H abang abala si Ae sa kanyang mga espada ay nakamasid lamang si Ezra sa likuran nito. Nakakamanghang hindi man lang naramdaman ni Ae ang presenya ng binata. Natutunan ni Ezra mula kay Agamenon kung paano itago ang kanyang presensya. Madami pang bagay ang kanyang nalaman sa shamang alam niyang plano lang siyang gamitin. Simula pa lang alam niya nang plano lang ni Agamenon na gamitin siya sa kanyang mga plano,ang patayin si Vladimir,Sutor at si Leo. Pero kahit hindi na siya tulungan ni Agamenon ay palagay niya ay kaya niyang tapusin mag-isa ang tatlong iyon,mga taong dahilan ng pagkawala ng kanyang mahal na ina,mga taong dahilan ng pagkawala ng taong nagiisang nakakaintindi sa kanya.
Malakas si Ae ngunit mas malakas si Ezra,at gagawin lahat ni Ezra masira lang si Vladimir.
'Kinuha mo ang kaligayahan ko... Kukunin ko rin ang sayo.' Wika sa sarili ng binata habang nakangisi. Handa siyang madungisan ang kanyang mga kamay masunod lang ang nais niya. Lumakad si Ezra papalapit sa binta ngunit hindi niya parin ramdam ito bagkus ay patuloy parin si Ae sa pagpupunas at pagsasaayos ng kanyang mga espada. Nagbabadya at nalalapit ang kamatayan para sa kanya ngunit hindi niya ito maramdaman. Nakalapit nang tuluyan si Ezra at handa na siya sa kanyang gagawin,ngumisi ito ng nakakaloko at pinatigas ang kanyang mga daliri na para ba itong naging espada.
"Katapusan mo na..." Bulong ni Ezra sa binata,nagulat ito ngunit pagkaharap na pagkaharap nito sinaksak ni Ezra ang kanyang buong kamay at dinukot ang puso ni Ae. Nanlaki ang mata ng binata at mabilis na sumuka ng dugo. Isang imortal na sa isang iglap ay biglang mamatay ng walang kalaban-laban. Puno ng saya ang mukha ni Ezra at si Ae naman ay dahan-dahang bumabagsak at unti-unting binabawian ng buhay. Kahabag-habag ang sinapit ni Ae, mabilis na kumilos si Ezra at iniwan ang walang buhay na katawan ng binata dahil ilang ominuto lang ay matutuklasan na ito ng isa sa mga kasama ni Ae."Ikaw ang pag-asa ng mundo,Vladimir..." Wika ng halimaw habang ang lahat ay napanganga sa kanilang narinig.
"Pero papaanong mangyayari 'yon?" Kunot noong tanong ng binata. Lumapit siya ng kaunti kay Deleora,naghihintay ng isasagot nito.
"Lahat ng bagay ay darating sa oras nito,hintayin mo lang at darating sa'yo ang kasagutan. Sa ngayon hindi ko pweding sabihin dahil bawal." Hindi nakuha ng binata ang gusto niyang sagot kaya naman umisip siya ng bagong tanong.
"Hindi ba anghel ka ng kamatayan?anong kaugnayan mo kay satanas?" Tumalim ang mga mata ng halimaw na nakapalibot kay Vladimir dahil sa kanyang itinanong.
"Lapastangan!" Wika ng isa.
"Huminahon kayo..." Matagal ng sandali bago nakapagsalita si Deleora, lumakad-lakad ito at nagsimula nang magsalita.
"Kung iniisip mong magkatulad kami nagkakamali ka..." Panimula ng halimaw
"Maaring mas nakakatakot at pangit ang itsura ko pero ang mga hangarin at prinsipyo ko ay iba kesa sa kanya..." Naglakad ito patungo kay Vladimir at tinignan siya ng mga mata nito mata sa mata. Hindi naman natinag ang binata at sinabi.
"Mapagtuloy ka..."
"Kung siya ay gustong masira at madala lahat ng tao sa empyerno ako hindi ngunit kayong mga tao ang may problema,ang pait ng apdo ay parang tamis pulot sa inyo, ang dalim ay tila napakaliwanag at ang masama para sa inyo ay mabuti." Pagpapaliwanag ng halimaw.
