CHAPTER 13

27 1 0
                                        

     W ala pang sampung milya ang layo mula sa bahay ni Zed,patuloy parin ang paghahanap kay Vladimir ng mga Royal guards.

'Malaking isda 'to kung magkakataon.' Nakangiti si Blye habang naiisip ito. Seryoso naman ang apat pa niyang kasama sa hindi alintana ang magiging panganib.

Hindi pa man sila nakakalayo ay biglang sumabog ang gulong nila.

"Bwisit!" Sabay hampas sa manebela.

"Mukhang nasabugan tayo ng gulong." Agad silang naglabasan upang tignan ang gulong at nagulat sa kanioang nakita. Wakwak ang gulong nila na mukhang sinaksak ito. Tumingin sila sa loob ng gulong at nakita ang isang maliit na dagger doon. Naamoy na panganib ang mga Royal guard kaya bigla silang umalerto.

"Talasan n'yo ang mga mata niyo,mukhang nakapaligid lang sila." Nanlaki naman ang mga mata nila ng maka-amoy sila ng mga Shaman. Lumitaw na ang mga ito mula sa kanilang pinagtataguan. Nakangiti. Handang pumatay. Nagpakiramdaman ang magkabilang grupo. Nakakaamoy ng pagdanak ng dugo ang bawat isa sa kanila. Matira ang matibay. Apat sa apat ang kanilang  laban. Hindi na nagulat ang shamang pula ang buhok ng unang umataki ang Bloodsucker na kalbo. Agad niyang naisanga ang kanyang kamay sa pag-atake at napakalakas ng pag-atakeng iyon. Hindi ininda ng shaman ang pagatake bagkus ngumiti lang ito,isang madilim na ngiti at sumipol siya. Nagtaka naman ang mga  bloodsucker sa ginawa ng shaman. Huli na ang lahat ng malaman ng Bloodsucker na may Halimaw na paparating sa likod niya, isang Gryphon. Dinagit ang bloodsucker na 'yon at hinati sa gitna habang nasa ere. Nangatakot ang mga bloodsucker sa kanilang nakita at pinipilit isipin kung paano naging ganoon kalakas ang halimaw na 'yon. Hindi nila gustong ipakitang takot sila kaya naman umatake na sila,inilabas na rin nila ang kanilang mga sandata upang maging mas madali sa kanilaang pakikipaglaban. Isa isa ring pinalabas ng mga shaman ang kani-kanyang mga halimaw. Ang bawat isang  halimaw ay nakasisindak ang hitsura. Maging ang mga taong nakapapanood sa kanila ay nangatakot din. Hindi nila gustong may makakita pa ng kanilang labanan kaya't sinakyan agad nila ang kanilang mga halimaw at nagteleport,nasama rin doon ang mga Bloodsucker na nagtataka sa kung ano ang nangyayari.

"Anong ibig mong sabihin sa totoong pagkatao ko?" Kunot noong sinabi ni Vladimir.

"Una sa lahat gusto ko munang magpakilala. Ako nga pala si Leo."

' Ang ama ko...siya nga kaya 'yon pero ang sabi shaman at bloodsucker ang kaharap kong ito,mukhang malabo iyong mangyari.' Wika ni Vladimir sa kanyang sarili.

"Isa kang kalahating shaman, Vladimir." Wika ni Leo. Tila hindi naman nabigla si Vladimir sa kanyang narinig.

"Kani-kanina lang ay narinig ko na iyan. At teka paano mo alam ang pangalan ko? Nagkita na ba tayo?" Hindi na rin nabigla si Leo na narinig niya na kalahating shaman si Vladimir dahil napanuod niya rin ang video ni Max.

"Dahil ako ang nagbigay sa 'yo ng pangalang iyan." Nanlaki naman ang mata ni Vladimir sa kanyang narinig. Nakuha niya agad ang ibig sabihin ni Leo.

"Paanong...pero ang sabi Shaman ang ama ko?" Ngumiti naman si Leo sa kaniya.

"Pero Bloodsucker naman ang ina mo." Mukhang nakuha naman ni Vladimir ang nais iparating ni Leo.

"So... Kinagat ka niya?" Nagtataka talaga si Vladimir.

"Parang ganon na nga." Seryosong sagot ni Leo,At yumakap siya kay Vladimir sabay hagulgol ng iyak. Pinabayaan nalang ni Vladimir na yumakap sa kanya ang kayang ama.

The Blood PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon