CHAPTER 4

1K 1 0
                                    


     N asa isip ko parin ang mga sinabi sa akin ni ben kanina.Ano nga bang mangyayari kung may taong makakaalam ng aking sekreto.Siguro ay matatakot at lalayuin ako,malamang nga.Pinandidirihan kami ng mga tao.Sabagay may karapatan silang magalit at mandiri sa amin.Pumapatay kami ng mga tao noon para sa aming pansariling kapakanan.Pero ngayon at nagtitiyaga na kami sa mga dugo ng hayop.Naisip narin namin na napakamali ng aming ginagawa.Kaya't ngayon ay pinipilit na naming itama ang mga pagkakamali namin.Naging masyado kaming gahaman at makasarili.

       

     Napakabilis ng oras ngayon hindi ko namalayan na magtatanghalian na pala.Nakakaingit lang dahil ang iba ay mabilis na tumatanda samantalang ako heto,walang pinagbabago at habang buhay pagdudusaan ang parusa sa akin.Pumunta na ako sa dinning room upang kumain ng tanghalian.Nakita kong nandoon si papa mukhang inaantay ako.Nasabi kaya sa kanya ni Ben ang tungkol kahapon?Sana ay huwag ayaw ko nang pag-usapan iyon.

   

    "Nabalitaan kong tumulong ka sa isang tao noong nakaraang araw?,sabi sa akin ni Ben."Bungad niya sa akin.

          "Isang simpleng pagtulong lang iyon."Kalmadong sagot ko.

          "Ehh,bakit mo naman naisipang pumasok bilang trabahador sa department store natin?"

         "Nakaka-bore dito pa!."Sagot medyo napalakas ata."Alam mo ba iyon?Sawang sawa na ako sa ganitong buhay,masyadong na akong nasasakal,ikaw pa hindi ka ba nagsasawa?."Dugtong ko.totoo naman pero medyo may puwang ang kasinungalingan.Masyado nang nakakainis ang mabuhay ng ganito.Pero wala naman talaga akong magagawa.

       "Alam mo anak,pasensya na kung nabigyan kita ng ganitong buhay.Pero gusto ko lang namang ingatan ka."Tila bakas ang lungkot sa mukha niya.

            Tila nahimasmasan naman ako sa mga sinabi niya.Kahit anong mangyari bali-baliktarin mo pa ang mundo Ama ko pa rin naman siya.At siya na lang ang natitira sa akin.Alam kong hanggang ngayon ay naaalala niya parin si mama.

   "Pasensya na,pa nadala lang ako ng galit ko,tara na kain na tayo."agad kong tinawag ang yaya upang ihain ang pagkain at mabilis na kumain.Pagkatapos kumain ay Agad akong nagbihis.

       "Pa,pupunta lang ako kay,mark alam mo naman kung ano ang puputahan ko doon di ba?"Pagpapaalam ko sa kanya.

           

      Si Mark ang nag-iisang blood sucker----Hindi ko lang alam kung kumuha na siya ng kanyang apprentice.Na sobrang nakasabay sa teknolohiya.Sa mabilis na pagbabago ng mundo.Mahirap talagang sabayan ang mundo sa mabilis nitong pag-unlad ngunit si mark sadyang magaling pagdating sa aspeto ng teknolohiya.Bigyan mo siya ng isang sirang bagay at ibabalik niya ito sayo ng iba na ang anyo.Mas gumanda at mas marami ng function.Kadalasan ay pumupunta ako sa kanya upang magpagawa ng aking mga patalim.Sa katunayan halos lahat ata siya ang gumawa.Nagmaneho ako papunta sa kanilang bahay at di na ako nagulat na pagdating ko doon ay nakita ko na siyang nakasilip sa kanyang bintana. 

     

      Isa sa mga espesyal naming katangian ay ang pagakakaroon ng malakas na pang-amoy.kaya naming maamoy ang isang tao o kalahi namin kahit na nasa sampung milya ang layo.Pero kadalasan sa amin ay hanggang limang milya lamang.Kaya naman mas madali naming mahanap ang aming mga kalaban at mas mabilis kaming mangaso.Nahasa ko rin ang aking pandinig ngunit hindi ko alam kung ang ibang blood sucker ay ganoon din,sa palagay ko ay hindi.Kaya kong marinig ang isang bumasak na karayom sapagitan ng isa o tatlong kuwarto.Gano'n kalakas ang pandinig ko pero hindi ko ito ginagamit sa o kaya ay para makialam sa buhay ng iba dahil nagagawa ko lang iyon kapag nakapokus at  nagco-concentrate ako.

The Blood PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon