CHAPTER 11

23 1 0
                                    


    M abilis na naglakad si Max palabas ng kuwartong 'yon at mabilis na pumunta sa kuwarto ni Vladimir ngunit wala na siyang natagpuan dito pati ang lahat ng gamit ni Vladimir ay wala na rin.

'Mabilis siyang gumalaw.' Wika ni Max sa kanyang sarili. Pagdating niya sa kusina ay lahat ng kasambahay doon ay may bulong-bulungan natahimik lang ito ng makita nila ang kanilang hari.

"Kamahalan!" Wika ng isang lalaking mahaba ang buhok.

"Pakingan nyo po ito!" Natatarantang sabi ng lalaki kanina.

"Ano ba 'yon?" Nananatiling mahinahon si Max kahit naghihinala na siya. Ipinarinig sa kanya ng lalaki ang Audio na katulad na katulad sa narinig niya kanina.

'Hindi ito maari!' Wika sa sarili ni Max.

"Dapat siyang hatulan ng kamatayan dahil sa kahangalang ginawa niya. Sinira niya ang kasunduan...papalagpasin ba natin 'yon?pero bago 'yon kailangan muna nating ipadanas ang isang sakit na sa sobrang sakit ay magsisisi siya kung bakit nabuhay pa siya sa mundo" Wika ng isang lalaking pumasok bigla. Pamilyar ang mukha nito. Si Ezra. Ang maanong mukha niya noon ay naging mabangis na ngayon tila ba'y napakaraming nagbago sa hitsura nito. Nagulantang naman ang lahat ng nandoon sa kanilang nasaksihan,ang lalaking unakala nilang patay na ay muling nagbalik na buhay sa harap nila. Hindi naman maipaliwanag ni Max ang kanyang kaligayahan na makitang muli ang kanyang pinakamamahal na anak.

"Ezra!" Wika ng kanyang ama bago salubungin ng yakap.

"Maligayang pagbabalik ,anak!" Walang mapagsidlan ang tuwa ni Max ng mga pagkakataong iyon.

"Walang anuman ,ama.." Mahinahon at mabagal na tugon ni Ezra.

"Saan ka ba nagpunta?ang tagal mong hindi nagpakita..." Ang lahat naman ng taong nandoon ay biglang lumigaya dahil dumating ang kanilang susunod na hari.

      Maaring maraming nagtatanong kung paano mapapasa ang trono kung gayong imortal sila. Ang unang kailangan sa pagpasa ng trono ay ang opisyal na pagbaba sa katungkulan,ibig sabihin nagpasya na ang kasalukuyang hari na bumaba at ipasa na ang puwesto. Pangalawang option ay kung mamamatay sa laban ang hari,dito na maaring ipasa ang pwesto sa nararapat na kapalit.

   

"Tama!dapat siyang parusahan sa kalapastanganang ginawa niya." Wika pa ng babae.

"Minsan kailangang putulin ang braso para iligtas ang ulo." Wika ni Ezra ng nakangiti. Ang mga sinabi ni Ezrang ito ang nasa isip ni Max ngayon.

'Maaring mawala ang trono kapag hindi ko ito ginawa.'

'Pero anak ko siya. Mali anak lang siya ni Anna. Hindi ko siya tunay na anak. At isa siyang kalahating Shaman.' Si Anna ang ina ni Vladimir pero ikinubli nito ang katotoohanan kay Vladimir na ang ama niya ay isang Shaman,ang ninuno ni Agamenon.

"Masyadong malupit kung papatayin natin siya," Wika ni Ezra. Tila nagtaka naman ang lahat sa sinabi ni Ezra.

"Ano ngayon ang gusto mong gawin natin?" Tanong ni Max.

"Itakwil siya bilang Bloodsucker." Nakangiting sabi ni Ezra."Kunin ang lahat ng kanya,at tangalan siya ng kapangyarihan," Papapatuloy niya. Tila naunawaan naman na ng mga Bloodsucker na nakapaligid sa kanya ang kanyang hangarin. Ang pagdusahan ang kasalang nagawa ni Vladimir.

'Isang kalahating shaman lang ang sisira ng kasunduan,hindi ito maari.' Wika ni Max sa kanyang sarili.

"Utusan ang mga Royal Guard na dakpin si Vladimir." Mariing sabi ni Max. Palihim namang napangiti si Ezra dahil matutupad na niya ang matagal niya ng plano,ang mapasakanya ang kapangyarihan,at ang mundo. Mabilis na nagdatingan doon ang mga Royal guards at naghintay ng utos mula sa kanilang hari. Ang mga Royal Guard ang mga pinakamalalakas at pinakamagagaling na madirigmang bloodsucker,sumusunod sa kung ano mang inuutos sa kanila at higit sa lahat hundi matatawaran ang kanilang katapatan.

The Blood PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon