Chapter 36

29 4 1
                                    

CHAPTER 36

HEL

"Apo, gising ka na pala. Halika na sa baba at pinahanda ko na ang mga pagkain para sa almusal."

"Sige po la, susunod po ako."

Naglibot libot ako sa bahay na ito, at nakakita ako ng litrato ng isang lalaki na nakayakap sa lola ko. Siguradong si lolo iyon. Ang pagkakatanda ko kase ay bata pa lang si mama nang mawalan siya ng ama. Yan ang kwento ni ate sa akin noon, mga 8 or 9 pa lang ata si mama.

"Lola, ang gwapo po pala ni lolo noh? Nakita ko po ang mga litrato niya dito sa mga nakadisplay na picture frame sa bahay," sabi ko sa lola ko ng papaupo na ako upang kumain.

"Hindi ko ikakaila iyan apo, kaya nga nagkaroon ako ng mga apong kagaya niyo ni Nyx dahil maganda ang lahi na pinagmulan ng pamilya natin." Tumawa si lola matapos sabihin iyon.

"Lola, pwede po ba kayong magkwento tungkol kay lolo? Gusto ko pong makarinig ng mga tungkol sa kaniya," nagtataka kayo kung bakit ako nag-kainterest sa lolo ko noh? Habang tinititigan ko ang lolo ko ay parang hawig ako nito, pero ako yung girl version.

"Oo naman apo, mamaya kapag natapos tayong mag-almusal. Samahan mo ako sa libangan ko na pagdidilig ng mga halaman sa hardin. Doon kita ku-kwentuhan tungkol sa iyong lolo." Ngumiti naman ako sa mga sinabing iyon ni lola.

"Bakit ka naman naging interesado sa lolo mo Hel?" biglaang tanong ni mama na kakababa lang.

"Ah wala lang po, napansin ko po kasi—"

"Yes, kahawig mo nga siya apo, pag-i-interrupt ni lola, mukhang may pinagmanahan rin si mama. Kaya magaan agad ang loob ko sayo apo, ng malaman kong ikaw si Persophone. Naaalala ko sayo ang lolo mo." Nakangiti nitong saad.

Nang matapos na kaming mag-almusal ay nakwento na nga si lola tungkol kay lolo. Hindi sinasadyang nabanggit ni lola ang naging kabit daw ni lolo noon. Malungkot si lola habang binabanggit iyon, kaya sinabi kong kwentuhan niya na lang ako tungkol kay mama, marami akong gustong malaman tungkol ka mama. Gaya na lang ng, kung bakit napakastrikto niya? Kung bakit masyado itong seryoso sa lahat ng bagay?

"Alam mo apo, iyang mama mo. Ganiyan na talaga siya mula pagkabata, hindi nagpapatalo, hindi marunong ngumiti at nakakatakot na kaaway.  Naka focus lang iyan sa pag-aaral lagi at masipag kapag may gusto siyang makamit, kaya tignan mo ngayon, nakapagpatayo ng sarili niyang Ospital.
Ayaw na ayaw niyang nanghihingi sa akin, alam mo ba ang pag-aaral niya ng doktor, hindi ako ang sumuporta sa gastusin niya roon. Siya mismo ang nagpaaral sa sarili niya. Sinasabi niya kase lagi sa akin na, sa tatay niya raw ang kumpaniya na pinapatakbo ko at pinagkukunan ko ng pera."

"Eh lola ano naman po kung kay lolo yon?" 

"Galit siya sa lolo mo, alam kase ng mama mo ang kalagayan ko nung mga panahong nagloloko ang lolo mo. Sinisisi ko ang sarili ko dahil nakita niya ang mga panahon na nahihirapan ako. Dahil don nagtanim siya ng galit sa tatay niya. Kahit na matagal na itong patay ay hindi pa rin nawawala ang galit niyang iyon," iniba ko na nga ang topic pero nadadamay pa rin si lolo? Ano bang meron sayo lolo? Bakit parang interesadong interesado akong malaman ang lahat lahat tungkol sayo?

