CHAPTER 22

7 0 0
                                    

N akatanaw sa kanyang bintana ang isang magandang dalaga. Isang Gabing madilim,Malayo ang tingin ngunit walang matanaw. Tanging imahe ng iisang lalaki ang nakikita niya,ang lalaking minahal niya noon at hangang sa ngayon.
'Bakit ba napakalupit mo,mundo?! Wala naman akong nagawang mali sa'yo pero bakit? Bakit nangyayari 'to sa'kin.' Tumulo ang luha ng dalaga at agad niya itong pinunasan.
Kahit anong pilit niya hindi niya magawang limutin si Vladimir. Araw-araw umaasa siyang makikita at makakasama niyang muli ang binata ngunit tila malabo ito para sa kanya. Malaki ang paniniwala niyang limot na siya ng binata,ngunit ang kaunting natitira na pag-asa niya ay nagsasabing magkakasama silang muli balang araw.

Isang liwanag ang pumukaw ng kaniyang atensyon,liwanag iyon mula sa isang kotse,pamilyar iyon sa kanya ngunit hindi niya maaninag ang mukha ng nagmamaneho nito. Nahuminto ito sa tapat ng bahay ni Vladimir at agad na kalungkutan ang bumalot sa mukha ng dalaga. Hinintay niyang patayin ng nagmamaneho ang kotse at laking gulat niya ng makita ang mukha na hindi niya inaasahang makikitang muli. Ang mukhang lagi niya naiisip at pinananabikang makita muli.

Nakarating na si Vladmir sa dati niyang bahay,at nanumbalik ang kanyang mga dating alaala dito,ang pakiusap sa kanya ng may-ari ng bahay para sa kanyang anak,ang pabibigay niya ng berdeng rosas kay Diana, ang mga sandaling magkasama sila,lahat 'yon ay panadaliang nanumbalik sa kanya. Nagulat siya ng makita muli si plasma,ang dati ring may-ari ng bahay na kanilang kinatatayuan ngayon.
"Matagal kitang hinintay,sa wakas nagkita tayong muli." Nakangiti si plasma kay Vladimir ngunit halata sa kanyang mukha ang puyat at pagod.
"Ano ang iyong nais?" Wika ni Vladimir.
"Hindi ba't nangako ka sa aking tutulungan mo ako sa pagpapagamot ng aking anak?" madiin nitong sabi.
"Oo," Wika ng binata.
"Pero bakit ngayon ay wala pa?umasa kami,pero walang tulong na dumating."
"Pasensya,'yan ang tangi kaya kong sabihin sayo. Nawala sa akin ang lahat,maliban sa aking mga kaibigan at buhay,at bukod doon ay kinuha na "nilang" lahat. Bilog ang mundo kaya hindi mo alam kung ano ang mangyayari sa darating na araw,tatlo lang ang pwedi mong puntahan una ay tataas ka,pangalawa ay maari kang mapunta sa baba,at pangatlo ay mananatili ka lang sa dati at magpatuloy sa iyong buhay." Ani ni Vladimir.
Lumakad papunta kay Vladimir at lumuhod at muling nagsalita.
"pakiusap,bilang pagtupad ng pangako mo ayaw bigyan mo ako ng imortalidad mo. Kagatin mo ako at ako ang bahala sa aking anak." Nag-isip ang binata kung pagbibigyan niya ba ang kahilingan ng lalaking nakaluhod sa kanya. Wala narin namang mawawala sa kanya kung kakagat siya ng tao,isa pa matagal na siya uhaw sa dugo. Ngunit iba ang naisip ng binata.
"Mawawala ang alaala mo kung kakagatin kita,wala ring kwenta." Mungkahi ng binata. Pinatayo niya ang lalaki at kinuha ang isang bote ng tubig na hawak nito. Hiwakan ito ni Vladimir ng pahalang at tinitigang maigi,at pumikit ng limang segundo,unti-unti namang nagkukulay matingkad ng Berde ang tubig sa loob na labis namang ipinagtaka ni Plasma. Naging bihasa si Vladimir hindi lang sa pakikipaglaban pati narin sa panggagamot,napag-aralan niya rin ang pagiging shaman healer.
"Dalhin mo ito sa kanya at ipainom,mabisa 'yan ngunit lahat ng bagay ay maykapalit." Pawiwika ng binata.
"Kahit ano gagawin ko,gumaling ang aking anak." Mabilis na tugon ng lalaki.
"Ang gamot ang humihingi ng kapalit. Kagalingan niya kapalit ng kanyang mga alaala." Paliwanag ni Vladimir. Nalungkot ng bahagya ang ama ngunit wala ng siyang magagawa.
"Huwag kang mag-alala ,wala akong hinihinging kapalit." Agad ng tumalikod ang binata at lumakad papunta sa bahay. Agad ding tinago ng lalaki ang bote at nagmamadali nagtungo papunta sa kanyang anak. Habang si Vladimir naman ay patungo sa isang lugar na maaring maging huling hantungan niya,pero kahit papaano ay naibsan niya ang kanyang pangamba dahil alam niyang may ipinaglalaban siya,may dahilan kung bakit handa siyang isuong sa panganib ang buhay niya 'yon ay dahil sa kanyang mga kaibigan ng nagbuwis din ng buhay para sa kanya.
'Magbabayad ka... Mata sa mata ngipin sa ngipin.' Nasa isip ito ng binata habang naglalakad patungo sa loob ng bahay. May nakita siyang isang kulay puti na papel sa ibabaw ng lamesa. Kinuha niya ito at may nakasulat doon.
'Pumunta ka sa gilid ng hagdan may makikita kang isang pintuan, pagpasok mo may makikita kang elevator,doon ka pumasok at bumaba ka sa pinakadulong bahagi.' Nagaalangan ang binata dahil baka isa itong patibong ngunit buong tapang siyang naglakad patungo sa gilid ng hagdan. Gaya nga ng sabi mayroon itong pinto. Hindi nagdalawang isip ang binata at nagpatuloy ito sa paglalakad papasok. Kinuha niya ang espadang kanina pa nakasukbit sa kanyang likuran,ang espadang binigay ni Mark sa kanya.
'Mukhang magagamit na kita ngayon' nasa isip ng binata. Napakaganda at napakatalim tignan ng espadang 'yon.
'Papatayin kita gamit ang espadang ito ,Ezra.' Tumunog na ang elevator,hudyat na ito na nasa kanyang destinasyon na siya. Hindi niya alam kung papaano at bakit pinalagyan ni Ezra ng underground base ang kaniyang bahay,nasa isip niya na siguro sadya ito para sakanila.

The Blood PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon