CHAPTER 7

86 1 0
                                    

    Nagsimulang mangilabot ang balahibo ko sa mga sumunod na sinabi ni Mark.

"Napagalaman ko rin na tinuturing nilang diyos si satanas.

At balak din nila itong pakawalan mula sa pagkakatali nito mula sa impyerno."Hindi ba nag-iisip ang mga shaman na iyon?wawasakin nila ang mundo dahil sa gagawin nila.

"Hindi natin alam ang takbo ng isip nila,Vlad."wala talaga akong maisekreto sa taong ito.Naamoy ko naman na dumating na si Diana mula sa pagkuha ng Brief Case sa kotse ko kaya naman nagmadali akong pumunta sa kanya.

Nakita ko namang blanko ang ekspresyon niya.

"Binuksan mo ba ito?"tanong ko.

"Hindi."tipid na sagot niya.

"Good."agad ko namang kinuha ang cellphone ko at iniabot ko iyon sa kanya.Kumunot ang noo niya.

"Ano yan?"

"Ano pa ba cellphone,wala ka bang cellphone?"Medyo nagulat naman siya sa sinabi ko.

"I mean anong ibig sabihin ng pag-abot mo sa akin ng cellphone mo."Sabay simangot,tatanda ka nyan loko-loko.

"Mukha ka namang walang cellphone eh,iniaabot ko ito sa 'yo para magpadeliver ka nalang ng pizza,alam ko namang gustong gusto mo ang pizza."nagliwanag naman amg kanyang mukha dahil doon at kinuha niya naman amg cellphone ko.Mabilis ko namang tinungo ang lihim na kuwarto ni Mark.

"So tuloy na natin?"bungad niyang tanong at agad din naman akong tumango.

"Nasaan na ba tayo?"

"Tungkol doon sa pagpapakawala kay satanas."

"Ahh oo,May hinala akong kaya hinahabol nila si Diana ay dahil malaki ang magiging papel niya sa pagpapakawala kay satanas.Nabalitaan ko kasing kailangan ng iaalay na dugo ng shaman at isang immortal upang mabuksan ang pintuan ng impyerno at mapakawalan si satanas. "Desperado na talaga silang wasakin kami.Noon paman din talaga ay gusto na nilang gawin 'yon pero bago nila gawin iyon uunahin ko na sila. Pero bakit nadamay si Diana dito?hindi naman siya shaman isa lang siyang normal na tao.

"Iyong ang inaalam ko ngayon,"

"Kaya hanggat hindi ko pa alam ang lahat tungkol kay Diana dapat mong ingatan si Diana,higit sa pag-iingat mo sa sarili mo.Alam ko rin na sumira ka na sa kasunduan ng lahi natin kaya may dahilan na silang lumikha ng gulo sa lahi natin."haist,oo na wala na akong maisesekreto.

"Sana wag mo itong ipapaalam kay sutor/max."Sabay ngisi kahit hindi ako gaanong tiwala sa kanya.Wala akong magagawa kundi ang pinagkakatiwalaan siya. kahit na kalahi ko siya hindi ko parin mapigil ang huwag magtiwala.Dahil hindi mo alam ang nasa isip ng bawat isa. Maaring ring tiwala ang magpabagsak sayo,sa akin at sa ating lahat  gaya ng ibang mga tauhan sa mga hollywood movies,Ibibigay ng buo ang tiwala pagkatapos ay tatraydurin siya ng pinagkawalaan niya iyon ay isa sa kinatatakutan ko.

"Wag kang mag-alala mapagkakatiwalaan mo ako." wika ng nakangiti sa akin at ngiti din ang isinukli ko sa kanya.

"Aasahan ko iyan."

"Kaya nga ibinigay ko sa 'yo yung espada kasi alam kong hinding-hindi mo papabayaan ang mga shaman na wasakin tayo."seryoso siya sa kanyang mga sinabi.

"At kaya ko 'yan ipinadala dito ay para lagyan yan ng security features."saad niya habang nakatingin kung saan nakapatong ang brief case na pinaglalagyan ng espada.

"Tanging ikaw na lamang ang makakagamit ng espadang iyon kapag nalagyan ko na iyon ng security features."wika na tila ba nae-excite

"Anong security features naman ang ilalagay mo?"tanong ko habang nakakunot ang nol medyo hindi ko nakuha amg sinasabi niya.

The Blood PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon