CHAPTER 30: T?
Hel
Nasa mall ako ngayon kasama si Larrystik, kung nagtataka kayo kung bakit ko siya kasama. Yun ay dahil nagpapatulong siya sa akin na hanapan siya ng isusuot kase may i-de-date daw siya, diba? Nakakapagtaka na may i-de-date siya?
Hindi ko alam kung bakit ako sinama niya, pero ang sabi niya babae daw ako kaya ibabase niya daw sa opinion ko ang damit na pipiliin niya para gwapo siyang tignan dun sa date niya.
"Ano Hel? Ok naba toh? Ito yung uso ngayon alam ko eh." Sabi nito habang nakaitim na pants na tinernohan niya ng Blouse na sky blue. Natawa lang ako sa kaniya bilang sagot.
"Bakit ka natatawa? May nakakatawa ba sa mukha ko?"
"Mukha kang daddy diyan sa suot mo, eh yan ang mga pormahan ng daddy ko staka nung papa ko eh." Natatawa kong sabi sa kaniya na ikinabusangot ng mukha niya, kaya tinigil ko na ang pagtawa.
"Ok, sige palit na ako. Hanap pa ako ng iba." Sabi nito at bumalik ulit don sa dressing room.
Nandito ako sa mga damitan ng mga lalaki kaya nakakailang.
"Eh ito? Siguro naman ok na toh?" Sabi nito, wala pang dalawang minuto nakapagbihis na siya kaagad, ang bilis."
Humarap na ako sa kaniya para tignan kung ok na ba at—
"Oo, sobra ok na ok." Sabi ko rito na ikinalawak ng ngiti niya. Bagay na bagay sa kaniya, naka short sleeve shirt siya na srripe na sky blue and white tapos pants.
Nakita lalo yung ganda at laki ng katawan niya dahil sa suot niya."Buti naman Hel, nakaka sampung palit na kase ako. Salamat naman at may napili ka ng ok." Sabi nito, kasalanan ko ba yon? Hinihingi niya lang naman opinion ko diba? Tapos sinasabi ko naman.
"Eh sino ba kase yang date mo? Maganda ba? Ilang taon? Wag mong sabihing 17 year old lang ah, sasapakin kita, child abuse ka." Pabiro kong tanong sa kaniya.
"Basta malalaman mo rin mamaya. Ero hindi ko mapapangako na hindi siya 17 year old." Tinanong ko siya ng nakakaloko, kaya yon, sinagot rin ako ng nakakaloko.
"Ok na ba yan? Bayaran mo nayan don sa counter." Sabi ko sa kaniya.
"Sige wait lang, bihis lang ako ulit." Sagot nito sabay punta sa dressing room para magbihis.
Habang inaantay si Larrystik sa pagbibihis ay tumingin-tingin ako sa paligid. Andami ring tao ngayon dito sa mall ah, sabagay weekend kaya hindi ka na talaga magtataka.
BINABASA MO ANG
Dark(Ongoing)
Mystery / Thriller"Hel is a 17 years old girl with a bad past that causes her to avoid the people around her because she is afraid that what happened in her past might happen again. But what she doesn't know is that there are people who will change her and they will...