CHAPTER 6

78 1 0
                                    

Isang masamang panaginip ang gumising sa akin.Nakita kong nabuhay at naging katulad namin si diana(Ang babaing minahal ko).Naglalaban sila ni Diana(Ang P.A ko)Katulad narin namin siya ngunit parang may mali parang maykakayahan siya ng isang shaman.Sa isang bahagi ng panaginip ko nakita kong may nakasasak sa akin ang isang espada ---eksato sa puso sigurado ako doon.At ang tumarak noon ay si Ezra(Ang nakatatandang kapatid ko).at ang pinakahuli at pinakanakakatot ay ng makita ko ang sarili Kong nasa kabaong,walang buhay ng bigla nalang nagising nanlilisik ang mga mata sa akin at nagpupumilit kumawala sa pagkakakulong sa loob ng kabaong na iyon.

naguunahang tumulo ang mga pawis mula sa aking mukha.Tumingin ako sa relo at saktong alas-sais na.Agad akong naghanda para maligo,ito ang Simula ng mga kalokohan ko.Mabilis akong natapos sa paliligo.Mabuti nalang lagi akong nakakaiwan ng malinis na pares ng damit sa kotse ko(In Case of emergency lang naman).Medyo makakalimutin na kasi ako ngayon,gaya ng pangalsn ng ama ko,sutor ang totoong pangalan niya pero max ang lagi Kong naitatawag sa kanya.Epekto na ata ito ng katandaan.

Nagmamadali kong tinawagan si Diana,agad naman siyang sumagot

DIANA:hello?sino 'to?

AKO:Hi,my P.A(sabay hagikhik)

DIANA:Vladimir?ikaw ba yan?

AKO:Anu bayan nahulaan agad.pupunta na ako diyan maghanda ka na.(sabay baba ng telepono.)

Agad kong pinuntahan siya sa kanyang bahay.Natutuwa talaga ako sa kulay ng bahay niya.Pambabaing-pambabae.Minsan naiisip ko bakit ang kulay na pink ay para lamang sa babae,may sagrado bang kultura bang natatago sa kulay na iyon?

Kumatok ako sa bahay nila,walang doorbell haist.Agad naman akong pinagbuksan ng isang batang lalaki ,sa tingin ko ay sampung taong gulang palang siya.Tumingin siya sa akin na tila ba nanguusisa.Ako na ang unang nagsalita

"Ang ate mo?"tanong ko.mabilis na lumingon ang bata patungo sa direksyon ng sala at sumigaw ng

"ATE,BILISAN MO NA D'YAN NAGHIHINTAY NA ANG BOYFRIEND MO DITO"

Nagulat ako sa sinabi ng batang ito,sa musmus niyang edad may alam na siya tungkol sa pag-ibig.Hay,ang mundo talaga napakabilis ng pagtakbo.Sabagay mabilis talagang tumatakbo ang mundo,tumakbo ng 66,700 milya bawat oras?talagang mahirap sabayan.

Pag-ibig ang pangalawa sa mga bagay na kinasusuklaman ko,nangunguna naman ang mga shaman.Hindi ako naniniwala sa salitang" hapily ever after." Isa lang iyong kalokohan na sa telebisyon lang makikita,Bagay na hindi nangyayari sa totoong buhay,likha lamang ng malikot na kaisipan ng mga tao.Isa pa ang kaisipan pag-ibig ay para lamang sa proseso ng pagpaparami upang manatili ang lahi dito sa mundo.Suwerte ka kung bunga ka ng pagmamahalan ng dalawang tao,malas ka naman kung Bloodsucker ang maging ninuno mo dahil pagsisihan mo ang bawat araw na nabubuhay ka sa mundo.Kaya't sinabi ko rin sa sarili ko na hinding-hindi ako magkakaroon ng anak dahil siguradong lungkot lang ang mamanahin niya mula sa akin.Masyadong malupit ang mundo pa sa mga katulad namin.Siguro ang naiisip ko ngayon ayun din ang nasa isip ng mga kalahi ko.Iyon din siguro ang dahilan ng mabagal na pagdami ng lahi namin.

Bagamat may Kapangyarihan kami hindi namin iyon ginagamit sa masamang paraan,may takot kami sa Diyos at naniniwala kami mapapatawad niya rin ang aming kasalanan.Isa iyon sa mga utos sa amin:Walang ibang dapat katakutan liban sa Diyos. Naniniwala rin kaming parusa ang aabutin namin kung gagawa kami ng bagay na ikakagalit niya.Pero isasangtabi ko iyon kapag nakaharap ko na ang mga shaman na iyon dudurugin ko ang mga buto nila,kaunting panahon nalang.

Maya-maya pa ay bumaba na sa hagdanan si Diana.Hindi siya nakapangtrabaho,mukhang nahulaan niya na ako ang dumating.Nilapitan niya ang batang lalaki na nagsabing boyfriend ako ni Diana."Hindi ko siya boyfriend jun-jun,siya ang boss ko,kaya't galangin mo siya."May diin sa salitang "boyfriend" ang sinabi niya.mukha namang nasupalpal ang bata dahil sa sinabi ni Diana kaya't tinignan niya ako ng masama,malditong bata.Agad din namang lumapit sa akin si Diana.Nakasuot ng siya plain red t-shirt at isang simpleng jeans.Maganda talaga siya kahit simple lang siya manamit.

The Blood PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon