Kinuha ni Ezra ang Malaking plies saktong nakalabas ang mg a kamay ni Vladimir ngunit hindi kasama ang mga braso.
Ngumisi si Ezra. Kinuha nito ang isang kamay ng binata itinutok ang isang daliri sa plies. Mariing pinisil ng binata ang plies.
Isang malakas ng hiyaw ni Vladimir ang umalingawngaw sa buong paligid.
"Magbilang ka!!" Sigaw ni Ezra.
Hindi siya sinunod ng binata kaya naman kinuha niya ang isa pang daliri nito at inipit ng plies. Rinig ang lagutok ng buto sa daliri ni Ezra tila mas malakas pa ito sa kanyang hiyaw.
Ayaw paring sumunod nang binata kaya nagpatuloy ang sa pagipit si Ezra. Tila wala na ito sa katinuan, tuwang-tuwa pa ito habang nakikita ang paghiyaw ng binata.
Walang ibang magawa si Diana kundi lumuha nang lumuha. Hindi niya maatim ang ginagawa nang kuya ni Vladimir sa binata. Wala naman siyang magawa dahil siya ay nakatali din.
'Kasalanan ko ito.' Sa isip ng dalaga.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo." Lumingon si Ezra at unti-unting lumalapit at sinasabi ang mga salitang iyon.
"Si Vladimir ang may kasalanan nito. Hahahaha..." Parang baliw itong tumawa at hinawakan ang mukha ng dalaga. Tinitigan mata sa mata.
"Kung hindi siya ipinanganak sa mundong ito. Hindi sana namatay ang ina namin. Isa siyang malaking pagkakamali !! Ngayon sabihin mo ngayon, mali ba ako?!" Galit na galit ang binata habang sinasabi ang mga salitang iyon.
"Dahil sa kaniya pinatay nang sarili kong ama ang aking ina. Dahil siya ay anak nang isang shaman." Nanlaki ang mga mata ni Diana sa kanyang narinig.
'Papaanong nanagyaring isa rin siyang shaman? Isa sa siya sa mga taong kinasusuklaman ko?' Pinatay nang shaman ang mga tunay na magulang ni Diana kaya't ganoon nalamang ang galit niya sa mga shaman.
Yumuko ang dalaga at muling lumuha. Hindi niya alam kung pinaglalaruan ba talaga siya nang kanyang tadhana.
Si Ezra naman ay patuloy sa pagdurog sa bawat daliri ni Vladimir. Walang awa niyang iniipit ng plies ang daliri nang binata hanggang sa magkadurog-durog ito ngunit sa kasamaan palad muling nabubuo ang mga daliri nang binata dahilan para maradaman niya nang paulit-ulit ang sakit.
Nanlalaki ang mga mata ni Vladimir at napapahiyaw sa tuwing iniipit nang plies ang kanyang mga daliri.
Sa ulirat nang binata ay nasa ibang lugar na siya,isang maliwanag na kuwarto ngunit nababalutan parin siya nang mga ugat.
Nagulat si Vladimir dahil nasa tabi niya si Deleora. Nasa anyong tao ito. Biglang nagbago ang scenario nang lugar, nasa isang malaki at magarang kuwarto sina Vladimir at Deleora.
Hindi na nababalutan nang ugat ang binata bagkus nakaupo siya ngunit nakatali sa upuan.Ang kuwartong iyon ay kuwartong hindi malilimutan ng binata. Iyon ang kanyang kuwarto noong siya ay nasa puder pa siya ni Max.Biglang may pumasok na babae. At sinundan ito nang pagpasok ni Max.
"Sa tingin mo ano ang susunod na mangyayari?" Tanong ng anghel.Walang tugon ang binata. Tumingin lang ito kay Deleora at muling tumingin sa nangyayari sa kanyang harapan.
"Siya ba ang aking ina?" Wika ng binata. Tila nag-aaway na ang dalawa. Nagsisigawan sila ngunit hindi rinig. Nagsasalita si Vladimir nang Tama na ngunit tila wala parin nakikinig
"Sa tingin mo?" Sagot nang anghel. Huminto ang eksena. At biglang...
Isang saksak ang nakabaon sa dibdib nang ina ni Vladimir. Namuo ang luha, luhang daang taon niya nang hindi nararanasan,sa kanyang mga mata. Bago mawalan nang buhay ay napatingin pa kay Vladimir ang walang buhay niyang ina. Hindi alam ng binata kung ano kanyang nararamdaman. Magkahalong galit at takot ang kanyang nararamdaman.

BINABASA MO ANG
The Blood Prince
AcciónSi Vladimir ay isang bloodsucker,anak ni haring sutor ang hari ng mga bloodsucker at kapatid ni at kapatid ni Ezra ang nakatatandang kapatid niya, na hindi parin natatagpuan magmula ng matapos ang giyera.Mortal na kaaway ng kanilang lahi ang mga sh...