I pinadpad ako ng aking mga paa patungo sa deparatment store na nakasulat sa I.D ng babaing balak dukutin ng mga shaman.Mga shaman ano nanaman kaya ang plano ng bago nilang lider balita ko ay patay na ang una nilang lider.Ang lider na halos ubusin ang aming lahi.Magaling siyang lider inaamin ko.Nagamit niya nag mga kahinaan namin upang kami ay talunin gaya ng labis naming pagkatukso sa dugo.Nagiging parang gutom na lobo kami pagnakakaamoy ng Dugo noon.Ang ginawa niya una siguro ay humana siya ng taong handaa ng tangagapin ang kanyang kamatayan----gaya ng mga taong wala ng mga pamilya,bigo sa pag-ibig,at iniwan na ng kanyang mga mahal sa buhay.Sunod na ginawa niya ay pinapahiran niya ng dugo ang mga taong iyon at nilagyan ng pampasabog na nakatago sa kanilang mga damit.at huli ay ipinangpain nila sa aking mga kasamahan.Natupad niya ang plano niya sa giyera.Kumpulang kinuyog ng mga gutom-na gutom sa dugo kong mga kasama ang mga taong iyon at bwualah nagkanda lasog-lasog ang kanilang katawan.
Nakita kong muli ang babaing iniligtas ko.Ang maamo niyang mukha ang unang nahagip ng aking mga mata .Sinundan ko siya hangang makapasok ako sa department store.Hindi ko namalayan na department store ng papa ko ito.nalaman ko lang ng binati ako ng ibang trabahador doon.Maraming bussiness na pinamamahalaan si papa ngunit isa-isa niya rin itong iniiwan at ibinibigay sa iba.Ikaw ba namang magmukhang trenta anyos kahit na limangdaang taong gulang kana.Talagang nakakaintriga iyon para sa iba kaya't mimabuti niya nalang na ibigay sa iba ang posisyon niya kesa naman mabunyag ang lihim na pinakatatago niya.
Lumapit ako sa manager ng department store na nagngangalang Ben.Sinabi ko na inutusan ako ni papa na magtrabaho sa department store ng pansamantala at kung ano ano pang maaring idahilan----Di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at ginawa ko iyon.
Walang ano't ano ay pumayag ang manager.Kinikilabutan ako habang kausap ko ang ben na iyon.Napakalagkit ng kanyang mga tingin sa akin.Paminta yun for sure.Pinagsuot niya na ako ng damit ng pangtrabahador.Ginawa ang mga bagay na hindi kinagisnan o hindi pa nagagawa noon pa man.Mga masusungit na costumer.Mga nagmamadali.mga estudyanting makukulit,at mga shoplifter lahat sila ay ay naging parte ng nakakapagod na gawain.Hay,Ibang-iba talaga ang mundo noon kaysa ngayon.Nakakapagod din pala ang maging isang immortal.Napakarami mong pagbabagong masasaksihan sa ayaw mo at sa hindi.Tumatanda ang mga taong nagmamahal sayo.Habang ikaw...heto walang pagbabago.
Para sa akin ang pagiging immortal ay isang sumpa.sumpang matatakasan mo lang kung ikaw ay papatayin at agawin mula sa ang kaluluwa mo.Kaluluwa?At saan naman napupunta ang aking kaluluwa?Magpapagala-gala?o mapupunta sa langit o sa impyerno.Para sa akin kaming mga immortal ay walang mga kaluluwa para lang kaming mga pupet na may sariling isip kaya't nagagawa ang aming nais.ako,naniniwala ako sa diyos ngunit namumuhi ako sa kanya dahil ibinigay niya sa akin ang sumpang hindi ko matakasan ngunit dapat paring maging mapagpasalamat dahil sa immortalidad na ibinigay niya amin.Nakakalungkot lang isipin na napakarami mong dapat isakripisyo alang -alang sa iyong immortalidad.
Hindi kami namamatay sa natural na paraan gaya ng pagkakasakit at katandaan.Namamatay kami kung hindi kami nakakakain ng dugo ng limang taon-----ganoon kahaba ang kaya naming tiisin ang aming gutom at pagkauhaw sa dugo.O kaya naman ay pasabuging ang amin utak o kaya naman at hatiin sa gitna ang aming puso.Ang mga kasamahan mong tao ay tumatanda ngunit ikaw ay nananatiling bata----iyon ang pinakanakakatakot na bagay.Ang makitang namamatay ang mga taong nagmamahal sayo samantalang ikaw ay habang buhay mong daranasin ang sumpang dulot sayo ng iyong immortalidad.
Noon pinilit kong makihalubilu sa mga tao at nagkaroon akong ng mga kaibigan ngunit ng sinasabi ko sa kanila ang aking sekreto ay nangatakot sila na para bang mayroon akong nakakahawang sakit na hindi mo namaagapan.Ang tingin nila sa amin ay mga halimaw na hahatiin ang katawan mo sa apat.Noon ' yon,noon dugo talaga ang iniinom at nagsisislbing pagkain namin ngunit mga tatlumpong taon ang nakakalipas napagpasyahan namin na dugo na lamang na hayop ang aming kainin----hindi man ganoon ka sarap atleast ay nabubuhay din kami doon at walang buhay na nasasayang.
BINABASA MO ANG
The Blood Prince
AçãoSi Vladimir ay isang bloodsucker,anak ni haring sutor ang hari ng mga bloodsucker at kapatid ni at kapatid ni Ezra ang nakatatandang kapatid niya, na hindi parin natatagpuan magmula ng matapos ang giyera.Mortal na kaaway ng kanilang lahi ang mga sh...