CHAPTER 15

23 1 0
                                    

      

     H indi gusto ni Vladimir na saktan ang damdamin ni Diana pero alam niyang mas masasaktan si Diana kung magsasama pa sila ng mahabang panahon.

     

      Nakaupo siya ngayon sa bubong ng isang luma at abandonadong gusali,inaalala ang mga salitang binitawan niya kanina. Alam niyang hindi siya kayang tanggapin ni Diana dahil sa dugong nananalaytay sa mga ugat niya. At kitang-kita naman iyon sa reaksyon ni Diana matapos na sabihin ng binata ang katotohanan.

"Sino bang hindi mandidiri? Bakit ba kasi lagi nalang akong sangkot sa mga bagay na ayaw kong mangyari sa akin?"

Tumingala siya ng konti at tumingin sa kalangitan.

"Bakit? May nagawa ba akong mali para parusahan mo ako ng ganto?!!" Sinisisi niya ang Diyos sa mga nangyayari sa kanya ngayon,isang bagay na mali.

"Masama sa akin ang mundo pati ba naman ikaw? Sino pa? Sino pang ipapadala mo para pahirapan ako?!" Dahan-dahang tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata,sa mga oras na 'yon pakiramdam niya iniwan na siya ng kaniyang Diyos.

Mula sa likuran niya ay may isang lalaking nagsalita at sinabi,

" Huwag mong sisihin ang Diyos sa mga nangyayari sa 'yo,anak." Nagbigay siya ng isang tapik sa balikat ng binata ngunit hindi siya nito pinansin.

"Huwag mong hilingin sa Kanya na alisin ang mga pagsubok mo sa buhay,bagkus hilingin mo sa kanya na bigyan ka pa nang lakas upang harapin ang mga pagsubok pang parating." Tumabi si Leo sa tabi ni Vladimir. Tinutulungan ang kanyang anak na magkaroon ng lakas upang harapin ang pagsubok ng kinahaharap nito ngayon.

"Isipin mo ang ginto..." Wika ni Leo.

"Ano ba ang pinagdadaanan ng ginto bago maging isang lantay na ginto?" Kumunot ang noo ng binata sa tinatanong kanyang ama sa kanya.

"Dumadaan sa apoy?" Hindi siguradong Sagot nito.

"Tama!,ganun din sa tao, dadaan ka muna sa apoy ng pagsubok bago ka maging matatag,lantay,at makinang." Pinipilot ni Leo na ipaunawa sa kanyang anak na kaya niya itong lagpasan.

Lubog na ang araw ngunit patuloy na nagkukulong Sa kuwarto ni Diana sa kanilang bahay ay nakahiga siya sa kanyang sariling kama,at patuloy na Umiiyak. Kumakatok parin ang kanyang mga itinuring na magulang sa kanyang pintuan. Walang pakialam si Diana sa mga taong nakapaligid sa kanya ngayon ayaw niya munang manghawa ng kalungkutan,nais niya munang sarilin ang kalumbayan na nararanasan niya sa kanya.

"Diana!buksan mo ito!" Sigaw ng kanyang itinuturing na ama mula sa labas ng kanyang kuwarto.

"Pabayaan na muna natin siya,mahal... Lilipas din 'yan." Wika naman ng kanyang ina.

Inaalala niyang muli ang mga nangyayari kanina. Masakit para sa kanyang malaman na ayaw na siyang makita ni Vladimir, masyado siyang umasa,umasang balang araw mararamdaman din ni Vladimir ang nararamdaman niya para dito.

"Ganito pala ang pakiramdam ng nasasaktan, masakit pala ang paasahin." Patuloy ang karera ng kanyang mga luha habang nakatalukbong siya ng unan sa mukha.

"Nakakadiri siya!!" Wika niya habang naalala ang parte na ipinagtapat ni Vladimir na isa siyang kalahating shaman.

"Naiinis ako sa kanya!!"nangingit si Diana ng mga pagkakataong iyon. Para bang nainis niyang sirain ang unan na nakatalukbong sa kanya ngayon.

"Bakit ba naging shaman pa siya. Sa dinami-dami ng tao bakit naging kalahating shaman pa siya." Nasa isip ni Diana ng pagkakataong iyon.

Hindi alam ni Diana na nakamasid si Vladimir sa kanya. Seryoso at tahimik na nakatingin sa inaasal ng dalaga. Hindi niya kayang may galit sa kanya ang babaeng sa tingin niya ay gusto niya na. Magmula ng iwan siya ni Diana,na babaeng minahal niya ay natakot na siyang magmahal muli. Naalala niya ang mga sinabi nito bago siya hiwalayan.

"Patawarin mo ako,alam naman nating mahirap ito." Puno ng lungkot ang mukha Diana ng pagkakataong iyon.

"Pero Hindi ko na kaya... Masyado akong maraming pagkukulang sa'yo. Pakiramdam ko hindi ako ang nababagay sa'yo, pakiramdam ko hindi ako naging sapat,imortal ka mortal ako...magkaiba tayo,Vladimir,at lalong hindi tayo nababagay." Umiiyak ang dalaga habang binibitawan ang mga salitang iyon.

"Nakikipaghiwalay ka ba sa akin?" Tanong ni Vladimir na malungkot ang mukha.

"Hindi ba halata?! Huwag kang umarteng hindi mo alam,Vladimir,hindi na kita mahal!!!." Bulyaw ni Diana.

Hindi na ito nagsalitang muli at tumalikod na ang dalaga kay Vladimir. Paiyak na naglakad palayo ng mabilis habang naiwan si Vladimir na parang estatwa,hindi makapaniwala sa sinabi sa kanya ng babaeng pinakamamahal niya. Mula noon hindi na sila muling nagkita ni Diana,hindi na siya nagtangka pang hanapin ito. Kaya mula rin noon  takot na siya magmahal,takot na siyang iwan,takot na siyang masaktan.

Bumalik na sa realidad si Vladimir. Nakatalubong parin si Diana ng unan at patuloy na umiiyak. Nasaktan siya ng marinig niya kay Diana na "nakakadiri" siya.

'Hindi ka pa nasanay,Vladimir.' Ang nasa isip ng binata.

Nagulat siya ng hindi niya namalayang nakatingin na sa kanya si Diana. Seryoso ngunit namumugto ang mga mata. Hindi naman mawari ng binata ang kanyang magiging reaksyon.

"Ano ang dahilan mo? bakit ka pumunta dito?" Tanong ng dalaga na salubong ang mga kilay.

"Ahh...ehh... Gusto ko lang sanang humingi ng tawad." Wika ni Vladimir.

"Para saan?para sa pagiging shaman mo?ang mga taong pumatay sa mga magulang ko? Sabihin mo sa akin,Vladimir paano?!" Hindi agad nakapagsalita ang binata dahil hindi niya alam ang nararapat na isagot niya.

"Pero hindi ako kabilang sa mga pumatay ng magulang mo,Diana. Maaring nasa dugo ko ang pagiging shaman pero hindi ako ang pumatay sa mga magulang mo..." Pinipilit ng binata na maging mahinahon dahil baka marinig sila ng mga tao sa ibaba.

"Ano bang gusto mong gawin ko,Diana? Ano bang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?"

"Huwag ka nang mapapakita sa akin...kahit kailan dahil kahit kailan hindi kita... Kalimutan mo na nga pala lahat ng sinabi ko sa'yo kanina. Wala rin namang halaga sa'yo 'yon diba?" Seryosong ang dalaga sa kanyang mga sinabi. Tanging galit ang nararamdaman niya magmula ng malaman niyang shaman si Vladimir. Tangap niya ang pagkatao ng binata bilang Bloodsucker ngunit bilang shaman? Hindi niya pa kayang gawin iyon. Masyadong masama para sa kanya ang ginawa sa kanya at sa mga magulang niya ang ginawa ng mga shaman. Hindi niya pa kayang magpatawad.

"Iyon ba talaga ang gusto mo?"malungkot na tanong ng binata.

"Oo," mabilis at mapanindigan na tugon ni Diana.

"Okay,kung 'yan ang gusto mo pero may isa akong hiling." Sa isip ni Vladimir mas maigi ngang huwag na silang magkita,mas maiging hindi  siya tuluyang mahulog sa dalagang kaharap niya ngayon, at mas maigi nang huwag masaktan.

"Ano iyon?" Tanong ng dalaga.

"Maaring magalit ka,mainis ka sa akin pero sana huwag mo akong kakamuhian." Hinawakan ng binata ang makinis na pisngi ng dalaga at nagpatuloy na sa pagsasalita.

"Nagpapasalamat ako dahil nakilala kita,maaring maikli lang ang napagsamahan natin pero naging masaya naman ako. Ngayong hindi na tayo magkikita sana patawarin mo ako,hindi ko kasalanan na magkaroon ng puwang sa akin ang pagiging shaman. Sana wala kang galit sa akin bago ako mawala nang tuluyan."

Matapos ang huling salita ay tumalikod na sa dalaga si Vladimir at tumalon sa binata ni Diana,mabilis na nawala sa dilim.

Naiwang parang estatwa ang dalaga,dahan-dahang tumutulo ang luha,iniisip niya kung tama ba ang mga sinabi niya o isa iyong bagay na pagsisishan niya. Bumalik siya ng pagkahiga sa kanyang kama. Walang gana ang mukha at balot ito ng lungkot.

"Ano nagpagisipan mo bang mabuti?" Tanong Leo habang sinasalubong ang kanyang anak isang masukal at may kadilamang kakahuyan.

"Oo," Sigurado at matapang na tugon ng binata.

"Ano ang desisyon mo?" Walang paligoy-ligoy na tanong ng kanyang ama.

"Turuan mo akong maging isang shaman...ay teka mali. Turuan mo akong maging isang malakas at magaling na shaman." Puno ng tapang ang mukha ng lalaki.

"Wala nang dahilan para tangihan ko ang alok mo, wala na sa akin ang lahat."

"Pati siya..."bulong ng binata.

The Blood PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon