I sang malakas na lagutok ang maririnig mula sa pagkabagsak ni Zed.
"Malas pangatlong bagsak na."
Wika ng binata habang pinapagpagan ang sarili. Kahit na malakas ang pagkalabagsak sa kanya ni Vladimir ay parang baliwala lang ito sa binata.
"Ang laki na ng pinagbago mo, Vladimir!" Wikang muli ni Zed.
Ngumiti nalang si Vladimir bilang ganti.
"Sinong sunod?!" Sigaw ng binata at lumapit si Ae ,hawak ang isang mahaba-habang espada na may dalawang talim at may magarang hawakan. Binunot narin ni Vladimir ang kanyang espada na dinesenyo ni Mark,napakagandang tignan nito.
Unang umatake si Ae, napakabilis at napakalakas nito,dalawang kailangan na ma-master upang maging isang magaling na mandirigma. Isinanga ni Vladimir ang kanyang espada na para bang napakadali lang sa kanya ng atake ni Ae. Hindi nagbabago ang ekspresyon ng binata sa bawat paghampas at pagwasiwas ni Ae sa kanyang espada. Si Ae ang nagturo kay Vladimir sa pageespada at pakikidigma,ngunit ngayon ay mukhang mas magaling na siya kesa sa kanyang guro.
Patuloy sa pagatake si Ae ngunit patuloy din namang naiiwasan ng walang kahirap hirap ang kanyang mga atake ni Vladimir. Tila naiinis na si Ae dahil siyang seryosohin ni Vladimir,kaya naman mas hinusayan pa ni Ae at dahil doon ay ginamit narin ng binata ang kanyang espada bilang ngunit hindi parin ito umaatake.
"Umatake ka naman!paano tayo matatapos niyan?!" sigaw ni Ae habang walang kapagurang umaatake kay Vladimir.
"Gusto mo ba talagang umatake na ako? Hindi pa ako pinagpapawisan sa pagdepensa eh." Pagmamayabang ni Vladimir. Inihanda ng binata ang kanyang espada dahil gagamitin niya ang static charge ng kanyang espada. Hinantay niya munang magkadikit muli ang kanilang espada bago niya pindutin ang buton.
Nagdikit na ang kanilang espada at nagsusukatan sila ng lakas,ngumiti naman si Vladimir kay Ae at hindi naman alam ni Ae kung bakit ngumingiti sa kanya ang binata. Pinidot ni Vladimir ang buton at lumabas ang malakas ng boltahe ng kanyang espada,dumaloy ito patungo sa espada ni Ae at tumuloy sa katawan ng binata. Nanginig sa sobrang lakas ng kureyente ang binata ngunit alam ni Vladimir na hindi niya ikamamatay ito. Tumingin naman ang binata kay Mark na para bang sinasabi na "ayos 'tong espada mo." Ngiti nalamang ang tanging naisukli ni Mark sa kanya
Bumagsak si Ae sa lupa ngunit dahan-dahan din naman itong tumayo. Tumingin kay Vladimir,namamangha sa ipinagbago ng binata, ang dating lalamapa-lampa,mahina,at walang tiwala sa sarili ng binata ay magiging ganito kalakas.
"Ikaw ang susi,diana. Maaring nagtataka ka kung bakit si Vladimir ang pintuan... Marahil ay iyon sa iyong lahing pinagmulan." Paliwanag ni Ezra. Si Diana naman ay nalilito na,kalahati ng utak niya ay gustong paniwalaan ang mga pinagsasabi sa kanya ng binata ngunit kalahati naman ay nagsasabing paniwalaan niya.
"Ano ang tungkol sa pinagmulan ko?" Tanong ni Diana at seryoso ang ekspresyon nito. Ngumiti ang binata at tuminging muli kay Diana.
"May nagsabi na ba sayong isa ka ring shaman?gaya ng lalaking gusto mo." Nanlaki ang mata ng dalaga sa kanyang narinig,tila ba'y lalong lumalakas ang kanyang mga naglalabang saloobin.
"Hindi gagana ang bubukas ang pintuan kung ang ang susi niya ay hindi tugma. Kaya naman pipili sila ng batang babae at batang lalaki,kamatayan ang kapalit ng pagtanggi kaya naman walang tumangi. Noon isang batang babae na nagngagalang Diana rin ang kasama ni Vladimir sa seremonya. Ngunit matagal na panahon na iyon. Kamukha mo siya at kasing-ugali at parehas kayong umibig at bumigo sa mahal kong kapatid." Bumuhos ang salita mula kay Ezra. Tumawa ng malakas ang binata,at natatawa siya dahil sa windang na ekspresyon ni Diana. Sino ba naman hindi,sa isip ni Ezra.
"Pero paanong napunta sa akin ang pagiging susi na sinasabi mo?" Tanong ni Diana.
"Dahil ang sumpang iyon ay napapasa...napapasa sa isang babaeng karapat-dapat,isang babaeng matapang at higit sa babaeng kayang harapin ang sumpa." Sinusuri ng dalaga ang sarili kung kwalipikado nga siya sa mga sinasabi ng binata ngunit hindi siya kwalipikado para sa kanya.
