CHAPTER 12

28 1 0
                                    

  I lang kilometro ang layo mula sa bahay ni Zed may isang magarang kotseng nakahinto at napapalibutan ng ilang kalalakihan. Halata sa mukha ng Drayber ang takot dahil hindi niya alam kung ano ang nais ng mga lalaking ito sa kanya.

"Lintik!" Sinuntok ng isang lalaki ang harapang bahagi ng koste at nayupi ang iyon.

"Hindi ito si Vladimir!" Nagngangalit ang lalaking iyon at mukhang siya ang pinuno ng kalalakihang iyon.

"Paanong nautakan tayo ng lalaking iyon..." Wika ni Blye,ang pinuno ng mga Royal guard na humahabol kela Vladimir. Inihagis sa kanya ang isang mansanas.

"Diyan niya inilagay ang GPS,at siguro inihagis niya sa bintana ng kotse,walang kwentang tao." At sinipa niya ang lalaking nanginginig sa tuhod.

"Hindi natin dapat biguin ang kamahalan, dapat nating mahuli si Vladimir." At sabay dinurog niya ang mansanas gamit ang kamay niya.

"Opo!!" Wika ng apat pang lalaking kasama niya. Mabilis silang muling sumakay sa kotse nila at agad na umalis. Naiwan namang nanginig ang lalaking drayber habang iniinda ang sakit ng kanyang sikumura dahil sa pagkakasipa.

     Pagdating nila Vladimir kela Zed ay agad niya nakita ang lima pang kalalakihan. Si Mark,ang mentalist. Ang triplet si Ae,ang sword artist,Si Aebie ,ang gunner at si Ow,ang martial artist. Nakakatawa man pakingan amg pangalan nila lalo na kung idadagdag pa ang apelyido nilang "Type",dahil magmumukha itong tipo ng dugo.

Pero kahit ganoon Sila ang mga matatalik na kaibigan ni Vladimir. Tawanang walang bukas. Asarang walang wakas, Harutang parang patayan,At higit sa lahat damayan,damay-damay kapag may kaaway.

     Agad na sumalubong ang mga ito kay Vladimir at yumakap.

"Akala namin,bro nakuha ka na nila...mabuti nalang ligtas ka." Nagulat naman si Vladimir sa kanyang narinig,'paano nila nalaman?'tanong niya sa kanyang sarili. Nabasa naman ni Mark ang iniisip ni Vlad kaya't binuksan niya ang isang Flatscreen  T.V. ,nandoon nakarecord ang talumpati ni Max kani-kanila lang. Binuksan ni Mark ang recordkng na 'yon at matama naman itong pinanuod ng lahat.

"Magandang umaga sa inyong lahat aking mga kalahi."at ngumiti ng matamis sa harap ng kamera

" Nandirito ako ngayon upang mabigay ng isang mensahe sa inyo. Maaring ang iba sa inyo ay alam na ang magandang balita na muling pagbabalik ng aking pinakamamahal na anak,ang tagapagmana ng trono ko, si Ezra." Lumaki ang mga mata ni Vladimir nang marinig ang mga pahayag na 'yon. Nakaramdam siya ng matinding pagkalito. At hindi maganda ang pakiramdam niya sa mga susunod na sasabihin ng kanyang ama.

"Ngunit mayroon ding masamang balita,kailangan ng lahat ng bagay ang balanse kaya't sa bawat magandang balita ay may katapat din itong masamang balita. May isang traydor na sumira ng ating. Isang lalaking nagngangalang Vladimir. Oo, tama kayo siya ay isa sa mga anak ko. Prinsipe. Pero mula ngayon inaalisan ko na siya ng kapangyarihan,kukunin ang lahat niyang ari-arian, at kapag nahuli na siya ng mga Royal guard. Siya ang ipambabayad natin sa mga shaman. Mata sa mata,ngipin sa ngipin." Nagngitngit sa galit si Vladimir ng marinig ang mga iyon.

'Duwag ka!Max! Wala kang kwenta.' Wika niya sa kanyang sarili.

"At isa pa pala,hindi ko talaga anak ang bastardong Vladimir na 'yon. Anak siya ni Leo,ang walang hiyang kalaguyo ng asawa kong si anna." Muli siyang nalito sa kanyang mga naririnig. Hindi niya namalayang nanginginig ang kanyang mga kalamnan. 'Ang ibig sabihin hindi niya ako tunay na anak?na tanging si Ezra lang ang anak niya?kaya pala ganon nalang ang turing niya sa akin. Ngayon alam ko na kung bakit daig ko pa ang multo sa paningin niya.' Tumapang ang mukha niya ng sabihin niya 'yon sa kanyang sarili. Hindi niya namalayang wala pala si Diana sa tabi niya. Hindi niya na 'to pinansin dahil patuloy parin ang pagbagabag sa kanya ng mga sinabi ni Max.

'Kung hindi niya ako tunay na anak,at kung anak ako ni Leo,na isang shaman pero bakit wala akong kapangyarihan na kagaya ng sa Shaman?at paano magkakasundo at makakabuo ng bunga ang mga lahing magkaiba ng prinsipyo.' Gulong-gulo na talaga si Vladimir,napakarami niya ng bagay na iniisip ngayon nadagdagan pa.

"Nararapat lang siyang pagdusain sa kalapastanganang kanyang ginawa. Hindi tayo makakapayag na isang shaman lang ang sisira ng ating kapayapaan. Kaya't kung sino man ang makakahuli sa kanya bukod sa mga Royal guards ay makakatangap ng gantimpala." At namatay na ang flatscreen TV matapos ang mga salitang iyon.

"May dapat ka pang malaman Vlad," wika ni Mark. Para namang ayaw ng malaman ni Vladimir ang mga hindi niya pa nalalaman dahil pagkalito lamang ang dulot nito sa kanya. Pero pinilit niya ang sarili na kailangan niyang malaman iyon.

"Ano 'yon?" Kunot noong tanong ni Vladimir.

"Si Max at hindi Shaman ang pumatay sa 'yong ina na si Anna." Tama ang hinala ni Vlad. Isang nakakagulat na balita nanaman.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi ba mahal na mahal ni Max ang si Anna ,paano niya magagawa ang ganoong bagay?"

"Dahil kay Leo..." May punto doon si Mark.

"Malaki ang galit ni Max kay Leo at Anna dahil nagkaanak sila. Sa sobrang selos ni Max napatay niya ang ina mo!" Pagpatuloy ni Mark. Nakaramdam ng galit si Vladimir ngayon. Matinding galit. At matinding pagkalito.

"Hindi parin ako naniniwala,ang sabi ni Max dahil daw sa failed secrurity nagkaroon ng pagkakataong patayin ng mga shaman ang aking ina." Wika ni Vladimir.

"Ilang taon ka ng sabihin sa'yo ni Max ang kasinungalingang iyon?anim,pito o walo? Isa lang iyong paraan para isisisi sa mga Shaman ang kasalan niya at upang ingatan ang 'yong kamusmusan." Tila natauhan si Vladimir ng sabihin iyon ni Mark,tama siya ginawang paraan lamang 'yon ni Max para ipantakip ang naggawa niya sa pinakamamahal niyang kabiyak,ang ipalabas na shaman ang may gawa noon. Pero labing apat na taon na siya ng sabihin ni Max ang kasinungalinang iyon.

     Sa madilim na eskinita ilang kanto lang ang layo mula kela Vladimir may isang lalaking nakahood ang naglalakad,mabilis na naglalakad patungo sa bahay ni Zed. Maputla ang balat nito na katulad kay Vladimir,matangakad at nakayuko lamang habang naglalakad. Hindi niya gustong may makakita sa kanya.

Pagdating niya malapit sa bahay ni Zed ay may nakita siyang isang babaeng nakaupo sa loob ng walang pintuan sa likuran na kotse. At nanlaki ang mata niya ng makita niya ang mukha ng babaeng

'Siya ang napiling susi'

Agad niya itong nilapitan,at kinatok

Matamang nakikinig si Diana ng tugtog mula sa radyo,nais niyang mag-isip mag-isa. Kagaya ni Vladimir nalilito din siya sa mga nangyayari.

'Ano bang nangyayari sa'kin... Dapat ba akong magtiwala? Wala namang mawawala kung magtitiwala ako diba?At tsaka mukhang totoo naman ang sinasabi niya.' Wika niya sa kanyang sarili. Halos malaglag naman ang kanyang puso ng may biglang kumatok sa bintana ng kotse kung nasaan siya ngayon. Mabilis niyang nalaman na Bloodsucker ang lalaking 'yon dahil sa maputlang balat nito.

'Hindi kaya ito ang Royal guard na sinasabi ni Vladimir?' Wika ni Diana sa kanyang sarili.

'Kung Royal guard siya hindi siya pupunta dito ng mag-isa.' Pagpapatuloy ni Diana. Patuloy din sa pagkatok ang lalaki,at  may pagkakahawig siya kay Vladimir. Blangko ang emosyon at patuloy parin sa pagkatok. Kinakabahan na si Diana dahil palakas ng palakas ang pagkatok ng lalaking nasa labas. Natigil lang ang pagkatok ng biglang may humawak sa kamay ng lalaking kumakatok. Nakita ni Diana si Vladimir at blangko rin ang ekspresyon nito,kung mamamalik-mata ka sa lalaking kumakatok kanina aakalain mo na siya si Vladimir.

"Sino ka?" Wika ni Vladimir habang hawak ang kamay ng lalaking nakahood na kumakatok sa bintana ng kanyang kotse. Nagulat naman siya sa sunod na ginawa ng lalaki. Nagtataka din siya dahil may pagkakahawig sila ng lalaking kaharap niya. Hinawakan ng lalaki ang mukha niya na para bang kinakabisa ang bawat mahawakan nito.

"Itigil mo nga yan!" Sabay tapik sa kamay ng lalaki.

"Sino ka ba?! Ano ang kailangan mo? Alagad ka ba ni Max? Nandito ka ba para hulihin ako?" Sabi ni Vladimir sa lalaki ng Blangko ang ekspresyon. Wala siyang panahon para magsaya dahil sa katotohanang

"Hindi mo ba ako nakikilala? Siguro nga'y hindi talaga." Lumungkot ang ekspresyon ng lalaking nagsasalita.

"Siguro'y oras na para malaman mo ang tunay mong pinagmulan at ang tunay mong pagkatao." Pakiramdam ni Vladimir ay hindi niya na kayang malaman pa ang katotohanang malalaman niya ngayon.

The Blood PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon