The Blood Prince

447 5 4
                                    

PROLOGOUE

namuhay kami ng libo-libong taon,nasaksihan namin ang mga unang tao at kung paano lumago ang buong sanlibutan. Nakita namin lahat ng karahasan,patayan,gyera,at lahat ng mga salot na naganap sa mundo.Ngunit hindi kami tanggap ng mundo.Pinandidirihan.

Noon ang tawag sa amin ay mga kampon ng kadiliman,demonyo,aswang,bampira.Nagumula kami sa genetic hybrid ng bampira at tao---kaya't gustong-gusto namin ng dugo. At ng mga tao ngunit mas lamang sa amin ang katangian ng mga tao. Nagtataglay ng imortalidad ngunit sana'y hindi nalang namin tinaglay. Isang sumpang hindi ko matatakasan. Sumpang ibinigay sa amin ng mga lintik na mga bampirang iyon.

bihasa kami sa lahat ng uri ng sandata .Walang makakapantay sa amin sa labanan.taglay namin ang bilis at liksi ng wala sa ibang nilalalang.Lakas na hindi mapapantayan ngunit mayroon parin kahinaan---ang pagkatukso sa dugo. Kaya't masusi kaming nagsanay na huwag matukso sa dugo ng tao.

nakisalamuha kami kasama ng mga tao sa loob ng mahabang panahon at natutuhan na naming magtiyaga sa dugo ng hayop. Itinago namin ang aming pagkakilanlan para narin sa aming proteksyon.Ano nga naman ang dapat naming ikatakot?imortal kami at may pambihirang lakas ngunit iyon ang nakasaad sa aming batas. Tanging para sa mga tao lamang ang mundong ito at mga salingpusa lang kami dito.

Dahil sa agawan ng teritoryo nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga shaman.Nagamit nila ang kahinaan namin.Nagtagumpay sila.Halos maubos nila ang lahi namin dahil sa digmaan iyon.Hindi sila nakuntento at pa Pinatay nila ang ina ko kaya't nagyon sila naman ang papatayin ko uubusin na para bang hindi sila nabuhay o lumakad sa mundo.Walang dahilan para maawa.Ipaghihiganti ko ang aking ina at lahat ng aking mga kalahi na pinatay nila at walang makakapigil sa akin.

Ngunit mababago ba ang lahat sa pagdating ng aking kinatatakutan at ayaw na mangyari?Ang ako'y umibig muli.Umibig sa isang taong mortal at marupok lang ang buhay.Kakayanin ko bang muling magmahal?Siguro ay hindi na.


The Blood PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon