N aghahanda na si Vladimir sa kanyang bagong pagsasanay. Kamangha-manghang sa loob lamang ng kaunting panahon ay masasabi ngang tunay na siyang shaman. Determinado siyang maging shaman at maipaghiganti ang kanyang ina. Nakakatangap parin si Vladimir ng balita mula sa kanyang mga espiya, kumikilos narin si Max upang tugusin si Vladimir, takot itong magkaroon muli ng digmaan sa pagitan ng mga shaman at bloodsucker. Shaman ang sumira sa kasunduan ni Max sa mga shaman kaya naman nagngingit-ngit ito sa galit.
"Ang pinakamahalagang bahagi ng pagiging shaman ay ang pagpapalabas ng mga halimaw... Ito ang pinakasandata natin sa mga bloodsucker." Ani ni Leo.
"Mas malakas na halimaw mas malakas ng kapangyarihan. Ngunit maari mong ikamatay ang pagpapalabas kung hindi mo kaya ang kapangyarihang taglay ng iyong halimaw." Pagpapatuloy nito.
"Heca, lumabas ka..." Nagkaroon ng bilog na kulay berde ang lupa atLumabas ang isang malaking Kalahating kabayo at kalahating tao na halimaw. Ang katawan ng halimaw ay balot ng baluti,kulay berde ang mga mata at nagliliyab ito at Natatakpan ng helmet ang ulo nito at may hawak itong isang malaking palakol.
"Woah ang angas niyan ahh." Wika ni Vladimir habang namamanghang tinitignan si Heca.
Isang bloodsucker na minsa'y malaki ang galit sa mga shaman ang ngayo'y halos ganap nang shaman. Maraming bagay talaga ang maaring mangyari sa mundong mapaglaro."Magagawa mong makakuha ng alaga mo kung ang magagawa mong makapaglakbay sa Underwold,doon mo makikita lahat ng nakakatakot na halimaw, halimaw na hindi mo pa nakikita sa talang buhay mo." Pagwiwika ni Leo sa kanyang anak.
"Paano ako makakapunta doon?" Nagtatakang tanong ng binata at tila interesado sa sinabi ng kanyang ama.
"Teleportation,alam mo naman yun diba? Ayun lang nagiisang paraan upang makababa ka. Babala ko lang hindi ka immortal sa ilalim ng lupa,makakaramdam ka ng sakit at maari kang mamatay doon." Tumango-tango nalang si Vladimir. Hindi na siya makapaghintay na makapunta doon dahil gusto niyang makakita ng mga halimaw at ang halimaw na magiging alaga niya.
"Gusto ko nang simulan ngayon!" Nae-excite na sabi ni Vlad.
"Tara sa altar sa likod ng bahay. Kailangan mo concentation para makapunta under world." Mabilis silang naglakad patungo sa likod ng bahay nila. 'Kaunti nalang maipaghihiganti na kita,ma.' Wika sa sarili ni Vlad at tumapang ang mukha niya.Pinahiga ni Leo ang binata sa altar at sinabi.
"Isipin mo ang isang lugar... Karimarimarim na lugar,isang kwebang walang lagusan palabas,may lawa ng asupre at may mga krystal ang mga sulok nito. Kailangan mong isipin 'yon at magteleport ka doon. At Kapag nakapili ka na ng gusto mo ilagay mo ito sa kanyang ulo." Nagbigay si Leo ng isang bilog na selyo na may nakasulat na hindi pamilyar na letra.Napunta siya sa isang malakwebang mundo. Medyo madilim,masangsang ang amoy. Amoy sunog na laman. Kulay dugo ang tubig. At tanging ingay lamang mula sa mga halimaw ang iyong maririnig. Medyo may kataasan ang kisame ng lugar at may mga matutulis na bato doon. Sagana sa mga matutulis na krystal ang lugar ngunit punong-puno ito ng lungkot,takot at madadama mo ang kasamaan sa paligid.
Nagpatuloy sa paglalakad si Vladimir. Nakita niya ang isang lawa ng asupre at tumingin ng saglit. Nagulat siya ng biglang may nagtalunan mula sa asupre animo'y mga doplhine na tumatalon sa karagatan. Mala sirena ang halimaw may mahahabang pangil at sungay. Nakita nila si Vladimir ngunit natatakot ang mga ito kaya medyo lumayo sila sa binata. Hindi maiwasan ng binata na mapatakip ng ilong dahil sa sang-sang ng amoy. Nagpapatuloy siya sa paglalakad kahit wala siyang siguradong papupuntahan,tanging pananampalataya lamang ang kanyang bitbit, pananampalatayang makakahanap ng pinakamagandang alaga at pinagamagandang pangkitil sa buhay ng pumatay sa kanyang ina. Napakaiilap ng mga halimaw sa lugar na iyon. Nakakaramdam si Vladimir na mayroong nakamasid sa kanya. May mga matang nakabantay sa bawat kilos niya. Nagpatuloy sa paglalakad ang binata,walang takot sa kahaharapin niya.Sa isang parte ng lawa ng asupre ay mayroon isang napakagandang lalaking anghel na nakakadena. May kakaibang letra ang kadena nito at napakakapal pa. Naamoy niya si Vladimir.
"Ang pintuan,ang paglaya ko ay nalalapit na,hahaha." Sabik na siya na maghasik nang kaguluhan sa mundo ng mga tao.
"Wawasakin ko ang mundo ng mga pinakamamahal Mong nilalang!" At hulakhak siya at naging malademonyo ang hitsura ng anghel. Mula noon tingin niya ay mas mataas talaga siya sa Tagapaglikha. Wala siyang ibang nais kundi ang maghasik ng kasamaan kaya siya ikinulong sa mundong ilalim.Sa kabilang banda ng kweba ay nandoon si Vladimir,pilit na hinahanap ng kanyang magiging alaga. Nakarinig siya ng mga nagtatawanan at tila nagkakasiyahang mga halimaw. Mabilis siyang tumakbo at sinundan ang ingay. Dinala siya sa isang malaking bahagi ng kweba. Di katulad kanina na medyo may kakipotan ang lugar ngayon ay malawak ito. Makikita roon ang iba't-ibang halimaw, malaki,maliit,may pakpak,kalahiting tao kalahating halimaw,at marami pa. Nagkakasiyahan sila,puno ng mga patay na tao at tila nilechon ang mga ito. Puno rin ng bariles ng asupre, may mga basong gawa sa obsidian at may lamang asupre at iyon ay kanilang iniimom na parang alak nila.
"Sino ang pinakamalakas sa inyo dito!?" Bulyaw ni Vladimir at nahinto ang kasiyahan ng mga halimaw at napuno ng katahimikan ang lugar.
"Hahaha." Halakhak ng isang halimaw na may tatlo at mahahabang ulo.
"Isang mortal... Ang lakas naman ng loob mo." Lumapit ang halimaw kay Vladimir ngunit may dala ang binatang kutsilyo. Mabilis na tumalon ang binata at hinahatak ang isang ulo sabay hila pa ng isang ulo nito at ang pang huling ulo. Hinawakan niya ang tatlong ulo nito sabay saksak ng medyo mahaba niyang kutsilyo sa leeg ng halimaw. Mabilis na bumagsak ang halimaw at unti-unti itong naging abo hanggang sa tuluyang mawala na ito.
"Sinong mortal sa atin ngayon." Natakot ang mga halimaw na nandoon. Ang mga halimaw na hindi marunong matakot ngayon ay nakakaramdam na. May isang halimaw ang nagtangkang lumapit. Isang malaking halimaw,mayroon itong bitbit na malaki at makapal na libro sa kanyang kanang kamay at sa kaliwa naman ay isang malaking reaper. Walang mata ang ulo nito ngunit mayroon itong tigdadalawang mata sa mga kanyang pakpak. Nakasuot ito ng kulay itim na pangkasuotan ng mga monghe at mayhood ito. Binuklat niya ang aklat tila may hinahanap doon. Ang daliri ng halimaw ay mahahaba at matatalim ang kanyang kuko ngunit parang buto't balang lang ito.
"Vladimir... Hmm..." Pagwiwika ng halimaw. Tila dalawa ang boses na naghahalo sa pagsasalita ng nito. Nakakatindig balahibo pakingan ang boses nito.
"Kasama ka sa mga masusunog." Nagulat si Vladimir sa sinabi ng halimaw.
"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Hindi parin makapagpatuloy ang mga halimaw sa kanilang kasiyahan tila may inaatay silang mangyari.
"Simple lang...dahil lahat ng tao ay kilala ko." Tumawa ang halimaw.
"Ako si Deleora, ang anghel ng kamatayan... Lahat ng mga mamatay at susunugin sa dagat-dagatang apoy ay nakalista sa aking libro." Pagpapakilala ng halimaw
BINABASA MO ANG
The Blood Prince
AcţiuneSi Vladimir ay isang bloodsucker,anak ni haring sutor ang hari ng mga bloodsucker at kapatid ni at kapatid ni Ezra ang nakatatandang kapatid niya, na hindi parin natatagpuan magmula ng matapos ang giyera.Mortal na kaaway ng kanilang lahi ang mga sh...