N agmamadali namang naglalakad ang lalaking nakamaskara patungo sa isang kuwartong mga limampung metro amg layo.Madilim ang dinadaanan niya dahil tanging mga kandila lang na nakasabit sa pader ang nagsisilbing ilaw ng lugar na iyon.
Pagpasok niya sa kuwarto ay nakita niyang nagwawala at nagpupumilit ng kumawala sa pagkakatali ang isang lalaking nakamohawk ang gupit ng buhok. Pumunta naman siya sa tapat ng lalaki at inobserbahan niya ito.
"Ganap ka na ngang bloodsucker."
"Nauuhaw ka ba?"tanong ng lalaking nakamaskara at hinihipo-hipo nito ang pisngi ng lalaki. Para namang maanong tutang tumatango-tango ang lalaking nakamohawk.
"Kumuha ka ng manok."utos ng lakaking nakamaskara. Tila natawa naman ang isang lakaking nakahood dahil sa Sinabi ng lalaking nakamaskara. Tumitig ang lalaking nakamaskara ng masama at Nakaisip na isang magandang paraan upang turuan ng leksyon ang lalaking iyon.
"Alam mo bang wala kaikaibigan,kalakalahi,kamagkamag-anak ang isang bloodsucker na uhaw sa dugo?" Wika ng lalaking nakamaskara sa lalaking tumawa sa kanya kanina. Sa isang iglap ay nasa hawak na ng lalaking nakamaskara ang lalaking nakahood. Nagulat naman ang apat pang ibang shaman dahil sa ginawa ng lalaking nakamaskara. Hindi na nagdalawang isip ang lalaking nakamaskara at mabilis siyang lumapit sa lalaking nakamohawk at itinapat ang leeg ng lalaking nakahood sa ilong ng lalaking nakamohawk. Singhot-singhot naman ito ng lalaking na para bang asong inaalam kung masarap ba ang kakainin niya.
"Dennis wag,"takot na babala ng lalaking nakahood habang hawak-hawak parin siya ng lalaking nakamaskara.
"Dennis wag!!" Wika nito bago sakmalin ni Dennis. Umalingawngaw naman sa kuwarto ang sigaw ng kamatayan. Napatakip naman ng bibig ang iba pang shaman na naroroon dahil sa karahasang kanilang nakita. Unti-unting bumagsak sa lupa ang patay na katawan ng lalaking nakahood. Maputalang mukha ng lalaking iyon dahil sa pagkaubos ng dugo. Sindak ang nanaig sa buong kuwarto dahil kanilang nakita.
"Yan ang aabutin ng haharang sa akin." Wika niya. Lubhang natakot ang mga shaman na nandoon dahil sa nakita nilang bangis ng isang bloodsucker.
"Ngayon alam nyo na kung gaano sila kalakas at kabangis." Palibhasa'y hindi pa nakakasabak mg digmaan ang apat na iyon kaya naman hindi pa sila nakakakita nf bloodsucker sa talambuhay nila. Isa lang ang alam nila kalaban nila ang mga bloodsucker.
"Matutulad sa ulupong na iyon." Sabay turo sa walang buhay ng katawan ng shaman na pinatay ni dennis kanina.
"Ang sino mang magbabanggit ng nangyaring ito kahit kanino man,tandaan nyo yan." Pagbabanta ng lalaking nakamaskara. Mabilis siyang tumalikod at naglakad palabas ng kwarto na para bang walang nangyari. Hindi kalayuan ay may maamoy siyang matagal niya nang hindi naamoy,isang pamilyar na amoy. Tinahak niya ang pinangagalingan ng amoy na iyon.'kung hindi ako nagkakamali amoy ni vladimir iyon,pero bakit may kasamang dugo akong naamoy?.' Tanong ng lalaking nakamaskara sa sarili niya habang naglalakad sa iaang mahabang pasilyo. Nasa dulo ng pasilyo na iyon ang pinagmumulan ng amoy,malapit na siya doon kaya't lalo niyang binilisan ang paglakad.
Pagpasok niya nakita niyang may isang lalaking duguan ang nakahiga sa isang kama. May tatlong "healer" na shaman ang nakapalibot sa lalaking iyon. Ang mga healer shaman ay mga shaman na may kakayahang nakapanggamot gamit ang mahika.
"Gamitan niyo ng mahika." Wika ng isang lalaking balot ng tatoo ang malaki nitong katawan,hindi lang basta tatoo ang nakatatak sa katawan nito para itong mga simbolong ginagamit sa itim na mahika at may mapapansin ka rin ditong mga kakaibang letra.
"Pasensya na pero kung gagamitan namin siya ng mahika baka hindi niya kayanin masyado ng mahina ang katawan niya para tangapin ang isang mahika."kawalang pag-asang tugon ng pinuno ng mga healer shaman,mapapansin mong iyon ang pinuno ng mga healer shaman dahil tanging siya lamang ang may kulay puti na may itim damit,samatalang ang mga alalay nito ay naka kulay itim na may puting damit,yin at yang.

BINABASA MO ANG
The Blood Prince
ActionSi Vladimir ay isang bloodsucker,anak ni haring sutor ang hari ng mga bloodsucker at kapatid ni at kapatid ni Ezra ang nakatatandang kapatid niya, na hindi parin natatagpuan magmula ng matapos ang giyera.Mortal na kaaway ng kanilang lahi ang mga sh...