginamit lang pala ako ng kuya mo para madiin yung mommy ko sa salang hindi naman siya ang may gawa. Oo bulag na bulag ako dahil nagpauto rin ako no'n sa mga magulang niyo, kaya yo'n...namatay yo'ng lolo ko," unti unti ng tumulo ang mga luha sa mata ko. Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao.
"Kami lang ni kuya ang maasahan mo ngayon Hel, kung alam mo kang sana." Naglakad na siya paalis ng sabihin niya iyon, isang pangungusap lang ang sinabi niyang yon. Pero, parang hindi maalis sa utak ko.
Cassandra
“Cassandra anak?"
"Yes po?"
"Nitong kasing mga nakaraang araw tulala ka at ang lalim lagi ng iniisip mo. May problema ba?" nag-aalalang saad ni mommy.
"Nothing mom, i've just been stress these past few days. Ang dami kasing schoolworks, nagsasabay-sabay," pagsisinungaling ko, ang iniisip ko talaga ay iyong nga narinig ko kahapon sa bahay nila Frigg. Hindi ko kase alam kung sasabihin ko ba kay Frigg na alam ko na iyong tungkol sa pagkatao niya o hindi.
"Cassandra, i know that you have a problem. Nababasa ko sa mga mata mo na may mga bagay kang pinagpapasyahan. Nahihirapan ka bang mamili sa dalawang bagay anak?" hindi ako nakasagot sa tanong ni mommy pero ipinagpatuloy pa rin ni mommy ang pagsasalita. "Mahirap talaga ang choices anak, pero parang test lang iyan. If you think that's right go ahead and do it. Kahit na masasaktan yung taong yo'n atleast hindi ka nagsingungaling o nagtago sa kaniya." Hinalikan ako ni mommy sa ulo at pagkatapos ay lumabas na ito sa aking kuwarto.
Ano nga bang pipiliin ko? Itago kay Frigg na alam ko na, na ampon siya? O sabihin sa kaniya na alam ko na at tanungin siya kung bakit niya itinago sa akin para naman maliwanagan ang isipan ko sa kakaisip. Hindi naman talaga big deal sa akin ang mga nalaman ko, kagaya nga ng sinabi ko ay, kahit hindi ko tunay na pinsan si Frigg ay hindi mahalaga yon. Ang importante lang ay mahal ko siya bilang pinsan at kapatid ko. Hindi ko kase maintindihan ang sinasabi ng puso't isip ko.
Parang may mali na kailangan kong malaman.
Hel
"Hel? Bakit mo ako gustong makita? Na-mi-miss mo ba ako?" nang-aasar na saad nitong si Lawrence. Nandito kase kami ngayon sa Coffee express. Pinapunta ko siya dahil kailangan ko atang maglibang at ng makakausap.
"Bakit naman kita ma-mi-miss? Kamiss-miss ka ba?" masungit kong saad rito.
"Sabi ko nga, ano nga bakit ba tayo nandito? Sana uminom na lang tayo eh. Wala na nga akong tulog pag-kakapihen mo pa ako?"
"Ayaw mo non? Di ka aantukin," hindi ko alam kung nagpatawa ba ako sa sinabi ko dahil tumawa siya.
"Alam mo ikaw? Ikaw na babae ka, ikaw lang ang kauna-unahang nabwisit sa akin. Alam mo ba lahat ng babae nice at kind sa akin?" pagmamayabang niyo, ibahin niya ako sa mga babaing nakakasalubong niya.
"Inumin mo na lang yang kape, lumamig pa yan."
"Pero Hel, ano ba talagang kailangan mo at nakipagkita ka sa akin?"kunot ang noong tanong nito
"Paano ka umiiwas sa problema ng buhay?" tanong ko sa kaniya na ikina-kamot niya ng ulo.
"Simple lang, umiinom."
"Nang tubig?"kunot noong tanong ko, dahil kung y'on ang paraan magpapadeliver ako sa kaniya ng limang gallon
"Ano ka? Porket nag-dedeliver ako ng mga mineral water sa tingin mo agad dinadaan ko sa tubig ang problema? Ang ibig sabihin ko kasing iniinom ay alak. Ikaw ah?... Pa-inosente."
Bumubulong pa itong lalaking to, akala mo naman hindi ko narinig.
"Maliban sa pag inom, ano pang paraan mo?"tanong ko dito.
"Gusto mo talagang malaman?"
"Magtatanong ba ako kung hindi?"
"Tara, sumama ka sa akin," saad nito sabay hatak sa akin paalis, hindi pa ako nakakabayad ng ininom naming kape.
BINABASA MO ANG
Dark(Ongoing)
Mystery / Thriller"Hel is a 17 years old girl with a bad past that causes her to avoid the people around her because she is afraid that what happened in her past might happen again. But what she doesn't know is that there are people who will change her and they will...