Malayo-layo na ang iyong nilakaran
Nitong buhay na walang kasiguruhan
Marami ng suliraning pinagdaanan
Lahat ng iyon ay iyong napagtagumpayan.Mga lumang litratong iyong nasisilayan
Mga musika noon, ngayo'y napapakinggan
Tila makinang nagpapabalik sa 'yo sa nakaraan
Ngumingiti, lumuluha— sarili mo'y natagpuan.Katulad ng iyong porma sa pagkakasulat
Pag iyong balika'y 'di na pareho ang lahat
Tulad ng araw na minsan lang kung dumaan
Kailanma'y 'di na natin 'to mababalikan.Kung sa iyong kahapo'y mayro'n kang nasaktan— humingi ng tawad
Sa mga taong nakatulong sa 'yo — gumawad ng pasalamat
Sa nagawang kamalian, sarili ay 'wag ikulong
Bagkus ay sikaping magbago, sarili ay iahon.Ang dating mapag-imbot, ngayo'y kontento na
Ang dating marupok, ngayon ay matatag na
Mapusok nuon, ngayo'y 'di na padalos-dalos
Makasarili nuon, ngayo'y namamahagi na sa hikahos.Lahat ng taong ating nakakasalamuha
Sila'y may layunin, hatid man ng iba ay luha
Sapagkat tayo'y hinuhubog lamang ng Panginoon
Harapin ang bukas, matapos ang pagsulyap sa kahapon.*********************************
"Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin." - Mga Taga-Roma 8:28
Pinagkunan ng larawan: Google
[mymodernmet.com]Itinatampok na awit: Kanlungan
Ni: Noel CabangonSa panulat ni: J. Z. ROMEO
BINABASA MO ANG
WORDS FOR THE SOUL [Published under KPUB]
PoesíaPOETRY COLLECTION ••• Kind words are like HONEY-- sweet to the soul and healthy for the body. -Proverbs 16:24 (NLT) These are the ways how I combat my everyday battles in life. Giving glory to Christ by sharing my testimony through poetry. Sharing...