"Niloko niya kami!ginamit niya kami sa pansarili niyang hangarin. Ngayon ako nalang ang natitira sa mga anghel na nilinlang niya kaya ngayon magbabayad siya."
Humanda ang binata upang ilagay ang selyo sa noo ng halimaw upang maging alipin niya na ito. Tumalon si Vladimir upang abutin ang noohan ni Deleora ngunit hinampas lamang siya ng pakpak nito.
"Hindi mo na kailangang gawin iyan,handa akong maglingkod para sayo para sa kaligtasan ng mundo." Wika ng halimaw ng buong sensiridad.
"Tutulungan kitang ipaghiganti ang iyong ina,sa isang kondisyon..." Dugtong nito.
"Anong kondisyon?" Mabilis na tugon ng binata pero nagulat siya na alam pala ng anghel ang kanyang nais at layunin.
"Tulungan mo akong talunin si lucifer..."
"At kung mabigo ako?" Mabilis na tugon ng binata.
"Simple lang,pareho tayong mamatay." Hindi pinanghinaan ng loob ang binata,Bagkus lalong naging matapang ang kanyang loob. Buhay niya ang nakasalalay dito,kaya walang pagkakataon ang dapat masayang.
"Deal!"
"Kung ganoon,pumunta na tayo sa mundo niyo...Matagal narin akong hindi nakakapunta sa Ibabaw." Ikinumpas ng halimaw ang kanyang kamay at bumukas ang isang portal sa itaas nila.
"Walang pweding sumunod sa inyo." Wika nito sa mga halimaw na nandoroon.
"Mamatay ang sinumang sumunod!" Seryoso at mariing sabi ni Deleora. Totoo iyon hindi kayang tagalan ng ordinaryong halimaw ang atmosphera sa mundong ibaba. Ang mga nagtangkang sumunod dati ay nangasunog ang iba naman ay hindi nakahinga hanggang tuluyan silang nangamatay.
Tinangay ng halimaw si Vladimir paitaas at tuluyan ngang pumasok sa portal. Isang kisap mata lang ay nasa altar na sila ng kanilang likod-bahay. Nakatingin ng maiigi si Leo sa halimaw ng kanyang anak at kinilabutan. Isang anghel,anghel ng kamatayan ang dala nito mula sa ilalim ng lupa.
Isang napakamakapangyarihang nilalang ang dala ng kanyang anak ngunit nagtataka siya kung paano 'yon nangyari. Sa taya niya hindi kaya ng katawan ng binata ang lakas na taglay ng anghel,kaya siya ay nagtataka,ngunit nasa isip niya na mas maiigi ngang mas malakas ang makuha ng kanyang anak upang magapi ang mga bloodsucker."Kung iniisip mong ako'y isang halimaw nagkakamali ka...Ako si Deleora ang anghel ng kamatayan..." Paunang salita ni Deleora. Nakakakilabot pakinggan ang bosses nito dahil tila may tatlong boses ang naghahalo sa tuwing magsasalita ito. Bigla itong Nagpalit ito ng anyo bilang isang makisig at matipunong lalaki. May kasingkitan at kulay kape ang kanyang mga mata,may katamtamang tangos ng ilong at mapupulang labi. Nagagawa ni Deleora na magpalit ng anyo ayon sa kanyang nais.
"Kailangan kong mag anyong tao upang hindi ako katakutan. Ang sumpa ng marami... ang takot."
"Mas maiigi nga..." Tugon ng binata.
"Isang linggo ka rin nawala anak..." Wika ni Leo na nanlulumo ang kanyang mukha. Nagulat naman ang binata dahil tila isang oras lang ang itinagal niya sa ilalim na mundo.
"Huwag ka magtaka,magkaiba ang oras sa mundo at doon." Wika ni Deleora.
" Isa pa pala... Pero sana huwag kang mabibigla..." Singit ni Leo.
"Ano yun,leo?" Unang beses na tinawag ni Vladimir ang kanyang ama sa pangalan nito,pero umaasa parin si Leo na tatawagin siyang ama nito balang-araw.
"Ah..ehh..kas..si si Ae..." Pagpapatuloy ni Leo.
"Anong mayroon kay Ae?" Sabat ng binata. Si Deleora naman ay alam na ang sasabihin ni Leo.
"Kasi... A...ano.." Pautal-utal nitong sabi at tuluyan na ngang nagsalita si Deleora.
"Si Ae,ay patay na... Napakadaling sabihin..." Nanlaki ang mga mata ni Vladimir .Hindi makapaniwala ang binata sa kanyang mga naririnig,gusto niyang umiyak ngunit walang lumalabas na luha sa kanyang mga mata. Nanginginig ang mga kalamnan niya dahil wala man lang siyang nagawa. Isang mahalagang tao nanaman ang nawala...at sinisisi nanaman niya ang kanyang sarili sa nangyari.
"Dinukot ang puso niya at may iniwang mensahe ang pumatay kay,Ae...ang sabi doon "Mata sa mata ngipin sa ngipin." Wika ng kanyang ama. Lalong nadagdagan ang kanyang galit na nararamdaman,alam niyang isa sa mga shaman ang gumawa n'on.Alam niya rin na hindi lahat shaman o halos lahat ng mga shaman ay masama.
'Bakit ni isang patak walang lumalabas sa mata ko?' Wika sa sarili ng binata.
'Wala na bang bahagi ng pagiging tao ang natitira sa akin?tama kailan ba ako naging isang normal na tao?' Pagtatanong nito muli sa kanyang sarili.
"Isa sa natatanging katangian ng tao ang pagluha kaya kung hindi ka na makaramdam nito... Maaring lumagpas ka na sa pagiging tao o binalot na ng kasamaan ang puso mo..." Saad ni Deleora. Alam ng anghel ang bawat kinikilos ng binata kaya't hindi nakapagtatakang alam niya rin ang iniisip ng binata.Nakipagkita si Ezra na nakamaskara kay Agamenon. Nakaupo si Agamenon sa kanyang trono at si Ezra naman ay papalapit sa kanya. Madilim ang kuwarto kung nasaan sila ngunit may kakarampot na sinag mula sa labas. Inaasahan ni Agamenon na luluhod ang binata ngunit kahit kailan hindi ito lumuhod sa kanya.
"Kahit kailan hindi ka pa nagbibigay pugay sa akin..." Mahinang sabi ni Agamenon.
"Hindi mo ako tauhan... Tandaan mo utang mo sa akin ang imortalidad mo." Natigilan si Agamenon sa sinabi ng binata.Tingin lagi ni Ezra na mas malakas siya sa kanyabg kaharap ngayon,sa tingin niya siya ang pinakamalakas sa lahat.
"Sinong isusunod ko?!" Pabulyaw na tanong ng binata.
"Nasa sa'yo... Ikaw ang bahala para sa mga buhay nila... Pero kung ako ang tatanungin uunahin ko na si Vladimir..." Ngumisi si Agamenon bago ito nagsalitang muli.
"Kung magkakataon magiging malaking sagabal siya." Matalim ngunit mahinang sabi ni Agamenon.
"Ako nang bahala sa kanya... Mas malakas ako kesa sa kanya wala kang dapat ipagalala." Panigurado ng binata.
"Mabuti... Patayin mo na sila."blangkong ekspresyon ang bumalot sa mukha nito habang sinasabi ang mga salitang iyon.
Sa pagkakataong iyon naglahong parang bula ang binata.
'Matigas talaga siya! Sa kakambal ito nagpunta? Paano kung may makakita sa kanya?!wala siyang utak.' Wika sa sarili ni Agamenon. Tumayo na siya sa trono niya at nagsimulang lumakad palabas.

BINABASA MO ANG
The Blood Prince
ActionSi Vladimir ay isang bloodsucker,anak ni haring sutor ang hari ng mga bloodsucker at kapatid ni at kapatid ni Ezra ang nakatatandang kapatid niya, na hindi parin natatagpuan magmula ng matapos ang giyera.Mortal na kaaway ng kanilang lahi ang mga sh...