CHAPTER 10

84 1 0
                                    

N ag-utos akong hanapin ang bloodsucker na naghahasik ng kaguluhan sa siyudad. Inilibot ko naman si Diana sa Vesselia-ang pangalan ng bayan namin. Marami akong ipinakitang magagandang tanawin sa kanya pati narin ang mga lugar na pipuntahan ko tuwing malungkot ako at nagandahan naman siya doon. Panadalian akong nagiging masaya kapag kasama ko siya at hindi ko alam kung bakit. Naadik na yata ako sa amoy ng kanyang dugo. Matapos ang paglilibot ay nagpasya na kaming umuwi,isinama ko si Jonas dahil may mahalaga akong sasabihin sa kanya. Noon pa man ay napapagkatiwalaan ko na si jonas,at hind niya sinisira ang tiwalang iyon.

     Mahaba-habang biyahe muli ang binuno namin bago narating ang bahay ko. Mabilis akong bumaba at agad na ipinagbukas ng pintuan si Diana.

"Hindi ka ba hahanapin sa inyo?" Mabilis kong tanong kay Diana. Kailangan lang namin ni Jonas ng privacy kaya papaalisin ko lang muna siya saglit.

"Oo." Mabilis din naman niyang tugon. Paniguradong hinahanap na nga siya dahil magaalas-siyete bago kami nakauwi.

"Pumunta ka muna sa pamilya mo,may pag-uusapan lang kami ni Jonas. Confidential." Wika ko.

"Kung may mangyari man sayo,darating ako pangako." Hindi na nagsalita si Diana,tumango nalang ito at umalis na. Hindi ko gustong mawala siya sa paningin ko dahil nakasalalay sa kanya ang kapakanan ng lahi namin.

      Niyaya ko nang pumasok kami ni Jonas upang simulan ang aming pag-uusapan. Dinala ko siya sa payak kong sala,wala pa kasi akong nabibiling gamit.

"Ano ba yung sasabihin mo?" Panimula ni Jonas.

"Ipangako mo muna sa aking wala kang pagsasabihan nito." seryosong tugon ko. Siguradong itatakwil ako ng lahi ko kapag nalaman nila ito.

"Ano ba yun?" naiinip na tanong ni Jonas. Naalangan akong sabihin ito pero buo ang tiwala ko kay Jonas.

"Ah...ehh... Paano ko ba to sisimulan?" sa totoo lang hindi talaga ako marunong napasimulan ang isang usapan,isa akong Introvert kadalasang nakikipag-usap lang ako sa aking sarili.

"Noon kasing iniligtas ko si Diana,yung babaeng kasama ko kanina.ahm.. May nagawa akong mali,napakalaking kamalian. Nasira ko ang kasunduan natin sa mga shaman." Nakita kong nanlaki ang mata niya sa kanyang naring.

"Pero bakit niyo nagawa iyon? Maaring buhay niyo ang kapalit ng ginawa n'yo kamahalan." Alam ko,alam ko ring handang isakripisyo ni Sutor ang lahat para sa kanyang trono,kahit pa ang sarili niyang anak.

"Nakita ko kasi ang isa sa mga shamang kumuha kay Ezra." Mukhang napasobra ang sinabi ko.

"Ibig mong sabihin nakita mong kinuha si Ezra na kinuha ng mga Shaman?" Tumango ako,alanganing tango.

"Pero bakit hindi mo siya tinulungan?" Halata sa kanyang mga mata ang pagkaatat na malaman ang sagot.

"Dahil naiingit ako!" pabulyaw na sagot ko.

"Lahat na ng bagay ay nasasakanya na pero ako ni isa ay wala!. Siya ang laging pinupuri,pinagtutunan ng pansin, pero ako ano? Isang multong namumuhay sa anino niya!" Hindi ko maiwasang magalit kapag naiisip ko ang mga bagay na 'yon, mga bagay na hanggang ngayon ay minumulto parin ako.

"Pero hindi iyon sapat para pabayaan mo siya ng ganon!"Medyo napasigaw si Jonas sa kanyang sinabi. Tama siya. Isang kahangalan ang ginawa ko.

"Kung gusto mo talagang patunayan na hindi ka mahina. Dapat at hinarap mo ang panganib kahit katumbas noon ay ang iyong buhay. Walang malakas na hindi dumaan sa pagiging mahina yan ang tandaan mo kamahalan." Lumungkot ang buong paligid ng mga pagkakataong iyon. Tama si Jonas, dapat isinantabi ko ang ingit ko at iniligtas ko si Ezra ng mga oras na 'yon pero huli na para gawin iyon.

The Blood PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon