CHAPTER 17

18 1 0
                                    

U nang lingo ng pagsasanay,at maagang naghanda si Vladimir upang magsanay. Madilim pa ang kapaligiran, at mahamog pa ngunit nagsasanay na si Vladimir. Pinipilit alalahanin at gawin ang itinuro ng kanyang ama noong nakaraang araw.

Tumatakbo siya habang hawak-hawak ang kanyang malaking espada. Ang mga puno ang puntirya niya, at iniisip niyang totoong kalaban ito. Pumikit at Huminga ng malalim si Vladimir habang sinasabi sa sarili ang mga katagang "Alerto" "pasensya" "focus" at"dahilan ng pakikipaglaban"

Dumilat siyang muli at ang mga mata niya ay tanging si Sutor lamang ang nakikita niya. Nakahawak ang isang espada at nakatutok sa kanya. Puno ng galit si Vladimir,matinding poot ang nanunuot sa kanyang puso. Nagsimulang atakihin ng binata ang imahe ni Sutor. Nagkahati-hati naman ang mga puno sa ginagawang paghampas ng binata,napakatalim ng espada nito. Tila napakadilim ng aura ng binata,wala siyang ibang nais kundi ang mapatay ang imahe ni Sutor,masyado siyang nadadala ng kanyang galit. Sa isip ni Vladimir ay nakikipaglaban din sa kanya ang imahe ni Sutor. Sinasanga ang kanyang mga atake at tinatawanan ang bawat niyang palo.

Sa isang mataas na puno limangdaang yarda ang layo kay Vladimir ay nakatago si Zed nakatingin sa lente ng kanyang sniper,nakatutok sa binata. Kita niya ang pagiging kakaiba ng binata. Tila wala ito sa bait habang pinagpuputol ang mga puno. Sina mark,ae,aebie at ow ay nasa bahay na ni Leo,balak nilang bisitahin ang binata. Medyo mahirap makita si Vladimir dahil sa hamog ngunit patuloy parin si Zed sa pagsubaybay sa binata. Pinutok niya ang kanyang sniper na nakatutok kay Vladimir. Bago dumating sa binata ang bala ay nagpalit ng anyo ito,isang asong lobo,malaking asong lobo na kayang tumayo gamit lamang ang dalawang paa,at sinalo niya ang bala. Galing iyon sa likuran ng binata kaya't lumingon ang lobong Vladimir sa likod,inaamoy ang paligid,hinahanap ang nagpaputok ng baril.

Isa sa kakayahan ng mga Bloodsucker ngunit natural iyon sa mga shaman.Ang pagpapalit ng anyo sa mga bloodsucker ay bilang sa daliri lamang ang may kaya. Kung bloodsucker ka aabutin ka ng ilang minuto bago makapagpalit ng anyo ngunit kung ikaw naman ay shaman isang iglap lamang ang kailangan para sa prosesong iyon.

'Ngayon sigurado na ako.' Sa isip ni zed.

Nakita na ng binata ang kinalalagyan ng bumaril at alam niyang si Zed iyon. Samantala mangha naman si Zed sa ginawa ng binata,may halong ingit dahil hindi niya pa kayang gawin ang technique na iyon. Lalong namangha si Zed ng tumingin na ang lobong Vladimir sa kanya. Iniisip niya na kahit lobo ni Vladimir ay guwapo parin itong tignan. Napakatikasng tayo ng lobong iyon at matalim ang tingin sa kanya,at namangha siya sa bilis ng pagpapalit nito.

Bumalik na sa pagiging anyong tao muli si Vladimir,hinugot ang kanyang maliit na patalim at ibinato ito,eksakto sa kinalalagyan ni Zed. Halos muntikan ng tamaan ang binata dahil sa bilis ng pagkakabato ng binata. Tumama lamang ito bandang kaliwa ng kanyang uluhan,nakabaon sa puno ng kinalalagyan niya.

"Balak niya ba akong patayin..." Wika ni Zed.

"Huwag mo sabihing hindi mo ako balak patayin kanina?" Nataranta si Zed ng marinig si Vladimir sa kanyang likuran.

"Pa...paano ka napunta diyan?" Natatawa naman si Vladimir sa reaksyon ng binata at sumagot ng,

"Telport?" Sagot ng binata,Bumungis naman si Zed.

"Huwag mo nga akong lokohin...matagal na tayong magkakilala niloloko mo parin ako."

"Hindi kita niloloko." Maigsing tugon ng binata.

"Edi wow! Hindi totoo ang teleportation,Vladimir. Sa mga fictional books lang 'yon." Natatawa ang binata habang sinasabi ang salita iyon.

"So paki-explain nga kung paano ako napunta dito ng isang iglap limang-daang yarda ang layo sa'yo..." Natahimik si Zed,nag-iisip ng kanyang isasagot ngunit wala siyang maisip.

The Blood PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon