CHAPTER 2

184 1 2
                                    

   Inilabas ni Vladimir ang lalaking nakamowhawk ang buhok at dinala sa isang parang warehouse na lugar.bibihira ang mga kabahayan at malayo sa kabihasnan kaya di mo talaga aakalaing may ganoong lugar pala doon.Nagpupumiglas parin ang halos wala ng buhay na lalaki ngunit hindi niya magawang makatakas dahil sa panghihihna ng kanyang katawan at higpit ng pagkakatali sa kanya.Ipinasok na ni Vladimir ang lalaki at itinali ng mahigpit sa isang upuan.

"Gusto mong makawala?"tanong ni Vladimir sa lalaki.

"Simple lang isang tanong isang ang gagawin ko,isang sagot naman ang gagawin mo."Dugtong nito na walang halong emosyon ang pagkakasabi.

Agad na tinangal ni Vladimir ang nakatakip sa bibig ng lalaki at tinitigan ito mata sa mata 

"Ano ang pangalan mo?" TAnong ni Vladimir Ngunit dinuraan lang siya ng lalaking nakamohawk.Agad na ginantihan ni Vladimir ng suntok ang lalaki sa kanyang tagiliran at napatupi sa kanyang kinauupuan ang lalakin at muling  ibinalik ni Vladimir ang  ang takip sa bibig ng lalaki.

"Ulitin natin.."Mahinahong sabi ni Vladimir muli tinangal ni Vladimir ang takipsa bibig ng lalaki 

"ano ang pakay niyo sa babae?"tanong ni Vladimir at dinuraan lang muli ng lalaki si Vladimir.Sinuntok muli ni Vladimir ang lalaki sa kanyang pisngi dahilan upang pumutok ang labi nito at umagos ang napakaraming dugo sa kanyang ilong.Hindi pa nakuntento si Vladimir at sinuntok niya pa itong muli sa kanyang tiyan.Napangiwi naman sa sakit ang halos patay ng katawan ng lalaki dahil sa parusang inabot ni mula kay Vladimir.Nais malaman ni Vladimir ang tunay na hanggarin ng lalaking ito-----kung bakit nais nilang dukutin ang babae at kung bakit kaya niyang makapagpalabas ng halimaw.Kinuha ni Vladimir nag kanyang Iphone 5s sa kanyang bulsa at tinawagan si Zed.

"ohh,pare ang aga-aga mo namang nangiistorbo."sabi ni Zed na tila bagong gising palamang.

"Pare,kailangan kita ngayon bilisan mo na."Sabi ni Vladimir.

'babe sino ba yan?ang aga-aga pa ohh'boses galing sa kabilang linya

"hoy pare kailan ka pa natutong magboses babae?."tanong ni Vladimir

"HA!,ako bosses babae?"pagsisinungaling ni Zed

"Asus ikaw talaga napakababaero mo!"sabi Vladimir kay Zed.

"alam mo naman pare na hindi ako mabubuhay kung walang mga babae."sagot ni Zed kay Vladimir

'Pumunta ka na Dito baka mapatay kita."pagbabatang sabi ni Vladimir.

Matagal ng magkaibigan sina Vladimir at Zed at kilala na nila ang isa't-isa gaya ng pagiging napakababaero ni Zed at pagiging moody ni Vladimir.Parehas silang napakasok noon sa Militar ngunit di nagtagal ay umalis din sila sa serbisyo upang hindi mabunyag ang tunay nilang pagkatao.Si Zed ay bihasa sa pagamit ng Sniper,napakataas ng kanyang accuracy kayang niyang pumatay ng kalaban kahit na nasa 1000yards ang layu niya sa kanyang kalaban kaya naman naasali siya sa  special forces noon.Si Vladimir naman ay may pagkahilig sa mga patalim,higit na mas magaling siya dito kaysa sa ibang mga sandata.Sa sobrang pagkahilig ni Vladimir sa mga patalim napuno niya ang isang kuwarto ng pagkarami-raming patalim.Kaya't tuwing aalis si Vladimir sa kanilang bahay ay nakasanayan niya ng magdala ng patalim na maliit sa kayng mga binti.

____________________________________________________________________________

    

"Hawak niyo na ba siya,ceasar??"Sabi ng isang lalaking natatakpan ng dilim ang mukha ngunit halata sa kanyang boses ang katandaan 

"patawarin niyo po ako niyo po mahal na Agamenon,may isang  lalaki ang humadlang sa aming plano at sa tingin namin ay nasasakanya ang babaeng kailangan niyo."Sabi ni ceasar,ang lalaking mahaba ang buhok ng nakatakas kay Vladimir

The Blood PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon