CHAPTER 16

24 2 0
                                    

     M aagang gumising si Vladimir upang maghanda sa kanyang pagsasanay,pagsasanay sa pagiging shaman. Ang lahing kinamuhian niya ng mahabang panahon,ngayon ay magiging parte siya para sa isang layunin-ang paghihiganti para sa kanyang ina.

Sa bahay ng kanyang ama si Vladimir natulog ngayon,kahit napakaiksi ng panahon na kanilang napagsamahan pakiramdam niya ay anak nga talaga siya para kay Leo.

May kalakihan ang bahay ni Leo ngunit hindi ito mas lalaki sa bahay ng binata dati. Walang ikalawang palapag pero malawak at parihaba ito. Nakatago ito sa isang liblib na lugar kagaya ng rest house niya,kaibahan lang masyadong malalaki ang mga punong nagtatakip dito.

Dala ang espada na ibinigay ni Mark sakanya,lumabas si Vladimir sa pintuan. Seryoso ang mukha,blangko ang ekspresyon.

"Handa ka na ba?"

"Oo." Saad ng binata. Nagulat si Vladimir ng nasa harap ni na ang kanyang ama. Paatake sa kanya,walang paligoy-ligoy. Mabuti nalang naiharang ng binata ang kanyang espada. Nagulat siya sa lakas ng kanyang ama. Isang kamay lang ang gamit nito ngunit napakalakas niya gamit ang isang katana.

"Kung gusto mong maging magaling na shaman... Kailangan mong maging alerto bawat oras." Wika ni Leo habang nakapanatili sila sa kanilang posisyon. Lumayo si Vladimir at gumanti ng atake sa kanyang ama. Hindi makatama ang binata kay Leo dahil bawat wasiwas ni Vladimir ay naiilagan niya ito ng walang hirap.  Tila naiinis naman si Vladimir dahil parang napakadali lang para sa kanyang ama ang umiwas sa bawat niyang atake.

"Maging pasensyoso ka." Wika ng kanyang ama.

Muling nauna umatake ang binata at gaya kanina hindi parin siya makatama. Malalakas na hampas ang ibinabato ni Vladimir habang ang kanyang ama ay patuloy na sumasalag,na tila tuwang-tuwa pa.

Maliit lang ang katana ni Leo kumapara sa binata pero napakatibay nito ni isang bitak ay wala pa ito sa kabila ng napakalalakas na palo ni Vladimir.

Tumalon si Leo at alam ng binata na pupunta ito sa likuran niya kaya doon siya humarap ngunit wala siyang nakita,kahit anino ng kanyang ama. Isa lamang iyong ilusyon.

Nasa likod niya ang kanyang ama nakatutok ang katana sa likuran .

"Alamin mo ang kalakasan at kahinaan ng iyong mo at ng iyong kalaban."

" Focus."

"At higit sa lahat ay ang dahilan mo sa paglaban." Seryoso ang kanyang ama sa bawat salitang binitiwan nito. Ngumiti naman si Vladimir sa kanyang ama na tila nayayabangan dito.

"Akala niya ang galing niya na..." Nagagawa niya pang magyabang kahit na alam niyang malakas talaga ang kanyang ama.

"Simulan nating muli?" hamon ni Leo. Tumango nalang si Vladimir at agad-agad na umatake. Nagulat si Leo sa ipinakitang bilis ng anak n'ya, halos kamuntikan na siyang matamaan nito.

Umilag siya pakaliwa at gumanti ng atake. Napakabilis na bawat pagatake ng bawat isa ngunit walang nagkakatamaan. Tumalon ng mabilis si Vladimir kagaya ng ginawa ni Leo noong una. Hindi na lumingon si Leo sa likuran dahil ang alam niya ay ilusyon lang iyon ngunit walang vladimir na bumalik sa kinaroroonan niya kanina. Totoong tumalon ang binata papunta sa likod ng kanyang ama at nakatutok sa kanya ang malaking espada ng binata.

"Paano ba yan?tabla na tayo." Ibinaba ng binata ang espada at humarap sa kanya ang kanyang ama. Nakangiti itong tumingin sa kanya,natutuwa dahil lumaki ang kanyang anak na isang malakas na lalaki.

"Magaling!" Bati ni Leo.

"Utang ko ang lahat ng kakayahan ko sa espada kay Ae."

"Siguradong magaling siyang mandirigma..."

"Talaga!"

"Maari bang sabihin mo sa akin kung paano ka naging Bloodsucker??" Out of nowhere na Pakiusap ni Vladimir.

"Bago 'yon pumasok muna tayo sa loob." Sabay ngiti sa binata.

"Bago umalis si Anna sa puder ng mga shaman, naging isa na rin siyang magaling na mandirigma ngunit wala sa kanyang dugo ang dugo mg shaman kaya naman hindi siya makagawa ng mga kayang gawin lamang ng mga shaman. Bagamat ganoon patuloy siyang nageensayo. Naghahanda sa kanyang pagbabalik sa Vesselia." Nababakas sa mukha ni Leo ang lungkot habang binabalikan ang mga alaalang iyon.

"Diretsohin mo na ako." Seryosong sabi ni Vladimir.

"Hindi niya talaga gustong pakasalan ang lalaking iyon,ayaw niyang matali sa isang sakim na tao. Ngunit dahil sa kagustuhan ng kanyang pamilya sa kapangyarihan ay wala siyang nagawa kundi ang sundin ang kagustuhan ng kanyang mga magulang. Kaya nga nagkaanak sila ng lalaking iyon ."

"So...paano ka nga naging bloodsucker?" Kumunot  na ang noo ng binata dahil ayaw siyang diretsohin ng kanyang ama.

"Bago siya umalis ay kinagat niya ako... Isa iyong back-up plan na kung sakasakaling hindi na siya lumabas ng buhay doon ay may isa pa sa aming buhay na magsasabi sa'yo ng mga ito sa tamang panahon." Tila nagtaasan ang balahibo ng binata sa mga sinabi ni Leo, Ngayon niya lang naintindihan ang lahat.

"Matapos 'yon hindi na siya nakabalik, dala ka niya noon kaya natakot ako na baka ikaw ay patayin rin ni Sutor."

"Naghintay ako Vladimir na mahabang panahon,kaya sana mapatawad mo ako kung wala ako sa tabi mo ng mga oras na lumalaki ka,may problema ka o kung gusto mo ng pagpapayo,sa lahat ata ng oras wala ako sa tabi mo...sana patawarin mo ako." Tagos sa pusong sabi ni Leo.

"Paano?ipagpatuloy nalang natin ang pagsasanay bukas?"

Segway ni Leo. Walang ibang nagawa si Vladimir kundi tumango kahit na nais niya pa talagang magensayo.

The Blood PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon