CHAPTER 3: Possible Suspects

34 27 18
                                    

CHAPTER 3: POSSIBLE SUSPECTS

CHAPTER 3: POSSIBLE SUSPECTS

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Hel

I was in my room and it's already 10 pm, usually kapag ganitong oras ay natutulog na ako but, because of this case heto pinag-aaralan ko pa tong mga files na binigay ni kuya no'ng isang araw.Gusto niyong malaman kung ano ang laman ng files? Ok fine i'll show it.

Arlene Dominggo

18

January 18 2020, 7:39 am
Her body was found dead at the band room of Freyr High School.

Ang sabi dito January 16 pa siya namatay pero hindi kase kaagad natagpuan ang bangkay niya kaya umabot ng halos dalawang araw bago siya natagpuan.

At ang sanhi ng pagkamatay niya ay ang 16 na saksak na tinamo niya sa kanyang katawan.

Habang na cu-curious sa maraming bagay ay binasa ko na ang mga susunod.

Dominic Rivero

18

April 16 2020 1:24pm
His body was found dead at the comfort room of his appartment.

Kagaya ng kinamatay ni Arlene, 16 na sasak din ang natamo niya.

Hades Swares

18

Death: July 16 2020
Found: July 16 2020 11:30 am at the back stage of Freyr High School.

Charline Sidayon

18

Death: Oct 16 2020
Found: Oct 17 2020 12 pm at the band room of Freyr High School

Catherine Baylon

18

Death: January 16 2021
Found: January 16 2921 6 pm at her appartment.

Pare-parehas silang pinatay ng labing anim na saksak sa katawan, at gaya ng nasabi ng mga member ng club kanina may mga W nga silang laslas ng kutsilyo sa palad. Sa ngayon ay lima na silang namatay at hindi pwedeng may mga sumunod pa kaya kailangan ng malutas ang kasong ito agad-agad.

Arlene
Dominic
Hades
Charline
Catherine

Tinignan ko ang mga social media accounts nila at may kakaiba akong napansin dahil napansin ko dito na may mga litrato sila na magkakasama silang lima at ang iba nila atang kaibigan na mag hang-out.

So ibig sabihin ba non ay magkakakilala ang limang toh?

Para masagot ang tanong sa isip ko ay pinuntahan ko si kuya sa kwarto niya.

Saktong kakatok na ako ay ang bigla niyang paglabas.

"Bakit gising kapa Hel?"

"May ginagawa lang, ah nga pala kuya may kailangan akong itanong sayo."

Dark(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon