N apunta sila blye at ang mga kasama niya sa isang lugar na hindi nila alam, wala silang ideya kung ano ang kakaharapin nila. Maladesyerto ang lugar na 'yon at walang bakas ng buhay. Malakas ang ihip ng hangin dahilan upang maging maalikabok ang lugar. Natatanaw nila ang grupo ng mga shaman,nakangiting nakatitig,walang bakas ng takot.
'Nalagasan na kami ng iba. Pero bakit ganon ganon lang ay napatay nila ang isang Royal guard?' Wika ni Blye sa kanyang sarili.Hindi maalis sa kanya ang mga nangyari kanina,pinipilit na tinatanong ang kanyang sarili kung paanong naging ganoon kalakas ang isang shaman.
"Nagustuhan niyo ba ang lugar?" Nakangisi si Aries,ang lider ng grupo ng mga shaman.
"Dito walang makakapigil sa atin,walang makakapanuod,walang iistorbo." Dugtong nito.
"Ano ang gusto n'yo?hindi n'yo ba kami kilala?" Matikas parin na tanong ni Blye.
"Gusto naming pagluray- lurayin ang inyong mga katawan at ipakain sa aming mga halimas. At isa pa kilala namin kayo Blye, Billy, Gorge, at yung isa pa na patay na ay si Karl. Nanlaki ang mga mata ni Blye sa mga sinabi ni Aries. Malamang din ay alam na nila Aries ang kanilang mga kakayahan.
'Hindi maganda ito!' Wika sa sarili ni Blye.
"Ano natatakot kana?walang magliligtas sa inyo dito." At tumawa ng malakas si Aries. Sa sobrang inis ay sumugod na si Blye at sumunod naman ang mga kasama niya. Sina Aries naman ay tumalon pababa sa kanilang mga halimaw. Katamtaman lang ang laki ng dragon ni Aries, kulay pula, malatalim ng espada ang pakpak ni at ang buntot nito,at bumubuga ng nakakalasong asido. Katabi naman ng dragon ni Aries ay isang malaking Tigre,matatalim ang mga kuko at mahahaba ang pangil at handang manakmal anumang oras. Katabi pa nito ang dalawang halimaw isang Gryphon at isang Chimera.
Isang suntok ang tinangap ni Aries mula kay Blye at halos bumaon sa mukha ni Aries ang kamao ni Blye ngunit hindi iyon ininda ni Aries. Isang suntok naman ang Ibinigay ni Aries sa sikmura,isang napakalakas na suntok. Pakiramdam ni Blye ay isusuka niya ang kanyang bituka ng mga pagkakataong iyon. Ngunit agad din naman siyang nakaganti ng isa pang suntok. Katulad kanina hindi parin iyon ininda ni Aries. Hindi napansin ni Aries na bumunot ng patalim si Blye agad na nasaksak sa balikat si Aries ngunit di niya parin ito ininda. Umagos ang dugo balikat ni Aries at nakaramdam siya ng matinding galit.
"Nakakasuka ka!!" Sigaw ni Aries at pinaulanan niya ng suntok ang mukha ni Blye. Nasimula naring umatake ang iba pang kasama ni Blye. Nais nilang tulungan si Blye dahil nabububugbog na siya ni Aries. Ngunit bago pa sila makarating kay Blye upang sumaklolo ay hinarang na sila ng dalawang shaman.
"Opss!wag kayong makialam sa kanila." Wika ng shamang balbas sarado.
"Kung gusto n'yo tayo nalang." Mapanghamong sabi ng isa pang shaman. Nagulat naman si Billy ng biglang nawala ang shamang balbas sarado at lumitaw mismo sa harap niya.
"Simulan na natin," nakangisi ang shamang iyon at sabay suntok sa kanya. Hindi iyon tumama dahil maliksing nakailag si Billy.
Hindi na alam ni Blye kung papaano niya pa matatalo---papatayin ang kaharap niyang shaman ngayon. Bawat suntok sa kanya ay may laman,pakiramdam niya ay hindi na siya tatagal.
'Hindi ako maaring mamatay ng walang kalaban-laban.' Bulong niya sa kanyang sarili.
Tila nabuhayan naman ng loob si Blye isang suntok ang pinakawalan niya upang patigilin ang nagwawalang si Aries. Huhangos naman sa pagkuha ng hangin si Aries at patuloy ang matalim at madilim niyang pagtitig kay Blye. Kinuha ni Blye ang espada sa likuran niya at pumormang aatake. Hinagisan naman si Aries ng balbas saradong kasama niya ng isang matalim na matchete. Patakbong umatake si Blye patungo kay Aries at iwinasiwas ng malakas anh kanyang espada ng maabot na ng kanyang espada si Aries ngunit maliksing iniilagan lang ito ni Aries. Sumirko sa ere Blye at natamaan si Aries sa bandang likuran. Umagos ang dugo ngunit wala paring nararamdaman si Aries, tanging galit at paghahangad na mapaglingkuran ang kanyang pinakamamahal niyang guro,si Leo. Gumanti naman si Aries ng isang malakas na taga ngunit na isanga ni Blye ang kanyang espada. Halos mabungi ang talim noon sa pagtaga ni Aries. Nanatili sila sa ganoong posisyon,nagsusukatan ng lakas. Dalawang kamay ang pinaghawak ni Blye sa kanyang espada,magandang pagkakataon upang bigyan siya ng malakas na suntok sa kanyang dibdib. Heart breaker punch. Nagpakawala ng ganoong suntok si Aries at pagtama noon sa dibdib ni Blye ay nabitawan niya ang kanyang espada. Panandaliang tumigil sa pagtibok ang puso ng isang imortal. Pagkakataon na iyon upang tapusin ni Aries si Blye. Humanda siya sa pagsaksak nito sa puso ni Blye. Nang malapit na sa dibdib ni Blye ang machete ay naharang ito ni Blye gamit ang kanyang dalawang kamay. Umagos ang dugo doon ngunit hindi iyon iniinda ni Blye. Umangat ang ulo niya,tumingin kay Aries ng masama at sinabi.
BINABASA MO ANG
The Blood Prince
AkcjaSi Vladimir ay isang bloodsucker,anak ni haring sutor ang hari ng mga bloodsucker at kapatid ni at kapatid ni Ezra ang nakatatandang kapatid niya, na hindi parin natatagpuan magmula ng matapos ang giyera.Mortal na kaaway ng kanilang lahi ang mga sh...