~•~

CASSANDRA

NANDITO kami ngayon ni Balder sa isla na naikwento ko sa inyo kahapon. Maganda ang isla na ito, maganda ang tubig at ang simoy ng hangin.  Sa isla ay may malaking bahay, kung saan natagpuan ang limang bangkay, pagpasok ko sa bahay ay maganda ang loob nito kase parang makaluma. Parang bumabalik ka sa 70s.

Alam niyo ba may nalaman ako?

Gusto niyong malaman?

Private Island pala itong isla na toh, pero pinalanganan nila ah? Ang sabi ng mga nakatira rito nagngangalang Charles Heaven daw ang nagmamay-ari nito. Nagtanong tanong kase ako kanina sa mga naghatid sa amin dito ni Balder.

Habang abala ang aking mata sa pag-oobserba sa bahay ay biglang may nagsalita sa aking likuran kaya napaharap ako rito.

"Tito, dala mo na ba ang mga imbitasyon na kailangan naming makita?" tanong ni Balder kay Inspector Mark.

"Oo, eto oh." Inabot ni Inspector ang invitation kay Balder.

"Sige tito, kami ng bahala rito ni Cassy, habang tinitignan namin ito ay lilibutin na rin namin ang bahay," paalam ni Balder.

Habang nililibot namin ang bahay, si Balder ay binabasa yung invitation. Napakaseryoso niya don, nakikita ko sa mga mata niya, grabe gwapo nga talaga to— wait!! What!? Bakit nagu-gwapuhan ako dito? Hayy nako, bawal magka-crush sa friend.

"Cassy, tignan mo ito, may nakalagay sa baba ng invitation kung kanino nanggaling," sabi niya, kaya tinignan ko ito.

"Shennard Bon? Sino kaya ito? Akala ko ba hindi tukoy kung sino ang nagpadala ng mga invitation na iyan?" tanong ko.

"Posibleng, tukoy ang pangalan, pero hindi yung tao na nagpadala. Posibleng itong pangalan na toh, ginamit lang nung nagpadala nung invitations,"

"Pero, ang ipinagtataka ko Balds, kung sa sakaling papadalhan ka ng invitation na galing sa isang taong ni hindi mo kilala, pupunta ka ba  sa imbitasiyon niya?" tanong ko, kase kung ako hindi talaga eh. Lalo na't walang kasiguraduhan kung sino ang taong nagpadala non.

"Oo naman, staka tignan mo oh. Nakalagay sa invitation na free daw na magbakasyon rito ng 3-5 days, as in free yung kahit pagkain wala ka ng babayaran," inaasahan kong “no”ang sagot niya. Minsan talaga bwisit rin ang lalaking toh eh.

"Alam mo Cassy, lahat tayo may sari-sariling desisyon. Kaya ano bang pake natin kung pinaunlakan nila itong invitation? Diba? Ang kailangan nating intindihin ay kung sino ang pumatay sa kanila," tama siya, pero sino nga ba?

"Tinanong ko yung lalaking naghatid sa limang taong pinatay kanina, ang sabi niya may tumawag raw sa kaniya ng maihatid na niya yung lima rito sa isla. Ang sabi raw sa kaniya na, mag-stay daw ng limang araw yung mga tao na hinatid niya rito, kaya yon. Nung ika limang araw na tiyaka nita binalikan yung mga tao rito, and pagdating niya patay na lahat," kwento ni Balder, ano ba talagang nangyari sa limang taong iyon? Posible bang ang tumawag sa lalaking naghatid sa kanila, ay ang killer?  O posible kayang yung lalaking naghatid sa kanila ang killer? Hayy nako.

Larry

Namimiss ko na si Hel, yung pag uusap namin yung asaran, maging yung kasungitan minsan. Sana lang pinakinggan niya muna ako, sana lang hindi niya muna ako binalewala.

May kailangan siyang malaman pa. Marami pang nakatagong sikreto, na hindi ko alam at ng aking kapatid kung ano, pero nararamdaman namin na malapit ng lumabas ang lahat. Mahuhuli na ang mga may sala.

Malapit na.









Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 01, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dark(Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon