D adalhin ko si Diana sa isang maliit na bayan isang liblib at tagong lugar tatlong oras na biyahe mula sa bahay. Alam kong gutom na siya dahil sa haba ng biyahe kaya't huminto kami sa isang conveniet store upang mag stop-over. Agad naman kaming natapos sa pagkain doon,halos lahat ng nandoon ay bloodsucker,at ang lahat ng nakita kong bloodsucker ay yumuko ng nakita nila ako. Royal blood e. Ilang minuto lang na pagmamaneho pagkaalis namin sa convenient store ay natanaw na ang isang ilusyon,at na humaharang upang hindi agad makita ang bayan ng mga bloodsucker,bayan kung saan nagmula at lumawak ang lahi namin,nagmumukha lang na mga puno ang ilusyon na iyon kaya't mahirap mahalata ko iyon,mahirap talaga mahalata iyon malalaman mo lang na isang ilusyon iyon kapag nakapasok kana sa loob nito. Ipinasok ko sa loob ng ilusyon na yon ang sasakyan upang walang mapansin sa labas at nagulat si Diana nang makapasok kami sa ilusyon na yon.
"Ano to ibang dimensyon?" Takang-takang tanong ni diana. Isang ngisi lang ang isinukli ko sa kanya. Pagpasok namin sa lugar na iyon agad na bumati sa akin ang isang lalaki
"Magandang hapon kamahalan." Nginitian ko lang siya bilang ganti.nagyukuan naman ang ibang nang dumaan ang kotse ko sa kanila.
"Kamahalan?ibig sabihin royal blood ka?" Nakuha mo!
"Yup..."nakita ko naman ang pagkamangha sa mukha niya dahil mga sinabi ko. Sabay ngiti sa kanya.
"Hindi parin ako naniniwala." Sabay simangot. Tatanda ka nyan loko.Agad akong bumaba ng sasakyan at pinagbuksan siya ng pinto. Malaki ang respeto ko lalo na sa mga babae. Syempre may rin nanay ako,kaso ngayon wala na siya,at sa tuwing makakakita ako ng magnanay na sobrang close sa isa't-isa hindi ko maiwasang maingit.
"Diba gusto mong patunayan kong bloodsucker ako, hindi ba?pero bago yun sagutin mo muna ang tanong ko."panimula ko sa kanya.
"Ano yun?"naaatat niyang tanong,
"Kung sakaling mapatunayan kong bloodsucker ako...ano ang magiging reaksyon mo?i mean wala bang magbabago sa atin,sa samahan o pagkakaibigan natin kung sakaling hindi nga ako normal na tao?"binigyang diin ko ang salitang mormal sa tanong ko.
"Hmm...hindi naman tayo magkaibigan ahh...Boss kita"ang sagot niya .
"Edi mula ngayon ituring mo na akong isa mong kaibigan." At ngumitibsa kanya.
Wala naman akong pakialam kung ano ang magiging reaksyon niya gusto ko lang malaman kung pandidirihan niya ako ba ako o tatangapin niya ang pagkatao ko.
"Magiging reaksyon ko?siguro kukuha ako ng larawan mo at magpapa-authograph ako sa yo tapos ipagyayabang ko kay elise na nakakakita ako ng real life bloodsucker,alam mo isa kasi akong die hard fan nyo." naiwan namang lalaglag ang panga ko dahil sa mga sonabi niya ngayon lang ako nakakita ng taong ganito.
"Nakakita ka kamo mg real life na napakagwapong bloodsucker."bulong ko.
"May sinasabi ka?"
"Ang sabi ko hindi ka ba natatakot?na baka biktimahin kita?napakabango pa naman ng dugo mo,nakakaakit." wika ko habang papalapit ako ng papalapit sa kanya at paatras siya ng paatras sa hanggang sa wala na siyang maatrasan. Nababakas naman sa kanyang mukha ang takot. Inilapit ko sa kanya ang mukha ko at ibinulong ko.
"Biro lang..."isang hampas ang dumampi sa dibdib ko matapos kong sabihin ang mga iyon.
"Wag kang maalala matagal ng naming tinigilan ang pambibiktima ng mga tao." sabay ngisi sa kanya,isang nakakamatay na tingin ang iginanti niya sa akin.
"Mga isangdaang taon lang naman."
Mas lalong kumunot ang noo niya.
"Talaga lang ha?"
"Okay simulan na natin?"isang maikling tango naman ang ibinigay niya at naging seryoso na ang lahat ng susunod nangyari. Dahil malakagubatan ang lugar naisipan kong pataguin siya kahit saan. Mas madali iyon dahil masyadong mabango ang dugo niya.
"Ganito... Magtago ka sa kahit saan mo gustong magtago at hahanapin kita. Ano game?may limang minuto ka para magtago." mukha namang interesado siya sa mga sinabi ko.
"Eksperto ako diyan." makikita natin. Bago pa ako magbigay hudyat ay agad na siyang tumakbo palayo.mandurugas.
"Umaawit ang aking pakiramdam kapag naamoy ko ang dugo niya kamahalan." isang lalaki ang lumabas mula sa dilim. Si jonas. Matagal na ng magpasyang maging alalay ko siya jonas. Naalala ko noong halos gulay na ng matagpuan ko si jonas sa isang masangsang na lansangan. Halos buto nalang siya noon ng makita ko siya at kahabaghabag talaga ang hitsura niya. Naglumapit ako sa kanya at nagtanong napagalaman kong iniwan pinaslang at inaalay ng mga shaman ang kanyang pamilya at binigyan siya ng isang walang lunas na sakit saka iniwan sa kalsadang iyon. Nang marinig ko iyon tinanong ko siya kung gusto niyang maipaghiganti ang kanyang pamilya at tumango siya. Sinabi ko sa kanyang kaluluwa niya ang kapalit noon at matapang siyang tumango. Hindi ako nagdalawang isip na kagatin ang leeg niya pero hindi ako sumipsip ng dugo tanging kamandag lamang ang ibinigay ko sa kanya. Mula noon napagsya siyang sumama at maglingkod sa akin,at mula rin ng araw ng 'yon hindi na ako kumagat ng tao.
Natapos na ang limang minuto ni Diana upang magtago. Suminghot ako sa hangin upang malaman ang lokasyon niya.
"Nasa ibabaw siya ng puno ng balete." wika ni jonas sa aking likod.
"Magaling jonas."papuri ko kay jonas. Nasasanay na siya ngayon gamitin ang kakayahan niya. Agad-agad akong tumakbo ng mabilis napakalapit lang ng pinagtaguan niya. Mabilis huminto sa ibaba ng pinatataguan niya. Narinig ko naman ang bulong niyang"bakit ang bilis niyang nakarating dito?" sa isang iglap ay napunta ako likura niya at nataranta siya. Kinalabit ko siya at nagulat siya at na-out of balance siya. Agad naman akong tumakbo pababa upang saluin siya. Nakita ko namang pinamulahan siya ng mukha ng magkatitigan kami,type ako nito pistahan sa guwapo ko ba naman ito ehh. Tutal mababa nalang naman bumitiw ako sa pagkakahawak sa kanya.
"Ang sama mo talagang tao ay mali,ang sama mo talagang bloodsucker ka!" humalakhak ako ako ng malakas dahil sa sinabi niya.
"Ayus na bang patunay yung?"sabay ngiti sa kanya na nakalabas ang pangil. Tumango-tango nalang siyang parang aso bilang sagot. Nakakatawa ang reaksyon niya. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila ko siya pabalik sa puwesto namin kanina. Ngayon ko nalang uli nasilayan ang ganda ng bayan namin. Binitiwan ko na siya ng mapagtanto kong nakakahiya pala ang ginagawa ko. Para mawala ang pagkahiya ay huminto ako at tinanong ko siya.
"Hindi ka ba natatakot sa akin?"
"Hindi ."sagot niya ng hindi tumitingin sa akin. Ilang segundo ang dumaan bago siya nagsalita.
"Ikaw...Ano bang kinatatakutan mo?"tanong niya sa pagkakataong ito tumngin na siya sa akin.
"Ako? Takot akong matakot...ah!meron pang isa takot ako sa Diyos." parang naguluhan naman siya sa mga una kong sinabi dahil sa reaskyon niya.
"Ibig kong sabihin sa takotakong matakot ay ayaw kong ipakita sa iba na takot ako,na mahina ako."at gumuhit na nga sa aking mukha ang kalungkutan. Nakita ko rin na lumungkot ang mukha niya.
"Infairness, ngayon ko lang nalaman na may takot pala kayo sa Diyos."
"Masama lagi ang tingin sa amin ng mga tao,sabagay may karapatan naman kayong gawin yun dahil sa mga kasamaang ginawa namin sa lahi niyo. Pero matagal ng panahon ng pagsisishan namin iyon,maniwala ka."
"Sa tingin ko kailangan na nating umalis...,tara na?" aya sa akin ni Diana. Nagpatuloy kami sa paglalakad hangang sa makarating kami sa pwesto namin kanina. Nandoon parin si Jonas matiyagang nagaabang,maayos ang postura, at isang ngiti ang isinalubong niya sa amin ngunit mabilis itong ding napawi ang mga ngiti niya sa labi.
"Masamang balita,kamahalan. May hindi pa kilalang bloodsucker na nangugulo at gumagala sa syudad." Sino naman kaya iyon?sinong bloodsucker ang lalantad sa publiko upang sabihin na bloodsucker siya?
"Baka isang shaman lang na nagpapangap na bloodsucker?" Tila sinampal sa akin ang sinabi ko nang maalala ko si Dennis,hindi kaya si dennis ang sinasabi ni Jonas? Pero paano?at sino naman kaya ang nagturo na kontrolin ang sarili niya?hindi ko rin alam.
"May problema ba?kamahalan."dapat ko bang sabihin to kay jonas? May tiwala ako sa kanya.
"May sasabihin ako sayo jonas,pero wag muna ngayon." Sana'y maintindihan niya.

BINABASA MO ANG
The Blood Prince
ActionSi Vladimir ay isang bloodsucker,anak ni haring sutor ang hari ng mga bloodsucker at kapatid ni at kapatid ni Ezra ang nakatatandang kapatid niya, na hindi parin natatagpuan magmula ng matapos ang giyera.Mortal na kaaway ng kanilang lahi ang mga sh...