"Lahat mg iyon nasasaiyo,Diana kaya ikaw ang napili." Dugtong ng binata.
"Kung shaman ako bakit pinatay ang mga magulang ko ng shaman?bakit nila gagawin iyon sa kapwa nila shaman?"
"Magandang tanong..." Ngumisi ang binata kay Diana at nagpatuloy na sa pagsasalita.
"Noon nagkabahabahagi ang mga shaman dahil sa paggawa ng bagay na makapagpapakawala kay Satanas. Ang ibang shaman ay natakot na pati mundo ay madamay sa gagawin nila. At pinangunahan ni Leo,ama ni Vladimir ang pagbuo ng pagkabahabahaging iyon. Hindi gusto ni Leo na magtagpo ang susi at pintuan kaya naman minabuti niyang paglayuin ang dalawa ito upang hindi magamit nino man. Ngunit talagang walang makakapigil aa tadhana." Huminto bigla ang binata at tumingin kay Diana ng diretso tinatanong sa sarili niya kung bakit kakaiba ang nararamdaman niya para kay Diana,pakiramdam na ngayon niya lang naramdaman makalipas ang napakahabang panahon.
"Ituloy mo nakikinig ako." Seryosong wika ni Diana.
"Nagkatagpo si Diana at Vladimir at sila'y nahulog sa isa't isa,patuloy nilang sinusubay-bayan si Vladimir at Diana noon. Hindi pwede ang mga nangyayari noon para kay Leo kaya naman umisip ito ng paraan... Pinagbantaan ni Leo na papatayin niya ang mga magulang ng isa pang Diana. Napilitang hiwalayan ni Diana si Vladimir dahil sa bantang ito ni Leo. Ngunit ilang linggo lang noon ay nagpakamatay si Diana. Bakit lahat ng malapit sa kanya ay napapahamak? Bakit lahat ng mahal kong napapalapit sa kanya ay namamatay?!" Naging mabangis ang mukha ng binata sa dulong bahagi ng kanyang Sinabi, kita sa mata ang galit.
"Anong ibig mong sabihin na lahat ng napapalapit sa kanya ay napapahamak?" Kunot ang noo ng dalaga,naghahanap ng kasagutan. Nagdalawang isip naman si Ezra kung sasabihin niya ba sa dalaga ang totoo ngunit nagpasya na siyang sabihin iyon kay Diana.
"Ang unang taong napalapit at nagmahal sa kanya walang iba syempre kundi ang aming ina. Anong nangyari sa kanya? Namatay siya dahil sa pagdating ni Vladimir sa bahay."
"Sino ang pumatay sa nanay mo? At bakit?" Udlot ni Diana,medyo nairita ang binata dahil sa pagiging mausisa ng dalaga.
"Ang aking ama,dahil sa selos..." Lumungkot ang mukha ng binata at nagulat si Diana sa kanyang narinig. Hindi maisip ng dalaga kung paanong nagawa ng isang asawa na patayin ang kanyang kaibiyak dahil sa napakababaw na dahilan,isa iyong kahangalan para sa kanya.
"Pero bakit si Vladimir ang gusto mong paghigantihan." Kahit wala pang sinasabi si Ezra sa dalaga ay alam niya na kung ano talaga ang nais nito, nakikita niya sa mga mata nito ang galit at paghihiganti.
"Paano mo nalaman ang nais ko?" Tanong binata.
"Dahil nakikita ko sa mga mata mo... Sagutin mo na ang tanong ko." Nagisip ang binata ng tamang isasagot,at ng totoong sagot.
"Sa totoo nyan matagal na akong humahanap ng aruga mula sa isang ina ngunit sinira iyon ng lalaking 'yon" kita ang galit sa mukha ng binata.
"Kaya naman pangako ko sa sarili ko at sa aking ina na ipaghihiganti ko siya." Humalakhak ang binata. At sumingit naman si Diana sa pagsasalita.
"Hindi ba't ang iyong ama ang dapat mong paghigantihan? Siya ang taong pumatay sa iyong ina! Hindi si Vladimir." Paliwanag ng dalaga. Bumangis bigla ang mukha ng dalaga
"Siya ang aking isusunod...pero sa ngayon ang aking pinakamamahal na kapatid muna!" Tumalikod na ang binata,tumakbo sabay lundag sa bintana ni Diana at tuluyan nang nilamon ng kadiliman,maging ang kanyang puso ay balot na ng kasamaan.
Hindi naman alam ni Ezra ang kanyang nararamdaman,masyadong mabilis ang tibok ng puso niya pagkaharap niya si Diana,kagaya iyon ng nararamdaman niya sa isa pang Diana na matagal nang patay.
' Hindi ito maari,huwag muna ngayon.' Wika niya sa kanyang sarili habang nahiga kanyang malaking kama.
BINABASA MO ANG
The Blood Prince
AçãoSi Vladimir ay isang bloodsucker,anak ni haring sutor ang hari ng mga bloodsucker at kapatid ni at kapatid ni Ezra ang nakatatandang kapatid niya, na hindi parin natatagpuan magmula ng matapos ang giyera.Mortal na kaaway ng kanilang lahi ang mga sh...